L for Lakas

Dahil may pagkamahangin ang ilang tao, lalo ng isang kuya ko, lagi ko siyang binibiro na “lakasan lang ng loob ‘yan e.”

Siempre may bahid ng pang-aasar ‘yon pero kung susumahin depende sa nakikinig at pagtanggap ng pinariringgan kung papasa itong positibo.

Analisahin na lang natin, maraming chipangga ang mukhang chochal dahil sa kanilang lakas ng loob na pomorma. May mga hampas-lupa na narating ang summit ng mt. richness dahil sa sanga-sanga nilang pagpapabilib sa sarili nilang “yaka ko ‘to.” At ito pa, maraming masasabing walang itchu–(itsura) pero bumibilang ng relasyon dahil lang sa feeling nila guapo o maganda sila. ‘Di ba naman?!

Ngayon may kinuwento ako kay Harmony, hinalimbawa ko yong pareho namang kakilala na nagtagumpay. Sabi ko kay Harmony, hindi ko naman sinabi sa iyo na sundan mo ang yapak n’ya. (kasi may tsika sa akin na may side ek ek yung kakilala namin). ang sinasabi ko lang ay ang magandang trait niya na malakas ang loob.

Kaya ‘pag feeling ko isa akong aba sa gitna alta sosyedad, freshman sa mga expired este experienced individuals, dehydrated compare sa mga juicy o kung cute lang ako sa hilera ng mga rumarampang kagandahan. Lintek, mananaig din ako, lakasan lang ng loob ‘yan!!!

Advertisements

8 comments

  1. xD Pakapalan ba ito ng apog? xD
    Siguro minsan nilulugar lang natin kung kaya ba nating daanan sa palakasan ng loob o hindi, kapag hindi pakapalan lang ng mukha. hahahaha
    Ang lakas!
    mabuhay!

  2. hello, hoshi.

    super like ko ‘to! haha… 🙂

    btw, bigyan mo ‘ko ng instruction paano mag-backread dito sa wordpress site mo. ano’ng iki-click ko? sa ibang site kasi, madali lang makita ‘yong calendar or archive, e… thanks and regards sa ‘yo. 😀

    • ah nahihirapan ka ba backread? yung archive ko or calendar ay nasa ibabang bahagi ng site na ito, ang pamagat ay baul. yung iba naman nilalagay ko sa pahina nina Ate jevs, pupu series at collection ko ng inspiring articles… nasa itaas na part naman ang mga yon.

      salamat at nagustuhan mo ang post kong ito. mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s