Why it’s better to clean your own mess?

Dear Ate Jevs,

Greetings!

Isa po akong abalang tao na maraming ginagawa sa buhay. However, when it comes to organization and frequency of cleaning especially in my own room are not my thing. Let’s say na that I clean when I feel like I can’t take it anymore.

And then my mother, na napakalinis sa bahay, ay pinasok ang rain forest ko. Nagalit si Mother at sa kanyang galit ay nilinis ng sobra sa igi ang aking kuwarto. Nagpapasalamat ako na nilinis n’ya iyon pero tinapon naman n’ya ‘yong mga bagay na mahalaga para sa akin. Akala n’ya kasi basura na.

Gusto po n’ya na ayusin pa ang kuwarto ko kaso ayoko na po pagalaw kasi baka may matapon na naman siyang gamit ko. What I’m going to do?  Please help ASAP!

Love-Love

Hideaki  Platon

Dear Hideaki,

          What you’re going to do? Linisan mo kaya palagi ang kuwarto mo. Kahit na nakakatamad ang maglinis at mag-ayos ng gamit o sabihin nating nakakabawas sa mga pinagkakaabalahan mo e gawin mo. Baka nga mas lalong nakakaabala sa mga pinagkakaabalahan mo ‘yang mga kalat mo kaya lalo kang tumatagal. ‘Wag mong sabihin na ‘yang frequency mong maglinis ay mataas ang megahertz?

            And I believe that the only person who understands the way you view things, ay ikaw rin. Eh kung ako nanay mo at makita ko ang picture mo nasa sahig at inaamag na, itatabi ko pa ba?  Kung ikaw nga na nasa picture ay hindi maatim na itabi ‘yon, ako pa kaya lalo na kung hindi ka pa kagandahan o kaguwapuhan (ano ba ang gender mo?) roon. Kaya maganda na ‘yong taong nagdudumi ay siya rin ang naglilinis ng kanyang kalat, kasi kung ano ang importante sa iyo ay maaaring basura sa iba.  Gets?

take care, mwah mhwah

Ate Jevz

11 thoughts on “Why it’s better to clean your own mess?

  1. hello, Hoshi,

    sobra kong na-miss si Ate Jevs at ang kanyang mga wais na hirit, ahaha. btw, may kakilala rin akong ganyan ang sentimyento sa buhay – di kaya siya ang sumulat sa iyo at nagtago sa pangalang Hideaki? 😉

    1. salamat sa iyong pag-miss sa akin sa saliw ng awit! tinanong ko kung bago ka dito, ikaw pala si doon po sa amin. Ganda ng name mo nagpapakilala ng magandang rhyme. mabuhay!

      puwede rin bibibihira ang mga sumusulat sa akin na nagpapakilala ng bongga.

    1. Dear Raft3r,
      Walang kalakip na pix ang email sa akin ni Hideaki kaya hindi ko alam ang itsu nya, ganun din sa number nya. hayaan mo pag sumakay ako ng bus hahanapin ko sa likod ng upuan o sa pintuan sa likod ng mga public CR. hehehe.

      mwah- mwah,
      ate jevs

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s