His Name is Destiny

business ideasSa udyok ng Kuya ko, pinilit kong wag maniwala sa hula.   Sa nabasa kong  parusa sa mga nanghuhula sa Divine Comedy: Inferno ni Dante  Alighieri, natakot akong maniwala. At hayon noong college, kakapakinig ng radyo tuwing hapon habang nagtitinda ng suka, toyo,itlog at ano pang anik-anik, nagpahula ako sa isang sikat na psychic. Hindi pa natapos yan, na-try ko rin sa Quiapo at nito ulit Sabado.

Change your Course or else

Hindi ko na sya papangalanan pero sikat siyang manghuhula.  Dahil wala naman ako magawa ng hapon na iyon tumawag ako sa kanyang programa. nagtanong kung ano ang mangyayari sa akin after college at kung matatapos ko ang nakuha kong course. Sabi niya hindi at maiging magpalit ako ng kurso dahil hindi ito nababagay sa akin o hindi ko ito matatapos.

aba siguro may isang linggo rin ako, dinampian ng agam-agam  dahil sa hulang iyon. biruin mo mula grade 3 pangarap ko ng kunin ang propesyon ko tas di daw bagay sa akin.  natapos ko naman ang college course ko at  kung ano man yun ay gamit na gamit ko pangbuhay sa sarili at pamilya ko.

Wait for your Promotion

dahil 50 pesos lang at gala mode kami ni Syngkit that time, nag-try ako magpahula sa gilid ng church ng Quiapo. Ang sabi maghintay lang ako at mapo-promote ako at makakapag-abroad ako.  hmmm kung alam lang n’ya kaka-end lang ng contract ko noon at naghahanap ako ng bagong work. hehehe!

Your destiny is to be a single

sa lahat ng nagbigay sa akin hula, ito libre at walang eklabo kasi  kakilala ko at kusang ibinigay. ang sabi ay parang inadya na maging single ako.  Ouch!  tinanong nya kung may balak ako mag-asawa. Of course!  sabi niya dapat hindi ako papatay-patay at ako na  gumawa ng paraan kung like ko na ang isang lalake.  Baka umalpas pa siya. kung sino mang syang mokong na s’ya. Shoot!  Passive ako e, expressionless , at hindi lang old fashioned- boyish pa. musta naman?

sa description n’ya parang may naisip ako na papasa pero puwede ring hindi. sabihin na natin baka yun nga. eh hindi ko naman maatim na sabihin na. “hoy pare baka match tayo!” errr!

hindi ko alam kung tama, kung totoo o kung kailangan ko ring lumandi-landi paminsan-minsan, pero parang akong naglagay ng maskara at naghubad ‘pag ginawa ko ang isang bagay na hindi ako.

so ang hula ko ay ,

magkikita rin kami ng ka-match ko, hindi dahil sa nilagawan ko siya at nagpanggap ako. Iyon ay dahil wala lang, love na namin ang isa’t isa.

wait may papalitan ako na word, so again!

so ang panalangin ko ay ,

magkikita rin kami ng ka-match ko, hindi dahil sa nilagawan ko siya at nagpanggap ako. Iyon ay dahil wala lang, love na namin ang isa’t isa.

9 thoughts on “His Name is Destiny

  1. uy, try ko rin kaya yan magpahula. hehehe. wag ka maniwala dyan kasi pag naniwala ka, maaapektuhan mindset mo. at pag nangyari yun, baka magkatotoo. O no! malamang hindi. baka mamaya niyan may lumapit na sayo bigla. yihiii! 😀

    1. hehehe, wag ka maniwala sa palm reading. kasi ang palm ay nagbabago, depende sa tabas ng kalyo at pagbabalat kapag naglalaba. heheh

      i believe for the rest of your life ay punong-puno ka ng pagmamahal at kasama na roon ay yung hinihiling mong love.

      mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s