singit

Iyon ang dikta ng isipan ko kaya yon ang ginawa ko. Ngayon kung isa iyong pagkakamali o masama sige susubukan kong baguhin next time.

Noong Viernes ay nakapila ako sa mahabang hanay ng mga tao sa isang ATM machine. Iyon na kasi ang pinakamalapit at maiksi lang ang break ko.

Ang tagal kong hinintay ang turn ko nang biglang may isang ale na lumapit sa akin at sabi ay puwede ko raw ba siya paunahin kasi may something siyang dapat habulin. Hindi ko siya pinagbigyan.

Una kasi ako nga ay over break na kakahintay sa pilang ‘yon at pakiramdam ko parang hindi ko naman nirespeto yung mga nasa likuran ko na gaya ko ay nagtatyaga na maghintay. Lahat naman siguro kami may oras na kailangan i-beat hindi ba?  Pero napaisip din ako baka naman talagang importante?

Sa memorya ko, second time ko na nang nahilingan ng ganyan. Yung isa ay sa MRT. Pinagbigyan ko yung isang tao tas pagkatapos parang na-feel ko teka parang may mali. What if kuning lang yun? Buti sana kong buntis ‘yon or senior citizen eh hindi e at ang haba-haba ng pila sa MRT lagi. So dun ko na-realize na ang singit ay singit. Bow!

19 thoughts on “singit

  1. hahah. =) pa-singit dito. =) siguro ok lang kung nakikita mong kailangan talaga, eh kung epal lang pala? =) heheh. baka pagalitan ka rin ng ibang nasa likod mo pa eh. =)

    Gandang araw hoshi! =)

  2. usually,base yan sa instinc or pakiramdam mo sa sitwasyon.meron naman kasi talagang kapal muks lang para sumingit.in any case,marami ring kailangang i konnsider kaya mas madali talagang sabihin yung ‘no’ paminsan minsan.

  3. ay ako ayoko mag pasingit pero kapag matanda , buntis malambot ang puso ko kaya lang yun nga patay ka naman sa mga nasa likuran mo..

    pero ayaw ko ng malakas naman sisingit pa haba haba ng pila ang kapal pa sumingit .. yun ang nakakainis wag na sya hehe

  4. kung same situation na tulad ng rason ko sa story. sasabihin ko sa iyo sorry po pero talagang nagmamadali ako.

    pero kung wala naman dapat akong ipagmadali at mukha ka talagang haggard, ay kahit hindi ka na mag-please. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s