The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

Advertisements

9 thoughts on “The Two Doors

  1. hindi kaya dapat ang pamagat nito ay Ang Dalawang Pinto? 😀

    Para sa akin, ang nakaraan ay para lamang matuto
    Upang ang hinaharap ay maging mas mabuting tao;
    Ang importante ay ang ngayon na saglit lang ay madali ring lilipas
    Kung hindi ka maagap ay mawawa lang ng saysay ang oras.
    Masap gunitain ang masasayang kahapon,
    Ang malulungkot ay iwaksi, dagliang itapon;
    Maging masaya sa anumang kalalagyan ngayon,
    Hanapin lagi ang positibo at magpasalamat sa Panginoon.

  2. “Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?” ahaha, lahat ‘yan. pero bawas na siguro yong lungkot at takot.^^

    “Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay,” hmmn… mahirap makamit ang mga ito pero sus, ano ba ang madali? ahaha naman.

    babasahin ko uli ito minsan. :}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s