Asa Ka… sa sarili mo please

Sa hinahaba ng panahon, kailan ko lang naipagpatuloy ang pagbabasa ng Lumayo Ka  Nga Sa Akin ni Bob Ong, in fairness timing pa ata sa labas ng  ABNKKBSNPlaKo the movie starring my fave local actor Jericho Rosales.  at sa ilang words na intro ko gusto ko lang sabihin na katulad ng mga cliche sa movies gaya ng naka-indicate sa unang book na binanggit ko ay cliche din sa buhay ng mga Pinoy pagdating sa word na asa or dependence.

Bye Wallet!The Breadwinner takes it all

Maliban sa isang tao ay disabled, senior citizen at may mental problem, bakit nga ba naidukdok na sa kokote ng karamihan na kapag may breadwinner na ang pamilya – wala ng galawan.  Madalas na nangyayari ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kayod marino (  kung nakakayod ang dagat) sa ibang bansa habang ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay laman ng malls, disco at coffee shops para gumastos.

Walang problema kung once, twice or Gaano Ba Kadalas ang Minsan eh kaso Forevermore ata ang peg na talagang kung puwedeng iabot sa sukdulan- gorah belles.  And take note, may iba na nagsasabi na “what a pleasant surprise” kapag nag-punchline na ng “Puno na ang Salop” ang pobreng breadwinner na baka ni pambili ng bread ay ipapadala pa sa Pinas.

Only You

Sarap pakinggan ng sabihan ka ng kabiyak mo na Only You or You’re My Everything pero kung pagdating  sa finances ganito pa rin ang tune. Ay wait a minute Kapeng kulang sa dip ng pandesal na mainit. Unless he / she imposes to you that you remain housewife/ househusband and your kids are totally alagain pa,  seek opportunities to boost your monthly income.   With  technologies and available home-based, sideline business gaya nung sa akin  Unified Products and Services  ( this sounds like macau – makaw-promote) ay  puwede kang kumita kahit habang  nagbabantay sa kuna, nagyuyogyog ng duyan at nagpapatugtog ng kundiman.

Sa takbo rin ng life ngayon, mahirap yung isa lang ang nagtatrabaho sa mag-asawa di ba? Iba rin kasi yung budgeting sa buwan at arawan like pamalengke, pambili ng diapers o gatas at pagpapa-load.  Wala pa dyan yung balak na house loan, kotse at insurance. When it comes to family concerns  It Takes A Man and A Woman.

Narinig mo na ba ang l8est?

Isn’t amazing, Isn’t surprising, Isn’t… kapag nasa college.  Ito yung years na nakakatikim ka na independence kasi halos iwan mo na ang pagiging teenagers at pagiging menor de edad.  Ang pipigil na lang sa iyong mga activities  ay ang delay ng landing ng allowance sa iyong mga palad.

Ito ha, secret lang natin. Minsan kapag may makakasalubong akong maangas na kolehiyala o kolehiyalo.  Ang tumatakbo sa isip ko madalas ay ” sige tingnan natin pag-graduate mo.” Call me KJ or elder Hoshi, pero once you enter sa work field revolution ang magaganap sa buhay mo.  Your latest mobile phone, tablets, fancy clothes and night life ay puwedeng maging waste of your time and savings.

Iba naman yung perception ko sa mga students na nakakasama at nakakasalubong sa business and personal finance seminars.  Nandoon yung paghanga, amazement etc.  Can I divulge this – most of them are male college students. Nowadays hindi dyahe ang mag-working student o mag-seek ng pagkakakitaan . Nakakabilib kaya yung naka-uniform pa then may hawak ng brochure at nag-aalok ( direct selling, marketing, retail, or dealership).

Independence Day

Breakaway from being asa one at least man lang sa pambili ng mga personal mong stuff. Laking tulong  yung ikaw na ang bibili ng ulam, pang grocery, libro at pang-instant coffee.  isipin mo rin na ang tubig ngayon sa Metro Manila ay hindi na lang free salok sa balon kundi de-metrong sumisirit na bayad sa gripo.

Advertisements

8 thoughts on “Asa Ka… sa sarili mo please

  1. very nice and entertaining post, and most of all, informative. and tama ang iyong mga punto. Dapat e tulungan talaga sa isang pamilya. dapat e naiintindihan ng bawat myembro ng pamilya na ang pagasikaso ng pangangailangan ng bawat isa ay hindi dapat nakapatong sa iisang balikat lang. dapat ay tulungan.

    1. Thank you very Sir Rogie! Oo nga po yun ang pinaka-point ng post na to. do your share di ba at hindi lahat inasa mo na. siguro magandang magakaroon ang bawat isa ng financial independence kung tama ang term ko.

    1. thanks mr. portalan and welcome sa Hoshilandia Sr.

      sige ayusin ko lang po sarili ko nang ma-explain ko rin nang maayos. Puwede nyo po akong i-email hitokirihoshi@gmail.com especially kung exact question nyo ay may kinalaman sa UPS ng Global Pinoy Remittance and Services. tutugunan ko ang inyong katanungan ng hindi sounds like hard sell 😉

      Mabuhay!

  2. Achieve na achieve ang mga movie titles! Nagsisisi ako sa tuwing naiisip kong hindi na ako masyadong nakakabasa ng mga Pinoy ang may-akda. Medyo pana-panahon rin e.

    Opo na, aasa na sa sarili. Masarap rin sa feeling na yung sarili kong pera ang ginagastos ko at nakikita ko sa parents ko na masaya silang sarili ko na ang gumagastos para sa sarili ko. BIg girl na ko kumbaga. Aja pa!

  3. Aja talaga sa iyo Akda! ANg pagiging financially independent ay parang magandang punla para maging matatag na puno sa pagdating ng panahon. At sa panahon na puno na iyon, ikaw naman ang magbibigay silong sa iyong mga magulang 😉

  4. hihi, natutuwa ako sa pagka-put mo ng mga bagay-bagay dine, Hoshi. aliw kang mangusap… hey, naranasan ko iyan, medyo matagal – maraming nakaasa sa iyo tapos sila pa galit, haha. medyo matagal din, ha, bago mapuno ang salop, hehe… iba rin yata kasi ang psyche ng pamilyang Pilipino, parang… ^^

    hope you are doing well sa marketing venture mo. good luck and regards… 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s