Trip kaya ako ng type kong girl?

Dear Ate Jevs,

May gusto akong girl na  malapit sa amin. Tingin ko naman ay mabait sya, desente at matalino. Kaso parang weird kung kumilos at palaging umiiwas pag gusto kong kausapin. Pero nahuhuli ko naman syang nakatingin sa akin minsan.

May nakapagsabi sa akin na may pagka-moody sya. Minsan malakas mang-asar at minsan naman ay sobrang tahimik.

Paano po ba talaga ispellingin ang mga kagaya nyang babae?

Salamat po!

Rod

—————————-

Dear Rod,

Ang Spelling ng kagaya nyang babae e P-A-P-A-M-P-A-M na synonym ng E-M-O. Pero sa aking kuro ay normal lang syang girl, wala naman syang pangil at least… at nakaka-relate ako sa kanya minsan sa isang buwan. hahaha!

Hindi mo makikita ang spelling nya sa dictionary kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya at pagkilala mo sa kanya mismo. Malay mo naghihintay lang din ang hitad na kausapin mo. Kunwari emotera pero juma-jumping rope pag wala ka na sa kanyang paningin.

Try to talk with her pag group chat ang dating or tingin mo yung sarili nya ay nasa katawan nya mismo in other words mukhang maganda ang kanyang araw. Gorah!

Ang ate na hindi mukhang Ate kahit katabi pa si Baby

Jevs

Advertisements

4 comments

  1. Bat kelangan pang ispelengin? Pwede namang basahin kahit di kayang ispelengin. Parang fuchsia lang. Fuchsia naman oo, ginoogle ko pa yan.

    Humi-hint na nga si babae. Sabi na ngang tumitingin-tingin. Di lang natin alam ang ibig saihin, baka galit sya or type ka rin nya, malalaman lang kapag kinausap mo na ang babae. Sya lang makakapagsabi noon, kaya i-discover mo na yan!

    Last na, Mr. Rod bili ka ng balls sa toy kingdom XD

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s