P for Patience

Kung mukha akong pasensyosa o kung sinasabi kong nagpapasenysa ako, sa maraming pagkakataon talaga ay ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpasensya. May mga point na talagang isinasama ko ‘yan sa mga panalangin ko.

Patience: Peace

“He who knows patience knows peace.” unknown author (source: dictionary.com)

Coward daw ang wag magsabi ng iyong saloobin lalo na kung feel mong dehado ka? eh paano naman kaya kung yang feeling mo ay sa sarili mo lang opinyon and in fact, kung logic lang ang pag-uusapan amanos lang kayong dehado or mas siya (kung sino man siya) pa ang talo sa ‘yo.

Hangaga’t maaari ibinabalato ko na sa iba ang maliit na pagkakamali,attitude at kabalahuraan nila. Nakakairita, oo, pero kapag ang tao may matinding emosyon para ka lang tandang na sasabong sa kanya.  kung nagpapadyak ang isang babae sa likuran mo habang sumisit ang bibig at nakalamusak ang mukha… puwedeng kanina pa ihing-ihi yan sa biyahe naunahan mo pa.

Kung wala kang patience, mahirap siguro ang makahanap ng makakausap, makakasundo,makakasamang kumain sa break, makaka-partner sa project at makaka-relasyon.

Patience: Prosperity

Naobserbahan ko lang ha, may mga tao na gustong yumaman pero wala namang tiyaga na gumawa ng paraan para matupad ito. Ayokong, i-judge ang isang taong nakilala ko kamakailan pero I think yong impression ko sa kanya ang perfect example dito.

Kini-claim niya na halos lahat ng puwedeng pagkakitaan ay napasok na niya. Alam na raw niya halos lahat at siya iyong tipong pang-business talaga. Okay sige go go go lusong na sa sapa, yan ang sabi niya e.  Pero nung tinanong ng friend ko kung tapos na ba siya hindi pa raw. Thesis na lang daw sana at titingnan pa niya kung maipagpapatuloy niya. Eh ayaw na rin daw niya mag-aral kasi pang business nga siya.

Okay sige, walang tiaga sa pag-aaral baka naman okay sa business? Sabi ng friend ko totoong marami nang napasok yon (halos lahat networking) at magaling mangulit parang you can’t say no sa kanyang mga invitation. Eh kako anong nangyari? Iniiwan din niya ang mga yon at palipat-lipat.

Kung puno ka nga ng passion sa iyong ginagawa pero wala lang patience para i-pursue ang mga ‘yon laging hanggang simula lang ang  lahat.  Walang matatatapos at walang patutunguhan.

Kaya patience Hoshi, kung gusto mo ng Peace and Prosperity!  In fairness, hirap i-sustain ha!

Advertisements

17 comments

  1. sekand beys! heheh. =)

    isa nga sa pinakamahirap na virtue yang patience na yan, alam ko, failure talaga ako sa virtue na yann.. kaya nga palagi rin akong nanalangin niyan…

    baka pang-business talaga. heheh. bongga naman. =) sa mga business, kailangan talaga patience eh. heheh.

    gandang araw hoshi! =)

  2. […] be patient – ito na siguro ang virtue na dapat mong i-maintain sa lahat ng pagkakataon. kailangan maging patient ka sa mga customer na makulit, palaging nagmamadali at ang hirap singilin. Gayon din kailangan ding maging patient ka sa pag-usbong ng iyong kita dahil compare sa dealer talagang maliit ito. Being patient will give you peace and prosperity. […]

  3. gandang araw hoshi!

    unang-una, wala akong pasensya sa lahat ng bagay. mainipin kasi ako at aminado talaga ako dun pero may mga pagkakataong, tinitiis ko yung tagal sa pag-aantay. puno ako ng reklamo pero di ako nagpapatalo sa pagka-inip.

    *sharing*

    haha! at dahil sa kakilala mong yan, napatunayan ko na sa sarili ko na may mas mainipin pa palang tao kesa sa ‘kin. lamang sya ng isang guhit. hihi ^^

  4. patience is a virtue,sabi nga…

    kung meron akong isang katangian,yan siguro yun.lagi akong handang maghintay.nagtitiis kung minsan pero sadyang hindi bumibitaw lalo pa’t alam ko na abot tanaw or abot kamay ko na yung bagay o sitwasyon.

    pangalawa lang siguro yung pagiging mabait.

    ok…nagsisinungaling na ko sa pangalawa.sorry na!tinesting ko lang kung bebenta!

  5. ah nye miski ikaw hindi naniniwala eh paano na ako maniniwala sa yo. arat ko! nyahahaha

    pero astig ka friend, hirap magkaroon ng ganyang katangian talaga. kaya keep it up! naniniwala ako dyan na patience ka talaga.
    mabuhay!

  6. i salute you pamangkin sa mga traits mong yan.. isa sa pinakaimportante kasi sakin is yung pagpaparaya,. yung alam mong ikaw ang mas nakakaintindi kaya ikaw magbibigay. kaakibat baga ng patience. oha.

    mahirap nga isustain pero pwedeng ipractice. 😀

  7. wahhh tito i miss you! long time ni blogging aah!

    thanks for appreciating my effort and you are right sobrang hirap talaga panatilihin niyan. ga-hibla lang ang chance na huwag bumigay sa sobrang daming tao na pasaway para sa ‘yo.

    mabuhay!

  8. Mahirap man itong gawin sa iba pero nasa sau na yan kung paano mo ito mapapalagi sa sarili mo.. Basta the keyword for this is yourself… Ikaw lng ang may alam kung saan ang iyong hangganan.. 😀

  9. tumpak ka dyan frankie! pero hanggat maaari siguro subukan natin talagang i-push yung limit natin s abagay na ito.

    pero kung hindi talaga kaya, dapat ng ibuwelo na. hehe

    mabuhay and welcome sa hoshilandia Frankie!

    Please come again!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s