Solitaire

Wala pang ibang games si Hugh Will (pangalan ng notebook ko) kaya sa ngayon kapag nababato ako, naglalaban muna kami ng chess at naglalaro ako ng Solitaire.

Kahit gaano ko ito katagal na laruin at ulit-ulitin ang Solitaire, hindi ko pa rin makuha ang right na technique para manalo. Kapag sinasabi ni Hugh na wala na akong magandang maimo-move magbibigay siya sa akin ng 3 choices (play again, restart this game and exit). Sa determinasyon ko na ma-solve ang pagkakasunod-sunod ng mga baraha, pinipili ko ang ikalawa. Kaya naman same na baraha ang sisimulan kong ayusin pero kailangan maalala ko ‘yong mga posibleng magandang move at baguhin ang mga pagkakamali ko.

The life you live is the result of the many choices you make in life.” – Dean Pax Lapid & Ping Sotto (Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business by Joey Concepcion).

Napagtanto ko na kahit gaya ng Solitaire na may tsamba-tsamba ang manalo,  hindi lamang sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng kapalaran ang magiging depenisyon ng iyong buhay. Sa bawat desisyon na iyong pinipili dun mag-uugat ang mga susunod pang magiging takbo ng iyong laban sa buhay. Subalit, ang pinagkaiba lang ng Solitaire sa ating mga sarili ay hindi na tayo na puwedeng mag- play again o mag-restart ng game. Ang magagawa mo na lang ay magsimula ulit ng bago o kaya um-exit kapag talagang loser ka.

Advertisements

18 thoughts on “Solitaire

  1. Sa mga larong baraha, isa sa mga nakalakhan kong laro ang solitaryo. Hindi pa man uso ito sa computer, larong mano-mano, ikaw ang magbabalasa, ikaw ang maglalatag ng mga cards, nasa iyo kung dadayain mo hindi. Ang solitaryo na pinanghuhula nya kung dadating ba ang ama’t ina ko para dalawin ako sa probinsya. Nakakatawa pero totoo.

    Sa mga oras na walang magawa si lola, pagkatapos nyang maglinis ng kulungan ng baboy at magpakain ng mga manok, solitaryo ang pamatay oras nya.

    Kaya naman natutunan ko din itong laruin, hindi ko lang sigurado kung tama ang sistemang naobserbahan ko’t na-adopt mula sa paglalaro nya. Wala namang teknik para lang manalo, tsambahan din ika nga, pero depende kase baka mamaya may na-skip kang card na dapat nakalapat na..para syang pagkakataong pinalagpas mo, kaya malamang sa dulo talo!

    Madaling maglaro ng solitaryo sa computer, pero ewan ko, diskumpyado ako sa computer eh! LOL! Mas masayang pa din ang manwal na paglalaro nito. Nasa kamay mo ang panalo! 😉

    “The life you live is the result of the many choices you make in life.” –> tama ka, ang buhay naman parang sugal, pero paminsan kahit gaano mo na isinugal ang lahat, kung walang swerte, olats pa din ang ending. Hindi naman iyon negative note. What matters to me is to live a happy life. Easy to say, mahirap ma-achieve. No matter how hell life is, we have to do our best and fulfill our sense in this world.

    Rock on Hoshi!

    1. wow thanks sa pagbabahagi ng iyong karanasan at saloobin tungkol sa larong solitaire. marami ngang paniniwala rin dito. dati niloko ako ng kuya ko, sabi niya ginagamit daw yun sa panghuhula at may nakapagsabi rin na bago ka maglaro nito ay mag-wish ka. matutupad yun pag nakumpleto.

      yes, may mga pagkakataon na kapag hindi ukol ay hindi bubukol. napatunayan ko na rin yan ng maraming beses. siguro ang punto lang din sa solitaire ng buhay ay maging magaling sa pagdedesisyon. mag-isip at kilatisin ang bawat barahang meron ka. dahil walang ibang sisihin sa iyong pagkatalo kundi ikaw din. hehehe kaya Solitaire. hehehe

      Mabuhay Noona Jube!

  2. mahilig din ako sa solitaryo…. imposibleng di ko laruin yan pag nakahawak ako ng baraha. pero ang ganda ng punto mo.. naniniwala ako sa punto mo. tayo ang gumagawa ng desisyon. tayo ang mapagpasya sa mga bagay bagay.

    1. salamat sa pagbisita mo s Hoshilandia Sr, pulpolitika!

      ako rin , lalo na wala akong ibang laro bukod sa unguy-ungoyan, bukod pa sa madalas wala akong makakalaro. hehehe!

      salamat at nagustuhan mo ang aking mga punto!

  3. Paminsan, hindi basta tira ng tira lang, sabi nga nila dapat may strategy.

    Anu’t ano man, dumating sa puntong talo ka na alam mong ginawa mo lahat. Maigsi lang ang larong ito, sing-igsi ng buhay.

    1. madali lang doon po sa amin.

      pagsusunurin-sunurin mo lang from King to ace. at dapat alternate yung kulay na red at black. kapag may nakita ka ng ace puwede mo na siyang itabi sa apat na space na bubunuin mo sa itaas. yun naman from ace to king.

      masaya laro siya kahit na-iisa ka lang.

  4. bakit hindi ka humingi ng opinyon kay madam auring sigurado ako na ituturo sa’yo ang technique kung paano rin siya nagsimulang manghula kaya namaster nya ng husto. kaya ako sa iyo wag mong tigilan ang paulit ulit na paglalaro ng solitaire kitamo mo pagdating ng panahon masasabi mo sa sarili mo na YES I WON! hahahahahaha miss ko na ang ang mag comment.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s