Huwag Mo Sanang Isipin

Dahil nalalapit na ang Holy Week ay nag-Visita Iglesia kami. Sa ganda ng mga lugar o simbahan na aming napuntahan, hindi ko rin mapigilan na magkukuha ng pictures.  Wala namang problema siempre kaso pag ipo-post na ito sa blog, parang ang hirap namang mamili para sa iisang post. Kung hindi ka tamarin ay mapapansin mo na lang masyado namang mabigat tingnan- kasi baka hindi hindi na lang  text heavy kundi picture heavy na rin .

Ang pagpo-post ng isang travel post ay isa ring mahaba-habang proseso lalo na kung ang habol mo ay saktong dating lang. Iyong maganda pa para sa iyong mambabasa at hindi rin naman nakukumprimiso ang iyong mga nais na isulat at ibigay na mensahe.

Dito na pumapasok ang kagustuhan ko na mag-slide show o gumamit na lamang ng moviemaker. Dito sa huli ay hindi lamang ako magpapakita ng aking mga kuha kundi puwede rin akong magdagdag ng audio o music.

Sa paggawa ko ng AVP (audio visual presentation) ay naisip ko na gumamit ng OPM (Original Pilipino Music) at kung puwede yung hindi gawang mainstream.  Siempre napunta ako sa pag-iisip ng Christian song. Naisip ko yung usual pero ang pinakagusto kong gamitin sa video ay Huwag Mo Sanang Isipin ni Ricky Sanchez.

Nag-text pa ako sa kuya ko  kung alam nya ang kantang ito dahil ang naalala ko na lang na linya rito ay “Sa Krus para Sa iyo.” Bata pa kasi nung napapakinggan ko ito lalo na noong dumadalo pa ako sa simbahan ng kuya ko.   Nung napakinggan ko ang kantang ito, kahit pakinggan pa lang yung mensahe ay mangiyak-ngiyak na ako.  Alam mo yung hindi ka relihiyosa, nasa ibang simbahan ka at malamang hindi mo naman masabing alam mo ang kanta o gusto mo ang boses ng kumakanta pero dahil sa lakas ng epekto ng isang kanta, nadadala talaga ang iyong damdamin. Tila bagang kinausap ako ng Panginoon tungkol sa aking pagiging loner.

Narito ang aking tinutukoy kong AVP para sa aming Visita Iglesia na ang detalye ay nasa Hoshilandia.com.

Ito naman ang kumpletong pagkakaawit ng Huwag Mo Sanang Isipin ni Ricky Sanchez

Advertisements

12 thoughts on “Huwag Mo Sanang Isipin

    1. hi dong alvar and welcome dito sa KPPNH!

      salamat at nagustuhan mo ang post ko at nagustuhan ko rin namana ng iyong cover ng Huwag Mo Sanang isipin. ang ganda ng kanta no?! hindi lang siya nakakapukaw ng interes, nakakahipo rin ng puso.

  1. Nang narinig ko yang song na yan, pinilit ko agad kabisaduhin.. at kinanta sa church namin.. sobrang inspirational…

    Good to know na may ilang nagagawa pa rin ang “Visita Iglesia”

    1. nice to know na nata-touch tayo ng mensahe Nya sa pamamagitan ng kantang ito.

      Ako po baka ngayon ko pa lang makabisado ito. as in noong 90s ko pa ito unang napakinggan.

      salamat po sa pagdalaw!

  2. hello, hoshi,

    ang ganda ng bago mong theme, aliw naman… btw, parang may nabasa na akong visita iglesia post mo… o, sa kabilang blog mo ‘yon? basta! ikaw na ang dutiful na christian, ahaha. happy weekend! 🙂

    1. salamat at nagustuhan mo rin itong bago kong theme. tamang makaiba lang muna. saka para hindi naman lagi white. hohohoh

      oo sa hoshilandia.com yon kung baga ito ay sa the making. hehehe

      happy weekend!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s