What’s your career path?

Mapag-isip akong tao na kahit sa pagtulog iniisip ko kung paano kaya ako makakatulog at ilang minuto. What more pa kaya kung usapang career? Kahit marami na akong nakakausap sa bagay na ito at marami akong nakukuhang ideya o payo, parati ko pa rin kinakausap ang sarili ko sa isyung  ito.

Hitokiri : Ano ang ipinagpapasalamat mo sa work o career mo?

Hoshi:  napa-practice ko ang pinag-aralan ko, nakakapagsilbi ako sa ibang tao, at may sweldo akong nakukuha rito.

Siyempre, may mga reklamo rin ako- sagana!  Pero nakuha kong magtagal sa trabahong (iiwan ko na ngayon) dahil sa mga sagot ni Hoshi plus yung malalim na samahan   sa aming grupo at prebiliheyo ng mga taong inugatan na sa isang lugar also known as “seniority”

Money matters? Oh common!

Hitokiri:  Ano ba ang mga gusto mong gawin para sa iyong career? Naibibigay ba ang mga ito ng pinagtatrabahuan mo ngayon?

Hoshi:  Puro ka tanong!

new philippine peso billsBagaman hindi ko  pa ma-imagine na winawalis ko ang pera  sa kuwarto ko (puwede naman ikalat ang tagbe-bente di ba?), hindi ako hypocrite  sa aim ko na magka-isang milyon bago ako mag-40. Wala akong nakikitang bad d’yan dahil pagtatrabahuan ko ‘yan at wala sa hinuha ko ang manloko o mang-apak ng tao. In fact, kung business-minded ako gusto ko magbigay ng source of income din sa ibang tao at iangat ang estado ng pamilya ko.  Pero idealist ako at hindi ako lango sa view na “pera-pera lang yan.”

Because I believe money is just an instrument to buy your needs, your wants or you desires.  But needs, wants, or desires are not equivalent to happiness.

Pero realistic din ako, I know kung gusto mong umangat sa kinalalagyan mo ngayon kailangan may gawin kang extra sa ordinaryong sitwasyon na mayroon ka.

If your income is not enough to support your needs, check your personal finance. Baka naman yung gastos mo ay equal sa dalawang buwang sahod mo? At siempre, hindi puwedeng nagtatrabaho ka lang para may makain o pambayad ng ilaw, tubig at telepono. Mangangarap ka rin ng ibang bagay ‘di ba like business, retirement, education, house and lot at iba pa gaya ng wish kong tablet.

You can’t tell me what I “really” want

grandpa's inn musical instrumentsKamakailan may nakausap ako na todo explain ng work environment na ginagalawan n’ya. Pardon me, pero ang dating sa akin ng explanation niya ay ignorante ako sa industriyang ‘yon at hindi ko kayang tapatan ang ginagawa nila.

Siguro nga hindi at wala rin akong interes na tapatan. Sorry pero alam ko kung anong challenge ang gusto kong pasukin at hindi yung challenge na patunayan ko na mali ang background ko. Kung ang background ko man ay isang mahirap at makaluma, hindi ako dapat mangimi kahit ang kaharap ko ay isang mayaman at maalam sa latest technology. Tao akong pinalaki at humaharap. Ano pa ba ang mas mahalaga sa lahat? Puwedeng mas may alam ang isa sa ganitong bagay pero hindi ibig sabihin noon na ang isa ay mang-mang na.

May nakausap din ako na pinayuhan ako na mag-stay. Ano ba ang mahihita ko sa labas? Babalik na naman daw ako sa rank and file employee and baka magre-retire na lang ako ay hindi pa ko tataas ulit?

Ganito kasi yan e.

Hitokiri: parang manghuhula siya no?

Hoshi: oo nga e, akalain mong sa bata kong ito, sabihan na kaagad akong hindi na ako magiging team leader. Puwede naman akong maging purok leader a, floor manager, chairman of the board o kaya ay chief executive officer.

Hitokiri: Iyong posisyon mo,  ma-miss mo ba? Paano ‘yan baka bumalik ka sa ibaba?

Hoshi:  Tao ang name-miss hindi puwesto at ang mami-miss ko ‘yong mga kasama ko nang ilang taon. At dun sa pagbaba , walang problema. Ang totoong  slasher star, hindi nakabase sa demand ng popularity kundi sa quality ng role na tini-take. Kung nakaka-deliver at nabibigyan niya ng justice ang kanyang role.  Kapag nagawa niya ng mahusay ang kanyang pagganap/ trabaho, sunod-sunod na ‘yan. Awards, more projects, commercial endorsements and even singing engagements.   

Ang title ay title lamang kung  hindi mo talaga feel. Kung mananalo ako na Miss Universe at hindi ko feel na maganda ako. ano yun?

read
My Work is not the whole me
sa next post ko.
Advertisements

12 thoughts on “What’s your career path?

  1. Wow, marahil ito ang tinutukoy mo o banggit mong aksyon matapos marating ang dead end, ito nga ba? mainam, nakatutuwa naman at napapanahon nga. higit akong natutuwa hindi lamang sa reyalisasyong dulot nito sa iyo, maging lalo ay sa “impact” ng iyong katha sa aking sarili. astig po ang pahayag na “ang totoong slasher star…”, nakakabilib. salamat hoshi.

    smile….

  2. Kumbinsido ako sa sinabi mo, “Gumawa ka ng ekstra sa ordinaryong sitwasyon mo!” If you want an extra ordinary life, do something extra ordinary!” and God will crown your effort with success. Di lang basta work ng work dapat may goal din na tinutudla.

    1. wahh natuwa naman ako sa word na tinutudla!

      hi Ma’am Hana and welcome sa hoshilandia sr!

      Yes kasi kung same ng same ang gagawin mo, same lang din ang result. At pinagpapala ang mga taong marunong gamitin ang talent na pinagkaloob sa kanila. hindi yun binabaon kundi pinagyayaman. tama po ba?

      mabuhay!

  3. Kumikita ako ng mas malaki sa dati kong trabaho pero iniwan ko yun para sa isang posisyon na di kalakihan ang sueldo at di ako regular na empleyado pero mas nagtagal ako dito. Kaya money matters but your sense of fulfillment and happiness n your chosen career matters more. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s