How to be creative?

coffee-heart.jpgBago ang lahat binabati ko sila na wala man sa Libangan ng mga Bayani pero nag-alay ng sarili ( kahit hindi pa sila pinagbabaril sa likod). Magasgas na ang gulong ni Mamang kaskasero pero bibitawan ko pa rin ang linyang ito Kung hindi dahil sa mga bayaning sina Ka Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo ( ano kaya ang reaction mo at George Estregan ang pumapel sa karakter mo at take note kasama pa si Nora Aunor), Diego Silang at Gabriela Silang ( mabuhay ka Madam ginampanan ko dati sa school ang role mo), Tandang Sora, Lapu-Lapu at iba pa ay baka Spanish ang blog ko ngayon. I love Filipino, you know!

 Kinalaman?

Siempre thank you sa kanila, Holiday! Walang pasok at tigil-bahay-bawas gastos- lapat-ang-puwit-sa-papag-nganga-sa-paglamon ang mode ko.   Pero ang si Hoshi ay sadyang gustong maging produktibo at kailangan ko ring gawin ang trabaho na sana maiwan ko na este natapos ko sa office plus ‘yong mga the usual.

Eh kaso sadya ring tinamaan ng magaling, walang ma-produce na kahit ano ang kokote ko.  Ni wala nga akong ganang manood ng film, magbasa ng book o kumain kung di rin lang gutom .  Alam mo yung beyond katamaran ang sumapi sa iyo. pero siguro ang nearest synonym sa katamaran na yan ay kawalan ng gana.

Anyway, may ilang seremonyas ako to bring back my senses and to be creative  para maging productive.

1.  Drink Coffee – ayon sa aking sariling pag-aaral, ang kape ay hindi na nagpapa-gising sa akin kundi nagpapaantok. Pero bago ako antukin ay nakakaisip ako ng kunganu-anong idea na para akong naka-high sa amoy ng balat ng pomelo or citrus aurantium.

2. Eat Chocolate –  honestly, antok ang tama sa akin ng chocolate at feeling ko rin pagkagat ko pa lang may bilbil na ako sa arms. Pero gaya ng tamis ng kape ay binibigyan ako ng kakaibang feeling. Hindi masaya e, parang  masidhing passion. hohoho!

3. Dancing – Secret lang nito pero kabog ko si JLo pag tinamaan ako ng magaling at gusto kong magising ang diwa ko. pag sinaniban na ako nagsu-showdown na kami nila Shakira, Beyonce, Britney Spears, Lady Gaga, at Christina Aguilera. wala pa dyan yung tuloy-tuloy na tugtugan ng Black Eyed Peas, Rihanna, Shaggy, at ang pinakamatagal ko ng ka-sama sa dancing floor na si Michael Jackson.

4. Sound trip/ Singing – Thursday Night sumama ako sa gimik ng ibang department. Sulit ang bayad ko sa establishment na pinuntahan namin sa Metrowalk dahil kahit hindi ako umiinom at hindi ako nakakain ng marami, binira ko sa kantahan. Noong pumasok ako sa room na iyon ang dami ko pang burden e, paglabas ko boses ko na lang ang ay problema. salamat Yeng Constantino, Bangle, Aegies at Penny Tai taob ang humamon sa akin. hehehe Peace Dieg!

Hindi ko nga akalain na may ibibirit pa ako habang nag-aantay ng inspirasyon sa harap ng PC.  Buti na lang sinamahan ako ni Ka- Adele, Casting Crown, Celine Dion, Alison Krauss, Bread and Maroon 5.

5.  Surf the Net – Nakakagising ito ng diwa at nakakaiwan ng stress. Iyon nga lang puwede ring magligaw sa focus mo. Pero kung determinado naman  puwede naman makabalik at umalis ulit hehehe.

6. Walk -Walk  then Talk -Talk – Hindi ako typical na tita o ate. Hindi rin naman ako isip bata sa pagkakaalala ko pero alam ko makulit ako. at kapag nasipagan ako na makipag-usap sa kahit kanino que bata o matanda. Maya-maya may maiisip na ako na kakaiba.

iba pa yan yung nakapaglakad-lakad ako ng malayo,  parang akong namumulot lang ng ideya bangketa. iyon nga lang medyo sabaw-sabaw sa una.

cropped-02-09-09_1115.jpg1_Binangonan-confession room

Pero alam n’yo sa lahat ng ‘yan at kahit pa siguro makakakain ako ng mani, hindi naging effective.  Nagkaroon ako ng motivation na gumawa nang magising ako ng 4am kanina, magdasal at  magsulat ng mga dapat kong  gawin sa araw na ito. Hayon nakakarami na ako ng natapos.

 

Advertisements

6 comments

  1. “Alam mo yung beyond katamaran ang sumapi sa iyo.” 😉

    mahilig ka palang sumayaw, hoshi… ako, don’t know maski isang step, haha. at mahuhusay ang dancing idols mo…

    Maligaya at masayang Pasko sa iyo, hoshi! Cheerio 🙂

      • hihihi… kakatuwa kang mag-put ng bagay-bagay. e, nangyayari naman talagang may points na nagiging demotivated ang isang tao. di ko lang masyadong expected sa ‘yo – feeling ko, isa kang nilalang na mahusay mag-pep talk ng sarili, ahehe… ^^

        Masayang Pasko pa rin! Have fun, kapatid… 🙂

      • magpep-talk ng sarili? parang nga at take note di kailangan ng salamin nyan, tanaw sa bintana at habang umuulan o biglang sandal sa pader at padaos-dos pababa. hehehe!

        Merry Christmas and Happy New Year!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s