Wala sa plano at dapat may trabaho, kaya nag-aalangan ako na sumama sa Cavite Tour ng SEO lead Generation Conference team ( headed by Janette Toral) and Lancaster New City. Pero good thing, I decided to join dahil sa maraming bagay akong napagtanto.
I want to have my own a house and lot
I don’t know if my future husband will give me a house and lot , I will win a contest with that kind of prize or if I will get married (hopefully), but the sure thing is I really like to have my own house.
Sa pag-ikot namin sa Lancaster New City, na-feel ko yung pakiramdam na ganito pala pag namimili ka ng magagandang bahay. Yung detalye ng sukat, transportation, commercial areas, security, quality ng foundation and kung anu-ano pa. Of course, unang papasok sa kokote ko ay dapat maganda at sulit ang bayad sa kukuning bahay.
May 7 house models na ipinakita sa amin, pero personally nagustuhan ko na yung Catherine. 50 sqm ang floor at lot area nito, may tatlong kuwarto, 1 kusina, bathroom at garahe. Nasa 1.2 million ito na tingin ko naman ay mapag-iipunan ko rin naman sa sipag maghanap-buhay, pagnenegosyo at pag-iipon. Parang na-feel ko rin yung, ito talaga yung bahay na trip ko. Saka paglabas mo maayos iyong paligid at malawak.
Mautak at mula sa Buena Familia si Emilio Aguinaldo
Pumasyal din kami sa Aguinaldo Shrine , yes tumapak ang mga maugat kong paa ko sa Pang-limang pisong makasaysayang balkonaheng ‘yon. Parang field trip lang ang dating pero this time mas awesome kasi hindi lang about aral kundi may sense of appreciation na especially sa yaman, architecture at taktika na appreciate ko ang mga memorabilla ng kontrobersyal na si Emilio na mataas ang katungkulan sa taas na 5’1 ( si Jose Rizal nga daw ay 4’11 lang).
Bukod sa history, sikat ang bahay na ito sa mabangis na arkitektura nito dahil sabi nga ng nabubuhay pa niyang alalay/tour guide sa mansion trip talaga ni Aguinaldo ang double purpose na bagay. Marami ditong secret passage o lagusan, na ang isa ay lulusot sa St. Mary Magdalene Church na isang jeep din ata ang pagitan. Ang tower nito ay 5-storey at yon ay isa lamang sa 3 bahagi ng kabahayan. Nandoon pa ang mga gamot, refrigerator at big kawa este traditional giant washing machine ng mga Aguinaldo. Pag punta n’yo roon ikakatuwa nyo yang washing area na ‘yan, at ang limousine n’ya.
Kasama rin sa aming tour ang Food trip ala- Caviteño at ang pagsilip sa mga makasaysayang mga photography na ang iba ay kuha pa noong panahon ng mga Kastila sa GBR Museum.