Looking for father figure partner?

siguro na-kwento ko na before na vivid ang akong managinip. as in kaya kong ikuwento kung saan nagsimula at saan nagtapos. at may masama at mayroon din naman na mababaw lang.

naniniwala ako na lahat ng panaginip ay hindi lamang  basta eksena sa pagtulog kundi naghahatid din ng interpretasyon. kung ano ka, kung ano laman ng kokote mo at kung ano ang maaaring mangyari. Hindi lang basta future ha, I mean yung mga what if dala ng takbo ng subconscious mind mo.

ending up with an older guy

three times ko na siguro na napaginipan na may asawa ako na malayo ang edad sa akin. let’s say noong una kong napanaginipan yun ay teenager ako at ang napangasawa ko raw ay nasa 40 plus na.

o siya wala naman problema doon di ba?  baka dala lang kapapanood ko ng movies at series na kung bakit din trip ko yung mga mukhang matured. example? sa Twilight, gusto ko si Charlie Swan. Then gustong-gusto ko ang Bridgette Jone’s Diary at Pride and Prejudice because of Mr. Darcy.  Tapos ito pa, ang favorite novel ko ay Little Women at feel na feel ko na ako sa Josephine.

ang siste noon ay, after ng aking moments with older guy ay mahuhulog ang loob ko sa isang lalaking kaedad ko rin. labo di ba? cheater, playgirl? o gusto ko lang ng jellybean kaysa ice cream sandwich?

say mo?

One thought on “Looking for father figure partner?

  1. hello, hoshi… hala, nagpalit ka pala ng theme – ang linaw… di ka nag-invite sa blessing ng haybol mo, ahaha.

    hala, pwede namang older ang partner. likely sa ‘yo, hihi. kasi, ganire raw, emotionally, mas ahead ang babae sa lalaki by seven years sa usapang maturity, ahaha. sabi-sabi…

    ay, gusto ko ang attached vid, like ko ang kanta. pero di ko alam na si annie lennox ang umawit ng sweet dreams. ang updated ko lang, hehe. hellow… 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s