bulagta sa sosyalan

May sandali na gusto kong umiyak last weekend dahil sa pagod at puyat. Iyak kasi naaawa ako sa katawang lupa ko pero yung espiritu at emosyon ko naman ay punong-puno ng enerhiya.

Mula QC ay dumating ako ng around 1 or 2pm nung Sat sa Recto na pagkikitaan namin ni Syngkit. Dun ay lumamon kami ng tanghalian at ngumawa sa videoke. Hayun napansin namin na male-late na kami sa pupuntang Sta.Mesa

Around 4.45 nang dumating kami sa venue ng Saranggola Blog Awards (ito ang detalye)

Mga 8pm nilayasan ako ni Syngkit na akala ay hanggang 6pm yung event

Mga 8: 30 pm nung umalis na rin ako sa Illumina Residences, Skylounge

After noon dumaan ako sa SM Centerpoint para bumili ng cake, na potluck ko para sa Christmas party na pupuntahan ko. Late na ako ng four hours sa oras ng party at two hours sa pangako  na dating ko kaya ‘di puwedeng wala akong dala.

Quarter to 10 nung dumating akong Marikina kung saan ang party-party namin ng mga kuya at ate ko dati sa work (ipagdiinan daw na mas bata ako).  Hayun  6am na ako kinabukasan naka-uwi sa QC.

7am natulog ako  at 9am pinuntahan ako ng dalawa kong kaklase dati. Sakit sa ulo, kung aamininin ko lang sa kanila. Pero na-enjoy ko naman ang pag-e-entertain kahit bangag sa puyat. Sabi nung isa, “para kang lasing!”

11:30 larga naman ako papuntang brainstorming para sa reunion na in-organize namin.  Hayun inabot kami ng 2:30 from original na 11am to 1pm. Ayos lang naman kasi naplantsa ‘yong mga dapat naming gawin.

Sa mall kami nagkita-kita so after ng brainstorming hanggang 5:30 ay ikot ako ng ikot sa mall kung ano ang susuutin ko para naman sa Christmas party ng company namin. Malakas ang loob ko na late ng bumili kasi luau party naman o Hawaiian ang theme. Sa awa naman, short lang ang nabili ko. Naisip ko na pagtsagaan na lang ang damit na available sa bahay, ‘wag ko nang karerin.

Pauwi sa amin, dun ko naramdaman yung tipong bubulagta ako sa init ng pakiramdam ko at ang sinasabi ng kaibigan ko na namumula yung mukha ko.  O nga pala, hindi pa natatapos yung matinding allergy ko ( sa seafoods, dust and bagoong alamang at baka rin sa chicken).

6pm ang start talaga ng party namin pero natutulog ako sa kuwarto ko hanggang as oras na ‘yon, wish ko kahit isang oras lang na power nap. Hayun, dahil sa pag-aalalang wala pa akong particular na susuutin, tumayo ako after 30 mins. In one hour sinikap kung mag-ayos ng mabilisan (na ‘di normal sa akin).

8pm nasa MRT Boni station ako at naghihintay sa kasama kong late din. Dumating siya siguro after 45 minutes saka pa kami pumunta sa venue. Hayun sa awa naman, hindi ako natawag sa kahit anong pa-raffle. Pag-uwi ko, ipinagpapasalamat ko na may kuwarto at kamang sasalo sa aking pagod na katawan, may special power akong mag-leave kinabuksan at naka-attend ako sa iba’t ibang event nung weekend. Mabuhay pa rin! Hehehe

Merry Christmas and Happy New Year!

Advertisements

8 thoughts on “bulagta sa sosyalan

  1. hala, di ka gala, ayaw mo ng sosyalan at siguro, ikaw ang tipong gusto e, nasa bahay lang lagi, ano? he, he. he…

    napapagal rin minsan ang ating katawang-lupa. mantakin mo ba namang kung saan-saan mo ‘to pinagkakaladkad? hala… :]

    rested ka na siguro, by this time.

  2. oo super nakapagpahinga na ang napagal kong katawan.

    nakataon din na sabay-sabay ang event ko nung mga na panahon na iyon. at di ko pa talaga inayos ang mga dapat kong gawin.

    honestly, napaka-homebuddy ko. kaya kong di lumabas ng isang araw sa kuwarto ko lalo na siguro kung may cr ako roon. pero pagdating sa work at friendship, ipaparaya ko ang pagiging weird ko hahaha.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s