Prayer for my endeavor

Dios ko salamat sa pagkakataon na ibinigay n’yo sa akin

Maraming salamat sa mga panahon at pantustos para rito,

Sa pang-unawa at suporta ng aking pamilya at mga kaibigan…

Kahit karamihan sa kanila ay hindi alam ang aking aktibidad

Salamat din na sa estado ko ngayon ay nagagawa kong mag-isa ito

Nang hindi ginagambala ang ibang tao.

II

Ipinapalangin ko po na patnubayan ninyo ako sa takdang araw

Na aking pinaghahandaan

Nawa’y  sa bawat punto na aking sasagutin, manalaytay sa akin

Ang lohika, magandang memorya, at mahusay na pag-aanalisa.

Sana ay ‘di mawala sa akin ang  lahat ng aking isinaisip at isinapuso

Nawa’y manatali ang aking konsentrasyon at pagiging kalmado

Sa lahat ng pagkakataon.

III

Panginoon alam kong talino at kakayahan ay napagyayaman

Humihinga po ako ng tawad  sa maraming oras kong nasayang

Alam kong mas marami sana akong natutuhan at nalaman kung

Hindi humina ang  aking disiplina sa sarili

Ako mismo ang nagwawaglit ng atensyon sa aking ginagawa.

IV.

Magkagayon man maraming salamat at lagi n’yo akong ginigising

Maraming salamat sa inspirasyon, pang-unawa at mga naunang pag-

Papala.

Itinataas ko na sa inyo ang lahat ng aking pag-aalala, kalungkutan

Agam-agam, pagkabugnot,  at desperasyon

Hindi ko po ito kayang mag-isa pero dahil alam kong nariyan Kayo

At sampu ng aking pamilya at mga kabigan mananalig akong

Magwawagi ako.

Maraming Salamat po!

Advertisements

4 comments

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s