what is faith in love

Dear Ate Jevs,

Natatakot po akong magmahal kasi wala akong karanasan. Natatakot akong masaktan, mapahiya at mapaglaruan. Pero gusto ko ang may minamahal at nagmamahal sa akin. Nasagot naman po iyon nang dumating si Aldrin sa buhay ko.

Si Aldrin ay isang bokalista ng isang banda, guapo, at mukhang seryoso. May nakapagsabi na sa akin na playboy daw yun at bibilang lang ng buwan at papalitan n’ya na ako. Pero hinayaan ko pa rin ang aking sarili na mahalin siya.

Dumating ang pinakinakabahan kong sandali, nakita ko na may kinakalantari (flirt) siyang maganda at seksing babae. Ang sakit-sakit, parang dinudurog ang puso at isipan ko. Ano nga ba naman ang laban ng isang ordinaryong babaeng gaya ko sa isang ganung babae? Bakit ko nga ba pinatulan ang isang lalaking ang hirap mahalin?

Nakipagkalas po ako sa kanya pero binabalikan n’ya po ako. Ano pong gagawin ko?

Salamat po,

Pearl

Dear Pearl,

Alam mo ang pinaka-major problem sa love life mo ay hindi si Aldrin o ang imahe n’ya, Ikaw! Parang ang low-low ng confidence mo na napakadali kang mauto este maniwala sa sulsol ng iba.

Tanong ko lang, buti binabalikan ka ni Aldrin e hindi naman siya ang umalis? Pero in fairness iha, ibig sabihin lang nun na mahal ka talaga n’ya kahit pa sabihin nating ang ordinaryo mo kamo at mayroon siyang kinakalantaring iba.

Sa trabaho n’ya at itsura nya malamang maraming aaligid-aligid na chicks. So intindihin mo ‘yon pero ang higit sa lahat maniwala ka sa power of love, sa love nya at sa iyong sarili.

Bow!

Ate Jevs

Note: Binabati ni Hoshi ang may love ngayong Valentine’s day!

Advertisements

14 thoughts on “what is faith in love

  1. dear ate jevs,

    minsan nga magkukwento rin ako ng love problem ko, huh!

    valentine’day na nga …sa aking pagggala sa ibang haws sa blogosperyo…ang topic puro puso: dinuguang puso, puso ng saging, iba-t iabng kulay ng puso, pusu-pusuan…..ahys……

    at yan po ang kwento ng aking puso, este…..sa next issue ko na pala ikukwento…

  2. Salamat davmel at nagustuhan mo. puwede ka naman magpadala punta ka lang sa page ko dito para sa iba pang detalye.

    naku hindi naman ako ganun ka-ano sa pag-ibig. pero magandang topic talaga ang love ngayong FEb, kaya puro love-love ang pinapaksa ko.

    salamat ulit!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s