hindi pa sure kay BF

Dahil buwan ng mga Puso ngayon, ang Hoshilandia Sr. ay magbibigay daan muli sa pitak ni   Ate Jevs (na matagal na nawala – mga very long weekends) ngayong Pebrero. Ibabahagi niya ang mga liham na tumatalakay tungkol sa pag-ibig. Bow! – hitokirihoshi_kawaii

—————————————————————————-

Dear Ate Jevs,

Kung tatanungin ako sa love life ko, mukhang okay naman ako. Pero kung tatanungin ako kung ang boyfriend ko na ba ang aking gustong mapangasawa. Hindi ata ako sigurado. Mabait naman si Joey at maasikaso. In fact, okay siya sa pamilya ko at agad siyang tumutulong kapag alam niyang kailangan namin.

Pero para kasing may hinahanap ako kanya na hindi niya mabago-bago sa pagkatao niya. Pabaya sa katawan si Joey, kung dati ay ang cute-cute ng katawan niyang chubby ngayon ay lomobo na siya lalo. Madalas ay lagi siyang pawis na pawis na kung minsan ay ‘di ko na gusto ang amoy.

Pinagsasabihan ko naman siya at inaasikaso pero pabaya siya sa katawan. Isa pa’y para siyang nagkakasya sa kung anong meron siya ngayon na tipong pambinata lang ang kayang buhayin. Of course, hanggat maaari pinipilit ko na huwag siyang hanapan ng kahit ano ngayon. Mahal ko siya pero sa aspeto ng seguridad, hindi ko madama na okay na kami. Kaya imbes na ma-excite ako ay kinakabahan ako kapag nag-propose na siya.

Sana mapayuhan mo ako ate Jevs.

Salamat po!

Vien Culado

—————————————————————————————–

Dear Vien,

Ang unang pumasok daw sa utak ko habang binabasa ‘tong sulat mo ay kung gusto mo maireregalo sa bf mo ay may mga kakilala ako na nagbebenta ng pabango, sabon (glutathione), deodorant etc, may buy one take one at two gives.  Hehehe! Joke lang!

Seriously, I think isang sakit ‘yan sa bf mo, hindi lamang masakit sa ilong ha, kundi sakit na naging masyado na siyang komportable sa’yo. Okay lang na mukha siyang mabantot, pangit, madumi kasi gf ka naman na niya.

Maiging ipamukha mo sa kanya na gusto mong lagi siyang fresh at ginagawa mo ‘yon kasi mahal mo siya. Hello health and hygiene na ang usapan kaya magbago na s’ya.  Baka nga naninigarilyo pa ‘yan at umiinom, ‘di mo lang kinuwento (pangunahan daw ba kita?).

Pagdating naman dun sa career o ‘yong kabuhayang pambinata, medyo mahirap ata basta sabihin sa kanya  iyan. Pero kailangan mo pa ring gawin. Impluwensyahan mo siya na um-attend sa mga business gatherings at tumingin sa mga cool investments. Dapat hindi mo siya mukhang tinuturuan kundi sabay kayong matututo. Kapag tingin mo wa epek ang mga effort saka mo sabihin ng diretsahin. Masaktan na siya kung masaktan, gusto mo lang naman malaman n’ya kung ano ang iniisip mo.  Bago pa iyang iniisip mo ang maging laman ng puso mo. Yun ang mas mahirap, mahal pa naman n’yo ang isa’t isa.

Gets?

Ate Jevs

8 thoughts on “hindi pa sure kay BF

  1. hahah. 😉 at nag-endorso pa talaga ng mga produkto. hihih.
    gandang araw ate jevs. 😉 mukhang bukod sa nagpapayo kayo ay nanghuhula pa kayo. 😄
    Baka nga naninigarilyo pa ‘yan at umiinom, ‘di mo lang kinuwento (pangunahan daw ba kita?). 😄

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s