Makailang sinuyo
Sinulatan
Binasahan
at kinausap nang matino
II
Ngunit makailan mo akong pinaasa
Pinabalik-balik sa inyong pintuan
Sasabihan na iyong matatamis na salita
Mga linyang aking pinanghawakan
Pero hindi naman pala malaman
III
Isa Kang Puno
hitik sa Bunga, maugat at
may matikas na tindig
Pero kahit ano pala ang yabong mo
Hindi ako ang paru-parong para sa iyo
IV
Akala mo siguro ikaw na ang katangi-tangi sa kaparangan
Ang punong puwede ko lamang silungan sa araw na ako’y hapong-hapo
at sa gabing nais kong mahimbing o may makatabi
Pero ganoon talaga, sadyang napag-aralan kong baka…
hindi maging puwede tayo
V
ako naman ang tatanggi
maghirap ka rin sa paghahanap ng kagaya ko
kung may maipapares ka sa kariktan ko ?!
para rin maalala mo, na hindi puwedeng ikaw na lang parati
at ang kagaya ko ay lagi na lang ay kikimi
VI
Because I believe in Who I am
What I want
Where I desire to go
and Which one I Have to Let go
Sorry pero hindi ako magpapasa ng resume
portfolio at kahit profile photo ko sa Facebook.
I’m done with you
Dedication: I want to alay this monologue to all job hunters out there. Don’t give up because of one company that rejected you, even that is your dream company. Go on, stick with your dream job not in the company where you want to work. You’ll never know what you can achieve more when someone closes door and other opens his villa just for you.
wow may pa-suspense effect! akala ko usaping puso na, hehehe. kakatapos ko pa naman basahin ang about page sa hoshi site. 🙂
hahaha bat may usapang puso ba doon? wala ata akong maalala hehehe
may puso pa rin nama ito in a way, pagmamahal sa gusto mong mangyari sa karera mo. (palusot 101)
tama si cup, akorin dalang dala na ako hanggang sa dulo, sabay twist..hehehe…have a blessed day 😉
akala ko tungkol sa love . wahahaha
Tama dapat wag sumuko. 🙂
puwede naman, love for career or for my self. hehehe
yes don’t give up because one thing.