Pet Society

Bakit pag nilalambing natin ang isang tao, pagkain ang tinawag sa kanya? Di ba Honey, Sweetie Pie, Hugs and Kisses, Sugar, Crèma de pruta ay wala pala yung huli. Pero hayop naman sa pagka-animal pag nagagalit tayo or naninira tayo.

Kapit-tuko! – sipsip na malaki ang mata chuz!

Para kang linta – sipsip din pero madugo, bloodsucker!

Peste! –  yan yung di lumilipad at hindi na kailangan sa kabukiran kahit sa bahay lang at walang ginagawa.

Para kang aso – ibig sabihin maitim ang nguso este kung makaihi sa kung saan-saan lang

Parang mga aso – tawag sa mga magsyota na kahit saan chumuchurva as in makatakip lang ng payong, matabingan ng talahib ng damo, madiliman lang konti o minsan kahit wala na, go lang go!

May sa pusa – puwedeng ipalaman sa siopao este parang matagal matigok. Manood ka ng action movies sasabihin ‘yan dahil pinagbabaril, pinag-iitak, pinagto-toothpick eh buhay pa rin.

Ahas! – traydor!

Rattle snake!- pag hanggang sea level ang betrayal na naganap

Black mamba! – kapag gusto mo ng revenge ala Kill Bill

Usad Pagong –mabagal kumilos puwede ring lagay ng traffic sa EDSA lalo pag rush hour at umuulan

Hunyango ka! – mapagbalat-kayo! salawahan! balimbing! Tagalog version ng “Karma-Karma Chameleon”

Etchoserang palaka – (no comment na lang hehehe)

Kalapating mababa ang lipad – Natirador na ng mga bata, magdalena, itinuturing na mababang klase ng babae

Unggoy! – Mukha mo! (ewan kong may iba pa, yan ang tawagan ng nag-aasaran sa amin e)

Patabaing baboy – matagal-tagal ng palamunin

Buwaya – politikong corrupt to the sea level. Pag pasosyal puwede ng crocs

Hayop ka! -your are resident asshole

Animal ka! – You are globally asshole

Ikaw may idagdag ka pang hayop na term?

Advertisements

20 comments

  1. bulateng-inasinan : hindi mapakali,malikot

    baboy! : mataba…pero ang mas malalim na ibig sabihin eh marumi at nakakadiri

    kokak ng kokak parang palaka : daldal ng daldal ng kung anu anung nonsense shit

    daig pa ang kuneho : sex ng sex kaya anak ng anak.hahaha!

    ang dami pa nga ano?yung iba naman sana ang magdagdag.nice post.nakakaaliw,hoshi!

  2. nyahaha
    di ko kinaya yun reference mo sa kill bill
    galing
    hehe

    teka, bakit pala di ako maka-comment ke jr?
    what’s wrong?
    what?
    what?

    good luck ke kuya, ha
    dito ko na lang sya i-wish ng magandang kapalaran
    hehe

    • -wahahha thanks at nagustuhan mo!

      -hindi ko alam, hindi ko rin maasikaso itong mga hoshilandias ko dahil sa campaign

      -thanks sa pagbat pero lumabas na ang result. talo! hehehe. nahuli yung pagbati mo kasi ,nyahahahaha!

  3. basa ang posts na ‘to hoshi pero naghanap muna ako ng idadagdag kya lang wala kaya mag-cocomment na lang ako. heheh. 🙂
    nakakatawa ang definition ng hayop ka at animal ka. hahah

    gandang araw hoshi! 🙂 saan mo ba pinagpupulot ang mga yan? 🙂 heheh

  4. Natwa naman ako sa ibig sabihin ng Rattle Snake hahaha…kalurkey nga ano, tama ka dian inihahalintulad natin sa hayop pag tayo’y galit sa isang tao hehehe…

    BTW, add kita sa blogroll ko, para dumami rin ang mga friendship ko dito sa mundo ng pagba-blog if u dont mind?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s