Dapat bang seryosohin, ang panliligaw ng Beking friend?

Dear Ate Jevs,

Magkaklase kami ni Pippo na kilalang bading sa klase. Galaw, porma at ugali alam kong bading talaga siya dahil nagkakasama pa kami sa mga lakaran. At pinakinaiinisan ko pa ‘yong pagtawag n’ya sa landline nung crush ko dati tapos ako ang sinabing tumatawag sa bahay nila.

Nagkaaway na rin kami siguro dahil sa projects, medyo nagka-clash kami  kapag nagmamatalino siya at ako naman ay  nagmama-angas hehehe. Pero sa kabuuan ay okay ang samahan namin kasama ng iba naming kaklase.

Lumipat po ako nung school at medyo naputol ang aming communication ng ilang buwan. Nagulat na lang ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya. Nililigawan po niya ako. Sabi ko sa kanya, eh di ba bakla ka? Niloloko mo ba ako?

Kayo po ano sa tingin ninyo?

Hershey

____________________________________________________

Dear Hershey,

Mahirap makita hindi lamang sa mata kundi sa kokote ang problema mo. Hindi lang kasi friendship ang isyu kundi ang pagkatao n’ya. Pero guapo ba, mabait, matalino, o yung tipong kaibig-ibig naman.  Pagnilayan mo rin as in maglakad-lakad ka sa baywalk, Manila Bay sa dapit-hapon o kaya ay umakyat ka sa Mt. Makiling ng nakatakong na sapatos. Baka maisip mo na kung aalisin mo iyong thought na bading siya ay magugustuhan mo siya.

Confirm mo rin talaga sa kanya kasi kamo sa phone pa lang kayo nagkakausap. Baka naman wrong number lang siya at pinagtripan na lang sa’yo sabihin yung linya sa iba.  O kaya naman baka naman mukha kang lalaki o tomboy, joke! Kung confirmed na confirmed, balik ka na sa step one.

Okinawa!

Ate Jevs

 

Advertisements

12 thoughts on “Dapat bang seryosohin, ang panliligaw ng Beking friend?

  1. ah e duking, matagal na akong nag-e-exist sa blog na ito since 2007 or 2008pa ata. minsan nga lang akong mag-post.

    ngayon, welcome naman ang iyong sulat. ang kaso lang mas mukha atang mas marami kang alam sa love tungkol sa akin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s