Saklay sa Brgy. Holy Spirit

Ako ang sumulat ng battle cry ni Marcial Laristan ng “Kapansanan ay Di Hadlang sa Taong May Kakayahan.” Bakit ko naisip ‘yon? Bukod sa sadyang may kapansanan si Marcial (polio), naniniwala ako sa kanyang intensyon, paninindigan at malasakit sa kanyang Baranggay, ang Barangay Holy Spirit, Quezon City. Alam ko rin na ang kanyang pagiging pilay ang gagawing katawa-tawang rason para s’ya’y siraan at maliitin.  Para bagang s’ya ang Saklay kontra sa mga nangangarerang de-gulong.

Never Say Die- iSaklay

Kung matagal ka ng nagbabasa ng blog na ito, isa sa iniiwasan kong paksa ay politics. Magulong usapan, mahabang diskusyunan ang mapapala lamang sa topic na ito.  Kahit nga gusto ko man ipagsigawan na ako ay makabayan, uunahin ko ba ang sumigaw sa daan kaysa sayaran ng masarap na hapunan ang aking kumakalam na t’yan?  Maiaahon ba nito sa kahirapan ang pamilya ko? Eh kasaysayan ng pamilya ko, Nanay at mga kapatid ko lang ang alam kong nagsikap para makausad ang aming pamilya- walang halong pulitika.

Pero sad to say, may  kabaliktaran at mas malala pa palang prinsipyo sa makasarili kong paniniwala ang ilang voters. Noong 2010 ay pinili kong samahan si Marcial sa kanyang campaign.  Isa iyong nakakapagod na paraan para ilapit sa mga mamamayan, ang taong totoong pinaniniwalaan mo na karapat-dapat nilang ihalal. Sa totoo lang po, mas mahirap pa ito kaysa mag-online selling o sumali sa isang gasgas ng networking. Bakit nga ba ang daming tao na kay daling mahalina sa bagay na picture lang ang promise pero yung mismong produkto mo na nilalapit na, sobrang pinag-iisipan pa.

Na-frustrate? Oo! May isang lugar sa Brgy. Holy Spirit na una kong dinadaan-danan noong 1996. Dahil may kakilala ako roon, binalikan ko sila at inilapit si Marcial. Maayos naman ang pakikiharap nila sa amin pero ‘di sing-ayos nung pagtalikod namin. Si mother, hayun nakita kong nakasuot ng ID ng isang pulitiko at ganadong-ganado sa kanyang ginagawang pagbabantay sa presinto. To cut it short, ganun pa rin ang itsura ng kanilang lugar at maging ng kanilang tahanan.

Sabi nila ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas at minsan ay nasa ilalim”

Tama! pero may idudugtong ako…sana maging gulong ka na umaabante at hindi nakasandal sa pader o pagewang-gewang pabalik. Kung iyon at iyon lang ang gagawin mo, yun at yun lang din ang mapapala mo.  Tingnan mo ang gulong na pinapatakbo ng kamay, patpat o kahit saklay pa ang gamit t’yak gugulong ‘pa rin ng pausad.

voterValues Formation Drive 

Kapag ang bata nagbiro sa may kapansanan, puwedeng unawain pero dapat pagsabihan. Pero ang  matanda nagbiro o nanlait sa isang may kapansanan, kahit ano pa ang antas ng kanyang pinag-aaralan- that says something about his/ her bad personality.

Hindi ginusto o  kasalanan na mga bulag,pipi, bingi, pilay, o baliw na maging ganun sila. Kung hindi natin makuhang mahabag (it’s a choice of heart), sana makuha natin silang irespeto (it’s a choice of mind).  Si Marcial pilay pero nagsisikap na mangalap ng ipanreregalo sa mga bata tuwing Pasko. Read this story

Nagtayo ng maliit na negosyo, aktibong lider ng mga kabataan at iba’t ibang organisasyon. Well, hindi naman s’ya santo na walang nagawang kamalian at nakakainis na pag-uugali. Pero sa bawat yabag ng kanyang saklay, may bago o lumang goma man, isa syang “walking example” na ang tao kahit may natural at habang buhay na pasakit kapag ginusto niya may magagawa s’ya.

ang saklay ay tungkod ng mga hirap sa paglakad  at pag-usad pero kung ang mismong tao ay walang ganang gamitin ito, wala rin itong silbi sa buhay.

Edukasyon sagot sa…Maling Akala (sundan sa susunod na post)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s