Stronger than yesterday

Binabasa ko ulit ang nabili kong Go Negosyo: 21 Steps on How to start your own Business noong 2011 or 2009 pa ata. Ang nakakatuwa rin kasi sa book na ito bukod sa inspirational tips ay isa rin syang workbook or text book na may sasagutan ka.  Hindi ko natapos basahin ito dati dahil sa dami kong inaasikaso sa buhay- seryoso or kalokohan.  Pero may mga nasimulan na ako na sagutan gaya ng tanong na  What are my fears and  What worst thing could ever happened? and I found out I’m stronger, braver, and bolder now.

The answers -Then and Now 

Nangunguna sa isinulat ko ay lost my job or be a bum and the worst thing ay ma-fired  pa ako. Saan naman pupulitin ang kakarampot kong ego ‘di ba pag nasesante ako? Sa huling sagot ganun pa rin ang sagot ko, ayoko masesante kaya ginawa ko lahat ng makakaya sa bawat work ko. pero ang sagot ko sa una ay naiba na. yehey! In fact ako pa ang may ganang mag-resign.

Honestly, kung logic din ang paghuhugutan ko ng sagot napaka-impractical ng mga actions ko this 2013. I resigned sa first job ko na wala akong ipon, may utang pa ako na 35K at wala akong bagong work.  Hindi ba mas maganda yung may malilipatan ka muna bago ka umalis para hindi ka nababakante.  Sa kuro ko kasi, I tried so many times sa past na mag-apply habang nagwow-work sa gusto kong layasan pero hindi ako nagtatagumpay. Siguro kasi nahahati rin ang attention mo, nandoon yun naiisip mo yung naiwan mong mga files, baka mapansin ka na absent ng boss mo or may interrogation, puwede rin yung what if nagkita pa kayo sa kalye. Ka-pressure ang walang work kaagad pero that gives me motivation na galingan sa bawat interview or exam na pupuntahan ko. All out wala ng hindrance go for gold-(i need cash e hehehe).

And I’m right nakapasok ako sa type ng field na tinatarget ko – mas challenging, higher salary and  marami akong natutuhan na bago. And then I quit again. ganun ako ka-brave mag-resign at mawalan ng job.

What’s the worst  thing that could ever happen for me?  

Not trying for my dreams and happiness. Sa totoo it really hurts yung mag-fail ka, masaktan ka, parang kulang yung support at ma-heart broken ka. Feeling ko pa naman this year magkaka-love life na ako hahaha! Terence here, here!

pero mabuti na ang masaktan kaysa wala totally kang maramdaman. wala kang progreso ay yon at yon ka lang. Kapag nasasaktan ka, bumabangon ka at nagkakaroon ng motivation na sumulong.  Ayoko dumating yung point na wala na akong nagawa sa buhay ko at wala na akong time para balikan sila.

Mabuhay!

 

Advertisements

4 thoughts on “Stronger than yesterday

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s