First crush

Ewan ko sa pamangkin ko asar na asar sa akin kada kakantahin ko ang Something New o We’re All in This Together o Breaking Free. Eh nahawa lang naman ako sa kapapanood niya ng High School Musical. Malapit ko na nga ring maging crush si Zac Efron na dinedenay pa niya e.  Hinahampas pa talaga ako kapag binabanggit ko ang name ni Zac o ng character niyang si Troy.  Pero naisip ko teka ganun ba ako dati?

Di ko na maalala kung sino ang pinakauna kong crush pero ang maganda kasi sa akin magaling akong magtago. At ako na mismo ang nagre-reveal pag kaya ko na. Bakit naman hindi, eh karamihan sa crush ko dati ay hindi mga tao kundi mga anime characters. Wahahaha! At least sa pamangkin ko tao talaga.

Hindi rin ako  kagaya niya na naasar sa love interest ng crush ko, basta pini-feel ko na lang na ako yon. sa mga naalala ko ang mga una kong crush ay sina Kenneth Peralta (oo yung dating ka-love team ni Carmina Villaroel), Oliver Hartman, Diether Ocampo (GIMIK Days niya at nunh sa Mula sa Puso na ayoko na sa kanya), Jay Manalo ( nung pa-tweetums pa siya) basta sa local nag-stop na ako sa kanila. Madali  kasi akong ma-disappoint pag nagpapalit ng image. Hehehe! pero sa mga artista ngayon mako-consider ko na si Ryan Agoncillo. Siyempre sa international nandyan sina Bae Yong Joon, Daniel Radcliff, Robert Downey, at Eric Bana.

Ilan sa memorable na ginawa ko nung pa-cute pa ako ay

  • magtago sa likod ng bintana pag dadaan si crush,
  • mag-pretend na bridge
  • kunwari deadma
  • kunwari iba ang crush (pinakapatok na palusot)
  • hiramin ang libro na hinihiram niya
  • magpakuha ng solo picture niya sa mga accomplice ko at palabasin na iba ang may crush sa kanya (ito na yung ultimate ko).

basta hindi ko trip ang magpapansin kung pwede ngang di niya alam na nag-e-exist ako e, medyo better. Pero dapat kilala naman niya ako kahit papaano baka tapak-tapakan lang ako.

Balik tayo kay pamangkin, ewan pero gusto ko ituro sa kanya na pag crush mo sabihin mo na, walang mawawala sa ‘yo. (Chus palibhasa di ko ginagawa).  Gusto kong maging outspoken siya pero responsible sa mga sinasabi niya lalo na’t madaling makita in person si Zac, (aru). Pero mabuting hindi ko sinabi sa kanya yon kasi six years old pa lang siya. Wag ka tinanong na ako niyan, kung kailan daw siya puwede mag-boyfriend. Nag-crash ang diwa ko!

Advertisements

15 thoughts on “First crush

    1. pareho ka ng kabarkada ko. iyon nagagawang mag-cutting at huwag sumipot sa usapan. pag pinuntahan namin bakit, nanood lang pala. hahaha!

      ako kasi puro panghapon at panggabi ang mga naging syota. hahaha. Dr. Hokoto, Kenshin Himura at Hototohori. ayeee

      wahhh kinilig ako bigla. hahaha!

  1. kung kelan daw pwedeng magbofriend? haha
    epekto yan ng mga teleseryeng grabe kung makahalik.. dapat pan 12 pm yun para d mapanuod ng mga bata..

    pati mga anime, may sexy factor na rin.. anung anime nga yon? ung main character ay si AYA? ung sexyng sexy? hehe

    ayun, first crush ko yung kaibigan ng ate ko. sunod ako ng sunod sa kanila nun, kala nila bading ako.. haha

    padaan po

    1. sige daan ka lang lagi dito juanlazzzy (binilang ko daw talaga ang z).

      welcome and thank you sa pagbisita!
      yes puwede yang sinabi mo. ako pinagbabawal ko na sa kanya yan.puwede siya manood ng TV pero kailangang naka-tune in lang sa disney or Nick Jr. eh kaso gaya ng ng HSM mayroon na ring konting halikan. pero ayos na yon kaysa sa mga local shows. of course, as much as gusto kongi-patronize ang mga gawang atin, hindi nama sila rekomendado for the kids. yung may bukas pa nga lang ata yung pinayagan ko siya. yung agua bendita kasi hindi ko nasubaybayan kaya wala ako say.

      sinong aya? ang kilala ko lang kasing AYA ay bida sa Ayashi NO ceres. hehehe
      ako first crush ko siguro kaklase ko nung grade 4. feeling ko kasi crush niya rin ako e. nung magkaita kami after elementary gusto ko sipain. wahaha

  2. hahah. 😉 ganun? kailan daw magka-boypren? heheh, ang cuuuuuute nya naman hoshi! 🙂
    ay marami rin akong crush na anime, isa na diyan si lelouch ng “code geas” atsaka ang yung mga lalaki ng highschool host club na anime. 🙂

    ang hirap naman kapg ganyang tanungin ng mga bata ngayon. hahah

    gandang araw hoshi! 🙂

  3. hindi yata ako dumaan sa pagkabata…ang natatandaan ko kasi noon,wala akong crush.ang boring ng buhay ko noon,ang kausap ko lagi ay ang mga tupang pinapastol ko sa bukid.tandang tanda ko pa ate charo…hahaha!

    hindi ko yata kayang i define kung ano ang crush.ang alam ko kasi pagmahal ko,mahal ko na at skip na sa crush..hehehe!

    1. seryoso mo naman sa buhay. pero sige hindi ko babasagin yang pagma-mature mo. siguro kaya nagiging complicated ang love life kasi pinapahirapan pa ano?

      sige next time sasabihin ko sa crush ko. love you pre! heheh

      mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s