100 Things About Me III

68.  nakatagilid akong manood ng TV or sine

69. mahiyain ako magprisinta pero gusto ko rin bumida sa dancing, singing and acting

70.  honestly, natural sa akin ang maging masaya at makuntento  sa pagkapanalo ng iba (kahit nakalaban ko) lalo na kung deserving naman.

71. favorite dessert ko ang ice cream, leche flan, at ube halaya

72. tumatakbo ako dati sa Ultra, Pasig ( detalye pag bumalik na ang Hoshilandia.com)

73. takot akong makuryente kahit sandali or kaunti lang

74. mayroon akong 9 na nakakatandang kapatid

75. nakatikim rin ako ng 3.5  grade sa Math noong college, nagawa kong 1.75 nung midterm

76.  childhood crush ko ang barkada ng kuya ko na tinawag na suplado ng pinsan ko at tinutukso ng nanay ko sa ate ko. secretly, naging mag-MU kami (wish)

77.  i think may extra-ordinary power ako when it comes to dreaming

78.  girl crush ko si Catherine Zeta Jones especially nung Mask of Zorro days nya

79. May times na hindi lang ako basta bagot, talagang sadyang down and sad

80. miss ko na ang mga friends – CMC, classmates noong highschool, college at sa Ortigas

81. Curly ako, inborn

82. i think niligawan ako ng 2 tomboy or bi sexual kong friend, supla- friend is friend and girl is girl for me

83.  nagmarka sa akin ang pamamahiya ng teacher ko noong elementary kaysa  noong minura ako nung principal ko noog high school

84.  Turn off traits for me ang lalaking mas nagger pa sa babaeng hindi inuuwian ng asawa at antipatiko na wala sa lugar

85. isa akong batang Kyusi, Escolarian (if you know what I mean) at nagwo-work sa City of Make It Happen

86.  sensitive ako sa usapang behind my back

87. Okay lang sa akin na i-criticize ako basta i-prove mo sa akin na may right ka

88. hinahanap ko ang una kong tinawag na best friend – si Maricar Briones na nag-aral sa Dona Juana Elementary School

89. naniniwala ako may kanya-kanyang level ng kaplastikan na ang iba ay helpful at ang highest form ay harmful

90.  sa st, jude mendiola at monasterio de sta. clara ako madalas na nagpupunta na simbahan

91. muntik na akong maglayas noong high school dahil sa pekeng pera… hehehe

92.  best years for me so far: 1993, 1997, 2001, 2007, 2011, and 2012

93.  na-harass na ako, seriously

94.  even for my family and friends- business is business and utang is utang for me…”hindi kumo’t nakikita nila na may pera ka pa naman, okay lang na hindi magbayad.  lalo na sa mga hard working at tinitipid ang sarili, deserve mong mabalik ang perang ang bilis mong pinahiram. ang nakaka-sad pa nito, naniningil ka na nga lang para maitulong mo sa iba sila pa ang galit. sad to say may 2 friends akong nagpakilala sa halagang 2K and 3K. actually, it’s not about the price but about giving value sa friendship and word of honor.

95. gusto kong makapag-publish ng book-hindi ko na nga lang alam kung anong klase kasi give up na ako sa children’s book

96. pangarap ko rin ang makapag-put up ng online magazine at makapag-radyo

97.  hindi ako nagsisi sa mga nabasted at napalampas kong possible BF, basta ang alam ko  darating na lang yon o ako na mismo hahanap sa kanya. yeeehah!

98. marami akong alter ego online or offline

99.  dati at muling magbabalik ang aking mga obra sa Japan (pero sana makarating naman ako dun diba?!)

100. seryoso ako pag di mo pa kakilala, jolly pag medyo na, at maloko pag matagal na.

parang kulang  pa pala ang 100 gawin ko na kayang 150? hehehe ask your personal questions-email sa hitokirihoshi@gmail.com hohoho

Advertisements

4 comments

  1. Ang cute naman ng blog na ito, girl na girl. At my age hindi ko naisip magblog ng 100 things about me, I guess dahil lalaki ako? Pero, ang cute kasi you know 100 things about yourself!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s