I read my two old diaries na nabuno kung nung time na I was graduating to my job hunting mode to finally landing in my first work. I was very problematic then- like now- pero ito lang masasabi ko at least iba na ang problema ko ngayon. Nega? No I think, it’s positive.
Your problem now should not be your problem in the future
Call me jologs, geeky or praning but I still use diary as my therapy ( yes with my therapeutic claim hehehe) sa aking anger management, frustrations, doubts, fear and siguro to appreciate life. To cut it short, mas madalas akong magsulat sa diary kapag galit o problemado ako.
read my other site aspectos de hitokiriHOSHI
Sa pagbabalik tanaw ko sa aking sarili, halos maisip ko noon na may depression na ako. You know, pressured ako to find job, to practice yung pinag-aralan ko, at magkaroon ng sapat na sweldo. At ito pa dahil tambay si Inday, problema ko na rin yung mga problema ng mga pinapanood kong karakter sa telenobela. Musta naman ang magkaroon ng Taiwanese and Korean series of problems?
Hindi stable ang income and work ko lagpas one year mula ng nagtapos ako. Nandoon yung halos magsisi na ako kung bakit ba yung kurso ko ang kinuha ko, yung sensitive ako sa tingin ng ibang tao, at di ko kailangan ng graph dahil alam ko na below sea level na ang confidence ko.
Lahat dina-diary ko, idinadasal ko at pinipilit ko sa sarili kong kokote na kaya ko ito. Iyon na rin ang nabasa ko mga sinulat ko and congrats younger Hoshi! Ikaw na ang Survivor!
Discover your true rival
Sa totoo may mga gusto ako na tingin ko ay problema dahil hindi ko pa nakukuha. Ganito talaga ata ‘pag Capricorn, ambisyosa! Hindi ako nawawalan ng aims sa buhay pero marunong akong magtiis kung ano muna ang nariyan at magpasalamat sa mga blessings na dumarating (defensive pa ang ambisyosa huh!)
Pero isa sa nakikita ko sa younger at present Hoshi ay she’s trying not to focus sa mga insecurities niya sa ibang tao. Mas gusto niyang mag-discover ng mga exciting and challenging fields na kahit parang isang malaking kahibangan sa iba. Malay ba ng iba na nagse-self study at nag-attend siya ng workshops tungkol sa digital marketing, online selling, SEO, business, personal finance at kung anu-ano pang malaking kalokohan ( sa mga ayaw matuto).
Btw, I’m determined to make this township be known – Lancaster in Cavite
Siyempre mayroon iyong klase ng suliranin na tanggap mo gaya ng pagbabayad ng monthly bills, kakainin mo araw-araw, etc. Ito pa nga masaya, yung problema ko hindi na puro career kundi may kasama na ring business. I think iyon ‘yon eh!
when you try to find answers to your questions that’s one thing and when you look for another challenge – that’s additional problem-solving.
I came to a point that I’m asking myself what I’m going to do with my life aside sa pag-iisip sa love life. Mula ako sa class C family at kung di ako maghahanap-buhay ay walang mangyayari sa akin. Saka nakakasawa na rin yung naghihintay ako sa kung ano ang ibibigay o ititira ng iba sa akin. Pasensyosa akong tao pero hindi ako martir, nasa-satisfy ako pero hindi ako nakukontento. I have to solve yung problema na nagiging reason bat ako nade-demoralize.
Hoping to remember my Happy self… in coming years
Simple lang naman ang bawat pangarap natin- ang maging masaya, Hindi ba? Pero ano bang nagpapasaya sa atin at ano ang nagdudulot para hindi natin maramdaman ito? Lintik problema na naman.
Sa paglipas ng panahon, i always strive to become better kahit parang hindi nagiging better or nagiging iba sa what I expect before. Pero ito lang masasabi ko, okay lang sa akin tumanda pero gusto kong tumanda na Happy and Lovely kahit may problema pa rin.
Taray di ba? Problemahin mo ‘yan.
same problem! I’m feeling depressed, worthless, jobless and stressed… my blog has been my escape
yes, nakakatulong din talaga na may outlet ka for your emotion. hope you’ll find way to make you feel wonderful, worthy, career-oriented and blessed. Fighting!
i dont no what canna do for you
hahahahhaha
😛 😛 😛 😛