self-pity: motivation or self-destruction

tomb for self pityBawat isa sa atin ay may kaawa-awang kwento.  Yung tingin mo na nadehado, naabuso, namaliit o  basta naaano . So in short, nagkakaroon tayo ng self-pity.  Actually hindi maiiwasan ang maramdaman ito, kahit everyday puwede mag-chuwariwap ang iyong puso telling your brain it hurts, I’m such a loser.  Ngayon ang tanong dyan what  will you do? Use it as a motivation or  experience gradual self destruction.

Tindi naman self-destruction  kaagad?

Uu! Kung dito naman talaga ang punta kung patuloy tayong papakunsumo sa kawawa mentality.  We’ll see people around us as vampires  na iistrohin ang ating energy, we think everything we do will not pass sa standards ng kinauukulan o hahayaan na lang natin na dito na lang kasi tinanggap na natin na “oh my gulay this is my life this is sad,  but I have to embrace it.  Hindi ko pa tsinetsek  pero siguro may connect ang sobrang pagse-self pity sa stress, depression at count ng top 10 reasons  why   people commit suicide.

Ang paawa ay hindi nakakatuwa

As a listener, you’ll know in the end kung  totoo, may bahid or nagdadrama lang yung taong kausap mo.  Let’s say totoo nga pero matitiis mo rin ba ang taong paulit-ulit na sinasabi ang mga problema niya sa buhay when in truth mayroon naman s’yang choice na maresolbahan yun.  Ang nakakainis pa nito, ibinigay mo na sa kanya ang iyong ideya, payo, script at pati na ang blocking pero wala s’yang ginagawa.

So what? Babangon ako’t Dudurugin Kita style?

Puede naman, pero yung dudurugin natin  ay yung negative feeling, iyong bagay na bakit tingin natin ay kinakayan-kayanan tayo. I don’t believe in revenge sa tao, unless dumaan yan sa due process at nasa katinuan ka.  Like yung reklamo natin sa mga tiwaling %#$*.

Katunayan, baka mayroong pagkakataon na akala natin  kinawawa tayo pero hindi pala.  We  follow tradition, norms and conventional approach so we  don’t expect the unexpected reactions.  So kapag hindi  pabor, ang bilis sabihin na ang daya.

Ako ilan na ba ang nakaaway ko at minaliit ako. Yung kulang na lang sabihin sa akin na hampas-lupa, indio, tanga or you are nothing. Siyempre gusto kong ngudngurin ang nguso nila sa putikan na may pupu ng goat saka ko sisikuhan sa magkabilang panga at sipain ala-renowned football player. But you know, kung paghihiganti ang nasa utak natin, magse-self pity lang tayo ulit lalo na kung di sila affected hehehe.   Ang winner na move ay prove yourself, your worth unang-una sa sarili natin.

Angst, sangkap  sa self-motivation

Karamihan sa mga aktor na magagaling ay actually may mga angst sa buhay at  doon sila humuhugot ng emosyon.  Kung di ako nagkakamali si Jericho Rosales ay dating tindero ng isda sa  Bicol at pa-extra- extra sa Marikina. Si John Llloyd Cruz ay  bread winner ng kanilang pamilya.  Naalala ko yung rebelasyon ni Coco Martin against ABS-CBN. Pero see, nung napatunayan n’ya ang kanyang sarili mismong ang network ang  nagluluklok sa kanya sa bilang isa sa premier actor ngayon.

Ang pagse-self pity (especially pang matagal na) ay choice na ng tao.  At wala pa akong nakilalang sumikat, yumaman,  at sumaya sa pag-aaruga ng ganyang katangian sa sarili.   Bagkus sa totoo lang, nakakabuwiset sila.

2 thoughts on “self-pity: motivation or self-destruction

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s