Skip Now, Regret Later

sleep like hipoAng totoo maraming ideya ang Pinoy sa career, love, business,  technology at iba pa.  Pero madalas yung konsepto nila ay sinasabi lang nila, hindi nila ginagawan ng action. Well marami naman puwedeng maging rason kung bakit skip now muna  sa dream na sooner or later isa na  sa biggest regret nila in life.

Ako man din ay nagkakaganyan especially sa larangan ng love life (oha-oha!) kaya naman when it comes to other aspects like career and business nilalakasan ko na ang loob ko.  Pero minsan hindi lang naman sa  fear of failure yan kundi dahil na rin sa procrastination, laziness, being dependent and weak determination.

Ilan na nga bang napag-uusapan na ideya na nababalewala ang narinig ko this month.   Yung tapsilogan na naitayo na ng iba,  catering business na nagawa ng taong akala mo  wala lang, yung kailangan sa big time kaagad kahit puwede sa mababa muna mag-umpisa at kung anu-ano pa.  Sa bagay sino bang  di gusto ng malaking kita kaagad pero kung yun ang talaga ang trip dapat malaki rin ang ipupuhunan pera, effort, and fighting spirit.

Gaya ng sinabi ni Richard Gomez sa episode kanina  ng Kapuso Mo Jessica, “I  wanna grow old gracefully.”   Maasiwa siguro ako sa pagmumukha ko sa salamin kapag nag-hello na ang wrinkles, gray hair and saggy skin pero di ko lolokohin ang sarili ko na may chance na bumata face ko.  Peace of mind and simple joys lang naiisip ko na pang-relax kapag senior citizen na ako.  

Sa totoo lang wala naman nakakaalam ng  kinabukasan, kung magtatagal o hindi, kung papatok o lalangawin. Pero kung bukas ganun ka pa rin katulad kahapon o noong isang taon – ‘lam na!

Advertisements

4 thoughts on “Skip Now, Regret Later

    1. Salamat po!

      Naku isa rin naman yan sa weaknesses ko kaso hindi na puwedeng laging ganyan. Ang bilis pa naman ng oras ngayon. Pag gising mo 6am bigla pagbangon mo 12nn na. ganun ang peg hehehe

      Teka ano po ba ang meaning ng kuda?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s