Ikaw ay Ikaw at ako ay ako

Sa dami ng taon ng iyong karanasan

nabuo sa iyong isipan ang iyong mga kagustuhan

ikaw ay nasaktan kaya gusto mo ng kasiyahan

mula sa kawalan nais mo ng kaliwanagan

ano pa’t unti-unti sa iyong pakiwari

tumitibay ang iyong loob

alam mo na ang iyong sarili.

II.

Pero may mga dumarating

na kakatok sa iyong diwa

pupukaw ng iyong damdamin

at bibigyan ka ng pag-aalinlangan

mas may narating, mas magaling,

mas may itsura, at mas may hinaharap

mga bagay na ‘di mo kayang basta pantayan

III.

Nakakainggit, nakakagalit,

nakakalungkot at nakakasimangot

bakit-bakit at bakit?

Subalit, datapuwat, at sandali lamang

Pakinggan mo ang isinisigaw ng iyong espiritu

hindi mo siya kailangan sabayan

hindi mo siya dapat palaging tingnan

IV

Lahat ay may kalakasan at may kapintasan

Ang daan mo ang iyong tadhana

Ikaw ang tatahak, lulukso at mangangapa

Kung paano ang lugar n’ya ay di mo balwarte

At ang  posisyon mo’y di niya pag-aari

Nabuhay ka, minahal,  minalas, sinuwerte

Sa iyo ang oras mo at maging sa iyong Lumikha

V

Mabuti ang minsan’y luminga-linga

Masdan ang iyong paligid para iyong makita

Ang mundo ay hindi rosas pero puno ng perlas

Isa kang yaman na tumataas ang halaga

Ang iyong talento’t gantimpala ay ang likas mong sandata

Maaaring ika’y minsang maligaw o mawalan ng loob

Pero ikaw ay nag-iisa gaya ni Hoshi na ngayo’y patula-tula…

V

Dahil gusto n’ya ng champorado, sapin-sapin at bibingka

Magpunta ng Palawan, Taiwan, Greece at South Korea

Makapag-ipon ng pera para sa negosyo at hearing aid ng ina

Makipagtipan sa kanyang Dentista

Makabili at matutong tumugtog ng gitara

Makapag-post palagi at magpa-promo sa Hoshilandia

At makatikim ng Haagen Dazs bago pa ‘to mawala sa bansa

6 thoughts on “Ikaw ay Ikaw at ako ay ako

      1. hala, ang ganda nga ng nilalaman. saka, gusto ko ang title – reminds me of that poem, yong may “you are you and i am i, and if by chance, we find each other, it’s beautiful.” ano ngang tula ‘yon? 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s