Masaya ang pagkatiwalaan, ibig sabihin makatotohanan ka di ba? Pero ang paniwalaan pati ang malikot mong imahinasyon ay Day at Dong ibang level na ‘yon.
Scene 1. Duguan center
Nagkakwentuhan kami ng isang friend. Sabi niya sa department duguan daw sila kasi bawal na ang mag-tagalog at magbabayad ng piso kapag nagkamali. Ang suggestion ko sa kanya, mag-“Yeah know” or “something like, you know” kapag nahihirapan na siya. Saka dapat yung pagkasabi niya noon with conviction, iyong tipong kapag nagpa-elaborate pa ay magmumukhang walang alam ang kanyang kausap.
Natuwa’t natawa lang ako nung naikwento sa akin ng isa naming common friend na sinunod niya ako. Halos bawat sentence daw ni Harmony (di totoong pangalan) ay laging may “you know!”
Scene 2. Waiter ni Kuya
Mayroon akong kuya-kuyahan na laging natutuksong majunda na. Binigyan ko siya ng tip na para magmukha siyang bata tawagin niya lahat ng kuya at ate.
Ito na kumain kami sa isang sikat pizzahan at nang nag-order siya.
“KUYA ito sa akin at saka KUYA ito po…” si kuya tebO (binaligtad na pangalan). Windang kami kasi napakabata pa nung waiter. tawa kami ng tawa nang hindi na nagbalik yong waiter at nag-out na. Sabi namin, baka nag-walk out kasi sumama ang loob nang tawagin ba naman niyang kuya eh para na niyang anak ‘yon. Wahahaha!
Scene 3. Tatay na siya
Bagong kakilala ko lang si Trina (di totoong pangalan) nang maitanong niya sa akin si Ramon (di totoong pangalan). Sabi niya may pamilya na raw ba si lalaki. Tanong ko naman bakit niya itinanong. Sagot niya “ blah-blah-blah” (rason). Sagot ko ay oo, may dalawa siyang anak na nasa misis niya sa probinsiya. Nagkahiwalay sila ng misis niya noon tas kailan lang sila nagkabalikan. Kailangan niyang mag-sumikap sa buhay para matustusan yong dalawang anak nila.
Buti hindi chismosa si girl pero kinimkim talaga niya sa sarili niya na ganun talaga ang pinagdaanang buhay ni Ramon. Nagulat pa nga siya ng sinabi kong binibiro ko lang siya. (Kasi binatang-binata si Ramon at may gf lang). Dahil sa kwento ko raw na kapani-paniwala eh naintindihan pa naman daw niya sana kung bakit laging mukhang haggard si Ramon.
perstaym ko dito
yehey
natwa ako dun sa #3 ahahahaah
sa scene 1 naman nakarelate ako nung nagtuturo pa ako kasi English Speaking Zone lahat hindi ko lang alam sa CR ng iskul. dito naman sa bansang kinalalagyan ko medium ang English. kanina nabasa ko dun sa north tower (place sa loob ng ospital) na “We are all different (insert pic of differeny nationalities sa tarp)” “Speak a common language, use English”
Pansin siguro nila it’s either the native tongue ang ginagamit kadalasan, or yung native tongue ng pinagmulang bansa ang ginagamit or madalas hindi ginagamit ang English.
Be blessed!
hi Pong welcome sa Hoshilandia Sr!
naku oo nga, ayon nga sa mga nababasa ko iba pa rin ang American English kumpara sa paraan ng pag-e-English natin. eh what more kung sobrang Filipino ang ating gamitin. siguro kung nasa trabaho at nasa ibang bansa better nga na respetuhin ang kanilang lengguwahe. hirap din kaya na ma-paranoid na hindi mo maintindihan ang pinagsasabi ng kaharap mo.
eh di ba tayo ganyan din dito, sa harap mo mga iLocano, sa kaliwa mga Waray, dyan sa Likod naman mga Kapampangan. ay nang ko pa. hehehe
mabuhay at salamat sa pagbisita. balik-balik lang!
oo babalik-balik ako dito ni-add pala kita sa link ko back read na din ako
eheeheh
Kapampangan ako yehey! wala lang nabanggit mo kasi.
Ayos din naman kasi ang wikang English written man or spoken kasi nasa ibang bansa ako at yun ang medium. Pero to tell you honestly kapag mga pinoys lang kasama ko pure Filipino kami. pero ang iba din naman nating kababayan kahit sila sila lang English-an pa sila. Which I think call for preference on what language to use. Minsan kasi misinterpreted lamang.
-hi Pong thank you ni -add mo, sana yong JR ko rin add mo hehehe (bigay ko sa website mo).
-oi cabalen ka pala ng pamangkin ko. heheh half Kapampangan yun e (bayaw ko taga-Candaba , Pampanga).
-good yun na kapag magkakasama kayo ay nagta-Tagalog kayo. ang sarap ng feeling nun siguro at saka para ma-practice pa rin kahit papaano.
yes ok na medium talaga ang English, dati hate ko yan e. pero nung nahihirapan na ako intindihin yung turo na Filipino na originally nasa English ay teka napaisip ako. Talagang may mga words na mahirap isalin at yun na siya dapat.
and yes, i respect yung mga gumagamit ng English bilang kanilang lenggwahe, especially kung inaaral niya or nature na niya ang mag-English. basta ang basic sa communication for me, kapag ang 2 tao nagkakantindihan. solve-solve na yon.
may conviction ka kasi magkwento …kaya hayun…paniwalang-paniwala sila sa yo…hahahahaa……nagbabalik na ako….musta na hoshi????
hi kuya buti naman at nagbabalik ka na. nakaka-miss din ang pagdalaw-dalaw mo ha!
hehehe mukha ngang with conviction ako mang-uto . aruuuu
pero yung scene 1 and scene 2 naman e, may layong makatulong. pag-sablay nga lang ang effect. arruuu (palusot 101).
okay naman po ako at busy rin sa hoshilandia Jr. decide na rin ako sumali sa saranggola awards.
kuya pong, andito ka pala. heheh. 🙂
hoshi, pwede ka nang manggoyo kung gusto mo. 🙂 heheh.
andami mong magagawa sa talent mong yan. para ka lang may power na mind control niyan eh. hahah
natawa ako dun sa kwento ni Ramon. hahah. 🙂 kawawa naman, may dalawa ng anak na tinutustusan na. hahahah
gandang araw saýo hoshi! 🙂 grabe imagination mo, spontaneous. heheh
actually nagagamit ko na nga siya minsan pero hindi pa nga lang para kumita. wahahaha!
kailangan ko lang siguro hanapan ng avenue ito na kitang marangal… puwede kaya sa writing ito? ayeee
ayos! you have the power of persuasion! pwede ka sa DXN. haha
nakakatuwa basahin tong akdang toh. nakakatawa lahat pero best seller ung scene 3, anlande ni Trina! haha
padaan lang saglit! =)
aray ko DXN talaga. iba ang product na mina-market ko e. hehehe
salamat naman at napasaya kita! 😉
na-curios lang talaga si Trina kay Ramon kasi …. yun na. hehehe
mabuhay!
wahaha. karamihan kasi ng mga may ganyang talento sa DXN napupunta. hahah
Si Trina talgang nagtanong pa, di man lang nahiya. hehe..
Balitaan moko kung ano nangyari sa kanila ah?
Ay nakalimutan ko di ka pala chismosa! haha
APir!
buti alam mo na hindi ako chismosa. wahahaha!
makapag-raket nga sa DXN na yan kailangan ka pa naman ng ekstrang kita ngayon. hehehe
isa kang pundasyon nang nakaka-aliw na mga kwento’t paniniwala…naabutan mo pa ba sina pong pagong?
ay ate ano ang pinaghuhugutan ng comment na ito? hehehe
nakaka miss pala ang maging bata noh., naalala ko sina kuya bodji..oh wag kang magdi deny alam ko kahit papaano naabutan mo pa sila…
oo ate kahit papaano. wahehehehe
haha natawa naman ako lalo na sa pangatlo :)) kapani-paniwala kang tunay ate hoshi. matindi ang convincing power mo. hanep xD
hehehe!
ewan loka-lokahan ako that time kaya pinagtripan ko si Trina. naging friends naman kami e. wahahaha! nasanay din siya sa akin.
HEhehe. Chismis! Parang Pep. =)
naku naano ako dun. wahahaha
natawa ko bigtime…kilala ko kc c trina eh… bwhahaha
bakit nga kaya mukhang haggard c ramon??? d kaya kc sa sobrang magaling cia sa ginagawa nia??? lol =))
ah talaga kilala mo si trina? tanggalin kaya natin ang N hehehe!
ay oo ganun nga siguro bat siya haggard kasi ang galing-galing at masipag siya. hehehe
peace Ramon. ibahin ko kaya ang N dyan sa name na yan.
Saksi ako rito. Wala akong masabi kundi isa kang BULLY! hehehe Lakas mong mag-trip. :p
parang wala ka naman sa mag eksenang binaggit ko. maliban na lang kung lihim mo akong iniimbestigahan. hehehe