Gusto kong pasalamatan si IgnoredGenius sa award na ito. Nakakatuwa kasi hindi pa naman ganun katagal na magkakilala sa Blogworld pero kinilala na niya ang aking blog at ang aking pagiging blogger. Sorry natagalan lang ako sumagot dito.
At dahil d’yan dibdiban ang pagsunod ko sa alituntunin tungkol sa pagtanggap ng titulo na ito ( parang beauty queen lang).
Ano ang pitong bagay tungkol sa akin
a) Since grade 2 ay matipid at mahilig na akong magtabi ng barya, karton at iba pang kalat. Ngayong malaki na ako gusto kong i-advocate ang personal finance at recycling o pagiging resourceful
b) Bago ako mag-blog nung October 3, 2007 sa aking site na tinawag kong Hoshilandia SR (oo ito ‘yong blog na ‘yon) at naging ako si Hitokirihoshi, ay nag-umpisa ako mag-diary noong March 1999 sa pangalang Rybleton Zaprilas (ako na ang makiyeme sa pagpapangalan)
c) Ang pinakamahinang bahagi ng katawan ko ay ang aking Tyan… at ito ang isa sa inspirasyon ng aking Pupu Series
d) Sira ang diet ko kapag Champorado, Adidas (chicken feet) at Sinigang na Baboy ang pagkain.
e) Ako ay medyo opinionated na medyo emotional, makulit pero medyo seryoso, madaling kausap pero mahirap maintindihan, good but not kind, matatakuting explorer, at absolute normal weird person.
f) Hindi ako basta-basta nagpapakuha ng litrato, umiinom ng tubig kung saan-saan, nag-o-open ng secret at nagagalit. Pero ‘pag nakuha mo ang loyalty and trust ko o kaya ginalit ng bongga – pansamantagal na ‘yon.
g) Nanonood ako ng sine ng patagilid ang tingin at hindi ako nakakapagtrabaho ng di magulo ang table ko.
(yan sobra pa sa 7 yan)
At para ipagpatuloy ang tradisyong ito ng pagbibigay ng award sa kapwa ko blogger, narito po ang aking mga awardees:
1) Kengkay – Siya iyong naabutan kong active na sa pagba-blog na hanggang ngayon ay nandyan pa rin. Mula sa pagiging ina at pagiging kengkay na babae, isang versatile talaga siya. Idagdag ko pa d’yan na kapag nagtagal ka sa pagba-blog ibig sabihin versatile ka dahil marami ka pang kayang ikuwento, ibahagi at i-welcome sa iyong buhay.
2) Raft3r – Sunod siya sa pinakamatagal ko ng ka-blog. Sa kulitan siguro kami nagkakasundo ( so sa ibang bagay hindi na?) Marami rin siyang opinyon sa bagay-bagay na kahit seryoso, pagtatawanan mo lang pero tatandaan. Raft3r is Rat3r for me. Naalala ko sabi n’ya mag-blog na lang ako sa blog n’ya noong naging blogless ako (hay sobrang redundant na word) pero tumanggi ako. Hindi ko kasi kaya ang style nya. S’ya lang ang nakakagawa nun. Iba naman kasi ang blogging sa akin sa pagtu-Tweet. hohoho! S’ya nga pala ang LOLO ko sa Blog world.
3) Katrina Danieles – Kinatutuwaan ko ang batang ito dahil open, realistic, sensitive, competitive at dreamer. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya pero baka mas better siya sa akin. Kung gayon mas versatile siya sa akin ‘di ba?
4) Jason Hamster – S’ya ang Tito ko sa blog world ( kahit aaminin kong mas matanda ako sa kanya). Versatile siya sa sense ng mga paraan n’ya ng pagkukuwento, pakikisama at pagbangon sa mga challenges ng blog world ( ‘di ako sure rito pero ramdam ko). Miss na miss ko na siya actually.
5) Jec Mendiola – Kung tatanungin ako kung sinu-sino ang artistic na blogger for me, mangunguna sa listahan ko si Jec. Super galing n’ya sa pagdo-drawing, mahusay sa music at batikan din sa pagba-blog. Bukod pa ‘yan sa profession n’ya ha. By the way Siya po ang nagbigay sa akin ng aking pamatay na Avatar o display image
6) Sa Saliw ng Awit – Naku define masipag na blogger, kahit ano pa ang mangyari -S’ya na ‘yon. Kahit mahaba ay makikibalik tanaw at susundan mo ang kanyang kuwento ( na bibihira kong gawin) mula sa Doon Po Sa Amin hanggang sa Sa Saliw ng Kanyang Awit. Masipag pati siya sa pagbibigay ng comment. Isa kaya ‘yan sa nagpapasaya sa isang blogger na kagaya ko. Mabuhay sa iyo, huwag kang magsasawa!
7) Apollo – Bago ko lang itong kakilala e. mga July 2, 2011 lang. (may date di ba?! madali kasing i-track) . Nagkakasundo siguro kami pagdating sa kalikasan. Saka ang dami mong matutuhan sa kanya mula sa mga national issues, simpleng manners at sa mga adventure niya kasama ng kanyang barkada noong kabataan n’ya- mga 5 decades ago. joke!
8) PM – Bagu-bago lang din kaming magkakilala (pero hindi ko na ma-track ang date kasi PM ang name n’ya – dami n’yang katulad na oras hohoho!). Pero dami ko ng nakukuhang something sa kanya gaya siguro sa pagbabasa, pagluluto at siyempre pagkakawang- gawa. Marami rin ang natutuwa sa mahusay niyang pagsulat sa English. Kahit duguan ako sa bawat post mo, nata-transfuse este nata-transform yun sa knowledge and inspiration.
9) Nortehanon – Isa siya sa dapat na maipagmalaking blogger natin kasi hindi lamang siya proud sa kanyang pinagmulan, nagpapakita ng mga magagandang lugar na kanyang napupuntahan kundi patuloy ang kanyang pagtulong lalo na sa mga kabataan. (suportahan po natin ang kanyang misyon sa pagbibigay saya at kaalaman!) Siya ay hindi lamang versatile kundi multi purpose pa. hohoho!
10) Salbehe – Kung may iboboto ako na taong walang humpay na nagbibigay sa akin ng tawa at tuwa si Salbehe na ‘yon. Itong woman na ito ay ang galing-galing magkwento ng mga kabalahuraan n’ya sa buhay. Saka kung ang tingin mo ang loud ng personality n’ya, okay po siya when it comes sa sosyalan, virtual o personal man. Siyempre pa hindi matatapos ang utang na loob ko sa kanya lalo na pagdating sa aking Hoshilandia Jr . Mabuhay!
11) Verjube – Artistically and technically versatile ang dalawang taong bumubuo ng my photographics... although ang forte nila ay photography ang dami pa talaga nilang alam mula sa kusina hanggang computer hanggang sa music. Ang tawag ko kay Ver ay slasher at kay Jube naman ay creative scrapbooking mentor. Ganung effect talaga!
12) Florenda Corpuz – Marami ng nakamit na tagumpay si Florenda kahit tatahi-tahimik itong big time na ito. Pero kung ano man ang kanyang pagiging bigtime at nakakamit sa buhay, karapat-dapat lang para sa kanya. Ito ay dahil sa kanyang determinasyon, mahusay na pakikisama at galing sa kanyang larangan.
13) Tim Ramos – Malaki ang nakita kong pagbabago niya bilang blogger. Pero pagdating talaga sa writing especially in English, batikan na talaga ‘yan. Kahanga-hanga rin ang kanyang pagpasok sa iba’t ibang klase ng photography. Dagdag pa ‘yong mahusay n’yang paglapat ng text content. Take note hindi basta caption kundi text.
14) Postsquared – Tingin ko versatile talaga siya sa totoong buhay. Mababasa mo naman sa paraan niya ng pagba-blog dahil naroon naka-connect ang laman ng kanyang puso, isipan at pagkatao. Ewan ko na lang sa laman ng kanyang bulsa. Baka mas big time.
15) McRich – Mula sa pagging OFW, Husband, Father hanggang sa quest niya sa kabuhayang swak na swak, kahanga-hanga hindi lamang blogger si McRich. Ang kanyang mga personal na kuwento sa kanyang pamilya ay nakakapag-bigay ng positive vibe sa buhay at sa blog world.
Kung hindi lamang ito hanggang 15 ay marami pa sana akong idadag. Baka may magtampo pero wag kayong mag-alala marami pang awards na mas nababagay sa inyo gaya ng “ikaw na ikaw lang blog award? Ang 15 ito lamang ang unang pumasok sa kokote ko nung ibinigay ang instruction na ito…
1. Bigyang pasalamat ang nagbigay ng award sa iyo. Huwag din kalimutang mag”back link” sa kanya.
2. Magpost ng pitong bagay bagay patungkol sayo
3. Magbigay ng award sa 15 iba pang blogger na tingin mong karapatdapat at ipagbigay alam sa kanila na binigyan mo sila ng award na ito.
Siguro ang iba sa kanila dededmahin lang ang award kong ito o di susundin ang tradisyon pero okay lang. Buhay nila yan e. hehehe! Basta ako nagbibigay lang sa taong tingin ko ay talagang Versatile Blogger… so more power and mabuhay!
Salamat po 🙂
yeah mabuhay
Pasensya na po at hindi po ako mahilig makibahagi sa mga ganito, ngunit nagpapasalamat ako na ako’y iyong naisip para dito. Mabuhay!
oo alam ko naman. kaya nga luminya ako na eh buhay nyo yan e. hahaha
walang ano man! Mabuhay!
kailangang sundan ko ang mga blogger na ito
Salamat sa rekomendasyon..
walang ano man, gogogo!
mabuhay and welcome sa Hoshilandia Alphredite
salamat sa pagtanggap sa iyong blogkaharian! Mabuhay ka at ang mga Pilipinong blogger.
Ano po ba ang iyong Twitter account? Nais kitang sundan.
hitokirihoshi rin Alphredite! or https://twitter.com/hitokirihoshi
pa-like na rin ng page ko… (kakapalan ko na mukha ko) http://www.facebook.com/pages/Hitokirihoshi/157069617688491
mabuhay!
maraming salamat po sa award na binigay mo bagamat ikinalulungkot kong sabihin na ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ako sasali sa mga chain o tag. hindi ko alam kung anong dahilan pero basta naisip ko lang yan bago ako nagdesisyong magblog. kaartehan ko lang. haha! dont get me wrong, nagpapasalamat ako ng malaki sa award. 🙂
saka isa pa, hindi po ako matanda. impak pwedeng pwede nga kitang maging nanay eh! bleh! lolsjoooke!
oo naman naiintindihan ko. Like sa sabi ko sa taas at kay tim ramos
“Siguro ang iba sa kanila dededmahin lang ang award kong ito o di susundin ang tradisyon pero okay lang. Buhay nila yan e. ”
oo naman joke lang yan…bukod sa edad , paano kita magiging anak e, ang ganda-ganda ng lahi ko. peace!hehehe!
ikaw na ang award winning, hoshi!
ikaw na talaga
mabuhay ka ng todo!
buti na lang at apo kita
i’m so proud of you
pautang naman, apo ko
btw, bakit ako #2 sa listahan
eh, solid kapuso ako, ah
nyahaha
http://malibay.blogspot.com
yun nga twist dun e, special ka pero dapat number 2 ka lang. hahahah!
salamat at proud ka sa akin! at hindi-hindi ka karapat-dapat pautangin. nakakahiya naman sa mga nangangailangan na kagaya ko kung aasikasuhin pa kita. wahahaha
btw, yun link mo tungkol sa blogging hindi credible dahil wikipedia lang sya
=P
http://malibay.blogspot.com
pakilamero ka rin ano? buhay ko to! hahahaha
Thank you dear! Lets see kung makagawa din ako nito. (:
Hoy! Hindi na laging balahura ang post ko.. masabi ko lang!
walang ano man!
ay hindi na ba… kaya pala nami-miss na kita. parang hindi na kasi ikaw ang nagba-blog. chuz. hahaha
mabuhay ka salbehe!
salamat hoshi!!! sige gagawin ko ito.. pero ok lang bang sa ibang araw.. magigng magkasunod na tag kasi kapag ginawa ko.. pero gagawa ako ng malupit na blog.. mga 3 sentences long… ok na yun no… at yung bulsa ko.. parang junk food lang.. walang laman… eheheheh than kyou uli hoshi!! *kaway kaway*
walang ano man, you deserved this award! sure, kung kailan mo maipo-post masaya na ako kung gagawin mo rin. mabuhay and more power!
hello, hoshi… nag-comment ako dito dati. nawala? :c anupaman, maraming salamat. di ko akalain ako ay mapapasali… 😉
oo nga ang alam ko rin nakapag-comment ka na rito. hindi ko alam kung anong nangyari, haba nga rin ng sagot ko roon e. check ko sa dashboard ko.
walang anuman, super deserving ka talagang mapasali rito
😉 🙂
alam ko na san napunta ang comment mo. doon sa mga mumunting lihim ka nag-post ng iyong comment. hehehe