What is the worst kind of love?

Isa ka ba sa naghahanda sa araw ng puso? Excited ka na ba sa date ninyong mag-sweetheart? O isa ka sa mga single na bukod sa walang ka-date ay wala naman talagang iniibig. Puwes huwag kang lalapit sa akin, hindi ka magandang market sa ibebenta kong Valentine’s chocolate roses, joke!

Pero don’t worry ang post na ito ay para sa iyo na walang love life at heart broken. Iyong hindi na alam kung may pag-ibig ba sa mundong ibabaw o sa ilalim ng kama. Iyong ni pangalan lang ni ex ay ayaw pa kunong mabanggit pero lagi namang subtitle ng kanyang thought bubbles.

Choice 1. Nagparaya ako para sa kaibigan ko?

Kahit si Amaya ginawa ‘yan sa kapatid niya. Sakit noon, lalo na’t sa harapan mo pa nilalambutsing ng mahadera ang iyong iniirog. Pero wala ka naman magawa kasi sinabihan mo na si love, “you-you go there I don’t mind!” don’t mind pala, you hurt!

Third party?

Perfect na sana ang lahat pero bigla may umeksena. Para bagang ang sarap iitsa ang flower base sa salamin at idamay ang wall clock na tunog ng tunog kada one hour. Ang masakit pa nito, sinabi sa’yo n’ya ipagpatawad Mahal but I love her so much. Lintek bat ganoon? Bat ikaw tina-Tagalog n’ya tas yong isa English, kundi ba naman insulto ‘yan.

Kalaban mo ang isa n’yang personality?

Bakit nga ba noong umpisa hindi pa problema ang twin personality n’ya pero habang tumatagal lumala ata na kahit siya hindi na nya mapigilan ang pagsanib nito sa pagkatao niya. Namaligno? Black Spiderman? Lord Voldemort?

Long-distance love affair to no longer affair

Ewan wala akong masabi sa ganitong affair, masakit lang siguro sa bulsa, nakakapuyat, nakakapula ng mata, nakakataas ng bills, at nakakatorete ng utak.

Pero sa pag-i-internalize ko  habang nakatapat sa man in the mirror, ang hindi ko kakayanin sa lahat ng ito ay sabihin ng love ko na papipiliin n’ya ako kung siya o nanay ko?  O kaya sabihin ng isang ina na hindi nya love ang kanyang anak at ipa-experience talaga  ‘yon literally, technically, mathematically, physically, emotionally, and mentally.

Pero pag sinabi yan ng nanay ko na hindi niya ako love ay tatawa lang ako at sasabihin ko, tigilan na niya ang panonood ng drama. Lalo naman ako matatawa pag sinabi niyang ampon ako, kasi  naisip ko na ‘yon dati pa.-Na ako ay isinilid sa isang metallic basket habang ngumangata ng Birch Tree ng mag-asawang Japanese-Greek at British-Spanish para ipaampon sa isang Filipinang ina. Wala lang, para joke lang nila sa akin.

But seriously that’s the worst kind of love for me? Yung isang ina na walang pagmamahal at pag-alala sa kanyang anak. Next dun yung ama na walang pagmamahal at pag-alala sa kanyang anak. Then third dun yung anak na walang concern sa magulang. Tapos yung lalaking hindi na marunong magmahal wala pang respeto. Ikaw ano sa iyo?

22 thoughts on “What is the worst kind of love?

  1. Saken, I think may hawig nung last answer mo. For me worst kind of love is yung one-sided love, mahirap naman kasi yung ganun. Siguro at first medyo okay pero in the long run kaw pa rin naman kawawa kung ikaw lang nagmamahal at hindi ito sinusuklian ng taong mahal mo di ba? Bukod pa sa unfair din.

    Though sabi nila ganun daw talaga ang love, hindi selfish. I just find it unfair dahil lahat naman tayo siguro ang gusto naman in the end is to love and to be loved.

    1. ah mahirap talaga yang one side love, nakakapagod at nakaka-frustrate lang din. Good luck na lang na sa mga taong naaatim na gawin ‘yan sa loob ng maraming taon. agree isa yan sa worst!

      salamat sa iyong komento at pagbisita! Mabuhay!

  2. Sa akin, medyo parehas tayo. Pero feeling ko kasi sa tatay ko. Ewan ko rin, pero parang kapag naaalala ko yung maliliit na bagay na pinapagalitan ako nung bata pa ako, ang mas nalulungkot ako kapag alam kong yung tatay ko ang galit, kasi nung bata ako ang akala ko kapag galit sayo, hindi ka na love. Kaya ang tindi ng heartache ko kapag galit ang tatay ko sa akin dati… 🙂

    1. Hi Akda, welcome dito sa Hoshilandia Sr!

      siguro kasama ng iyong takot ay pagmamahal mo na rin sa Tatay mo, kinilala mo siya at concern ka pag may dinaramdam siya sa iyo. Ganoon din naman siguro si Tatay mo. May teorya ako na kapag lalaki mas nai-express nila yung galit nila kapag love nila ang isang tao. ewan kung totoo ito.

      Alam mo kaya naisip ko na worst ang kawalan ng love ng magulang kaysa mga magso-syota ay dahil. Kung wala kang love sa magulang pa lang, na-rock na ang iyong world and pagkatao. You can find another woman (or man sa iba) pero yung magulang sila na yun e.

      salamat sa iyong pagbisita and mabuhay!

      1. Tama! Karamihan ata ng mga psychopath ay kulang sa pagmamahal ng parents.

        Yun din ang na-realize ko ngayong pagtanda ko (akala mo naman tumada ng bongga), na yung mga iyon ay sintomas ng pagmamahal, at para sa ikabubuti ko, hindi naman ako pinagalitan ng walang dahilan, kaya lang ako madalas mapagalitan kasi luko-luko ako bata pa lang, hahaha.

      2. oh well appear tayo dyan! ako tahimik noon, tahimik na may ginagawang lagim. Bigla kong naalala yung sinampal ko nanay ko habang natutulog, kundi ba naman ako paluin ng walis tambo. wahahah

  3. Gurl..Siguro wala man ito sa mga kategorya mo pero para sa akin ang worst kind of love is you know how to love the other but you dont even know on how to love ur self…Puro na lang sila…sila..at sila…Nakalimutan mo na ang isang ako. Ako at ako. Tipong binubuhos mo ang lahat para ipakita mo kung gaano mo sila kamahal. Kesyo magulang, kaibigan, tropa or sinisinta mo pa yan. Pero ang sarili mo hindi mo kayang mahalin…..Haysss…..di masama ang magmahal pero sana bigyan mo rin ng puwang ang sarili para ibigin..ajah 😉

    1. Hi Ang Tambay na si MyR

      Tama ang sinabi mo na isa sa worst kind of love ang hindi pagmamahal sa sarili. Dapt malaman at matutuhan yan ng lahat. Na kung hindi mo alam ang mahalin ang iyong sarili, paano ka mamahalin ng iba.

      Kung ako ang tinutukoy mo sa comment mo. I believe na I really love myself, baka nga sobra-sobra pa e. hehehe!

      mabuhay!

  4. hello, hoshi. magandang araw!

    like ko – ” “you-you go there I don’t mind!” don’t mind pala, you hurt!” pati ito, “ipagpatawad Mahal but I love her so much.” ba’t nga kaya tinatagalog ka, tapos yong isa, English? anak ng weteng pating, ahaha.

    “Tapos yung lalaking hindi na marunong magmahal wala pang respeto.” unfortunately, ang dami kong nakikitang ganto, shaks na yan, ahaha… cheers! 🙂

    1. salamat sasaliwngawit at nagustuhan mo ang mga linyang yan!

      oo nga daming ganyang sampol parang telenobela na lang, cliche at typecast.
      eh kaso ganoon ata talaga, you love-you hurt and you hurt – you love.

      1. Ansaklab ng katotohanan e hahaha. Pero tingin ko pag nagsawa ang tao, hindi pa talaga love yun. So in a way, parang lahat ng past relationships ng isang tao, kahit ano pa man ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ex niya, e hindi padin love yun. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Case to case basis padin 😀

  5. oo case to case na yan. hindi naman siguro dahil naghiwalay yung mag-ex eh hindi na nila naramdaman ang love o hindi love na matatawag yun. it just “Sometimes Love Just Ain’t Enough.”

    hohoo or dramang “I know I’ll never Love this way again” pero nasa ibang relasyon ka na. iba-iba lang ng level. napakanta na raw ako. hohohoh

    salamat sa iyong pagbisita at kuro-kuro Valencius!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s