In Businessmen’s Angle

Sa pelikula at TV,  kadalasang kontrabida ay mga businessmen at numero uno sa uri na ‘yan ay mga landlady o landlord.  Naalala ko rin noon si Mang Tomas (the late Tommy Angeles)  sa Home Along the Riles.  Lagi  s’yang inuutangan at inuutakan  ni Kevin Cosme ( the late Dolphy) pero mabuti na lang long-standing ang kanyang  tindahan.

 In every business, there’s a spark of hope

Hindi lahat ng businessmen o nagtatayo ng maliit na negosyo ay old rich.  Mayroon mas mahirap pa sa mga customers niya pero nagtitiis na magtinda. May hope na kahit  kakarampot pa kaysa ipinamasahe ang kanyang profit ay lalago rin ang kanyang negosyo.

I salute ang mga negosyanteng ganun. Kasi aanhin mo naman ang malaking patong kung uunti lang ang bibili. At kapag patas  lang ang iyong patong, patas ka lamang din sa iyong customers.  Ang saya rin kaya kapag nasa-satisfy mo ang iyong customers at feel na feel mo na kailangan n’yo na ang isa’t isa.

Who’s the real villain?

alkansyaHindi lahat ng clients ay masasabi mong good- iyong nagbabayad kaagad, nagbabayad ng tama at madaling paliwanagan.  Ever since na nagkaroon ako ng interes sa business  (since noong grade 3 ako)  kakambal na ata ng pagnenegosyo ang problema at kung paano mo iti-take ang principle na “the customer is always right“.

Paano nga ba i-apply iyon sa pala-utang? Kung sa bawat paninda  ay piso lang ang tubo, at uutangin lang o di na mabayaran. Patay ang kita, patay din ang puhunan – in end sablay ang negosyo.

Balikan natin iyong mga eksena sa movies na galit na galit yung rumerenta sa may-ari ng bahay.  Dahil bida madalas ang gumaganap na renter (wala pa ata akong napanood na landlady ang bida at mabait s’ya), magagalit ka sa landlady kapag naniningil siya ng upa.  Ito ngang sa Bride for Rent nina Kim Chiu at Xian Lim,  anim na buwan na yung isinisingil kina Kim ng kanilang inuupahan.

In reality at ikaw ang lumagay sa role ng may-ari ng bahay, ano ang pakiramdam?  Kasalanan mo ba na naghihintay ka lang ng bayad ng umuupa?  Pinilit mo ba silang mangupahan sa iyo?  Kung isa kang iresponsableng may-ari ng bahay na nirereklamuhan ka na may sira yung bahay at taas ka ng taas ng singil baka puwede pa. Siguro nga pinagpala yung mga taong nagkaroon ng bahay at paupahan, pero di rin natitigil ang kanilang swerte. nagbabayad din sila ng kanilang ilaw, tubig at kuryente. And yes, the sad truth is di talaga nila problema ang problema ng nangungupahan.

Utang na Loob vs Source of Income

Mahilig talagang tumawad  ang mga Pinoy – sa palengke, sa gabi at tuwing Pasko. hohoho!  Even big time entrepreneurs know how to make tawad (haggle). Okay siempre ang magbigay ng discount, patok yun sa mga regular customer o kakilala na malapit na malapit sa iyo.

Pero aminin natin, may mga tao na makahingi ng “treat”,  balato, o palibre ay wagas.  May iba pa d’yan na emo attack as in may “utang na loob ka”.  Kung ganito ang iyong sitwasyon bilang businessman, I suggest, na ilayo mo ang pagbabayad utang mo sa iyong business.  It’s a no-no na ipasok mo yung idea na since may utang na loob ka sa isang tao, he/ she can ask for anything or more.  Bandang huli sasama na lang loob mo, na wala syang idea kung bakit.

Relationship vs entrepreneurship

jayson lo_more than enoughGenerally, ang idea ng marami ay kapag nagnenegosyo ang isang tao mayroon s’yang pera.  Ano ang kanyang  ipupuhunan kung wala syang pera, di ba? Totoo naman yan sa halos lahat ng pagkakataon pero don’t forget yung term na “Halos.” Mayroon din kasi ginamit muna ang credit card,  nag-loan sa bangko at ginamit ang lahat ng kanyang savings para makapag-business.

Dun tayo sa angle na kunwari may kamag-anak na negosyante – mas madaling utangan yon, magpapasok sa trabaho o kaya makialam. May mga kayang pagbigyan, ang masaklap nga lang kung sino pa yung kamag-anak s’ya pa ang mas maangas sa totoong businessman.  Kung ilalagay ko ang sarili ko sa role ng nagnenegosyo na may ganung kamag-anak at kahit matalik na kaibigan, sobrang sasama ang loob ko. Bakit? Sa pamilya ka unang huhugot ng moral support at higit kanino man, sila ang nakakaalam kung paano ‘yong paghihirap mo para mairaos at gawing matagumpay ang iyong kabuhayan.

Happy Valentine’s Day to all and Let’s support ang mga nangangarap na magnegosyo.

Mas maraming negosyo, mas maraming di aalis ng bansa at mas uusbong pa ang ekonomiya.

and

4th Anniversary na ng Hoshilandia.com 

4 thoughts on “In Businessmen’s Angle

  1. yeah, puwede naman ding i-bend yung rule paminsan-minsan pero wag yung tipong hihilain ka pa padausdos paibaba. kadalasan din kasi sa ibang Pinoy they simply insensitive. hindi lang nila alam na sila ang dahilan ng paglubog ng kanilang kapwa.

    i support good customers service and good entrepreneurship!

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s