Power tips for public commuters

Taxi

  •  Noon – sasakay ka ng taxi ‘pag hindi mo alam ang pupuntahan mo kasi maalam ang driver.
  •   Ngayon – mag-taxi ka kasi nagmamadali ka na lang at dapat mag-research ka na sa Internet pag hindi mo alam ang pupuntahan mo .
  •   Noon – mapapatingin ka sa mga decorations lalo na yung mg asong tango ng tango.
  •  Ngayon – titingnan mo na lang kung gaano kabilis ang takbo ng metro.
  •  Noon – magta-taxi ka para kumportable – may aircon at music
  •  Ngayon – maging observant ka, kasi maraming taxi wala ng music at pang blower sa buhok  paang hangin.

Good news: dapat nakataas na ang metro para makita ng pasahero na hindi madaya ito

Train

Noon – magti-train ka para mabilis kang makarating  sa iyong pupuntahan
Ngayon – mabilis-bilis pa rin naman, manalangin ka lang na huwag masiraan

    • Noon

–  hinihiling ng mga babae na magkaroon ng separate rail car para sa kanila

  • Ngayon – sumasama na ang  mga babae para sa mga lalaki, especially sa rush hour.
    • Noon

– kakabahan ka sa iyong katabi dahil baka ka mahipuan

  •  Ngayon –  kakabahan ka pa rin dahil kung hindi ka mahipuan puwede ka ring madukutan

Goodnews:  mahigpit ang guard sa pagpapasok ng rail car para sa matatanda at buntis sa LRT2

Jeep

  •  Noon – magagalit ka sa driver na kaskasero magpatakbo
  •  Ngayon – magpapasalamat ka pa sa kanya dahil sa tindi ng traffic, dagdagan mo na lang ng panalangin.
  •                 Noon – “barya lang po sa umaga”
  •                 Ngayon – gawin mo ng maghapon at magdamag, pahirapan magsukli ang ibang driver.  Minsan gugulangan ka pa. Pag sila ang may kulang, pagbibigyan mo pero pag ikaw – it’s a no-no for them. Peace!
  •                 Noon – magbabayad ka kaagad para iwas abala
  •                 Ngayon – magbayad ka na lang pag malapit na lalo na kapag sakto bayad mo. why? Para pag nabangga at masiraan, ligtas ka!

                Good news: bibihira na ang driver na naninigarilyo at may anghit

Bus

  •                 Noon – hindi ka mapakali o makatulog sa bus dahil may mga little to tiny to micro cockroaches sa gilid ng bus
  •                 Ngayon –   hindi ka mapakali o makatulog sa bus dahil ingay ng katabi mo pati ng TV na  nakakahilo ang labo ng signal.
  •                 Noon – maaga ka aalis para makapag-bus.
  •                 Ngayon – hindi ka lang maaga, doon ka na rin bumawi ng tulog sa haba ng byahe.
  •                 Noon – parang sardinas ang siksikan sa loob ng bus.
  •                 Ngayon – parang  maling na (ang good news  hindi pa applicable ang hindi mahulugang karayom. Saka wag lang magdala nun makakasundot ka ng puwet)

                Good news:  hindi na uso ang naglalagay ng textmate promo sa upuan at bibihira na delatang bus

16 thoughts on “Power tips for public commuters

  1. hello, hoshi,

    meron pa ba noong bus na kulay dilaw, byaheng san mateo to baclaran, dumadaan sa east ave and commonwealth, iyong yari pa sa kahoy ang body ng sasakyan? sumasakay ako dati sa gano’n, pag hindi ako nagmamadali, ahaha. nami-miss ko ‘yon… musta? 🙂

    1. oo mayroon pa noon. masarap sumakay din pag maaga o hindi pa mainit at lalo na kapag walang traffic.

      pero siguro twice pa lang ako nakasakay dun. hehehe. iba ang destinasyon ko sa viaje nun saka mukhang bibihira na lang ako makakita noon.

  2. nakakatuwa naman to. pero alam mo hindi ako commuter kaya siguro medyo mapalad ako. si my man takte muntik madukutan last week at muntik pang mapatrouble. humirit pa kasi siya eh haha

  3. Nakaka relate ako dun sa pagbabayad pag malapit ng bumaba para safe kung sakaling masiraan hahaha. Pero gusto ko magpasalamat sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan. Sa kakapanood ko sa kanila kung paano magpaka haragan sa kalye, e natutunan ko, na kung matapang ka din sa kalsada (i.e. yung tutok ng tutok para walang makasingit), e hindi ka na nila i-bu-bully. At natutunan ko din nga pala sa kanila kung paano ako dapat mag drive pag male late nako hehehe

    1. ayos yan at least nagawa mong positive mo sa buhay mo ang mga aral kalsada ng ga driver. hohooh

      ako kaya ano kaya ang nakuha sa kanila?
      1. paano mag-empake para madaming mai-viaje
      2. kung gusto mo ng matiwasay na viaje, pumasok ka ng maaga
      3. kung ayaw mong maabala, magdala ka ng barya
      4.magtali ng buhok

  4. Kahapon, inutusan ako ng Papa kong pumunta somewhere in Makati. Since di ko alam kung anong building yun, hingi kaagad ng tulong kay pareng google map. Ang kaso naman, walang jeep na dumadaan kaya walang choice kundi mag-taxi.
    Minsan, nakakainis lang kasi feelingero din yung ibang taxi driver. Kala mo por que nag-taxi lang, mayaman na. Ang lakas makahirit ng tip ha?
    Kaya may phobia ako sa taxi eh. Este sa tip pala na hinihingi nila. Haha!

    1. naku sinabi mo pa… siguro dagdag drama pag nasa taxi ka ay lagi kang nagbibilang ng barya o kuwento ka ng kahirapan mo na kung hindi ka lang nagmamadali ay hindi ka magta-taxi.

      salamat sa komento at mabuhay dito sa hoshilandia sr!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s