ambisyosa

Siguro nga may negative concept once na tawagin kang ambisyoso o ambisyosa. Nakarinig na rin ako niyan sa pabirong tono.  Pero kung seryoso siguro masasaktan ako lalo na kung hindi ko trip yong nagsabi.

Gaya na lamang ng isang lalaki na kamakailan ay na-meet ko ulit. Hindi naman niya ako sinabihang ambisyosa at that time pero isa sa naaalala ko sa kanya ay ng once na sabihan niya ako na parang “oh ano ha, pahiya ka no?” kasi noon napasama ako sa isang play sa school na tinatawag na chamber theater. Hirap ako sa role na pinapaganapan sa akin kasi seryoso at isa akong ambisyosang mother na gustong ikasal ang aking unico hijo sa anak ng aking amiga.

Hindi ko hiniling na i-cast ako noon. So wala sa akin noong una pero nung inumpisahan ko na i-internalize at i-memorize yung character ang mindset ko ay ito na-gusto ko na siya. Eh hindi magustuhan ng instructor/director namin yung bato ko ng linya (old English kaya ang setting).  Medyo napapaiyak ako nung sinabihan ako ng instructor namin pero kinaya ko kasi that’s part of the production pero tumulo na ang luha ko nung sinabihan n’ya ko ng tienes niya.

Ang napunta sa akin ay ang role ng amiga noon. Halos equal yung bigat ng character pero mas lamang yung first kasi mas malaman ang mga lines. Gusto ko sabihin sa instructor namin na iba na lang- backout na ako. Pero imbes na gawin ko yun, dinoble ko na  lang ang pagpi-prepare. Kahit yung linya noong amiga ko halos makabisado ko na (hanggang ngayon may iba pa akong natatandaan). Itinatak ko sa isip ko na kailangang ipakita ko sa lahat at sa lalakeng yon na walang role na hindi magiging makulay sa akin. Vindicated, pinalakpakan kami at naka-receive ako ng papuri.

Kung ibabalik ang sandali na huling nagkita kami at humaba pa ang chance na mag-usap kami gusto ko sabihin sa kanya na siguro nga ambisyosa pa rin ako.  Ang ambisyosang ito ay gumagawa ng paraan para maabot ang kanyang pangarap. At kahit sabihin natin na ang layu-layo ko pa doon at least nagta-try ako. Alin ba ang mas masakit ang malungkot dahil hindi sumubok o malungkot dahil natalo? Eh saan ka ba mas tumatatag? Bow!

18 thoughts on “ambisyosa

  1. base! =) heheh. oo nga namn, mas mabuti na yung may ambisyon kesa wala, mas mabuti na yung may pangarap at mas mabuti na yung sumubok at natalo kesa natalo kasi hindi sumubok. =) kainis talaga ang mga ganyang tao kaya tawanan na lang natin. =)

    gandang araw hoshi! BOW. =)

    1. gandang araw din katrina!

      oo yung ambisyon mo yun ang magbibigay sa iyo ang drive. at ang failure yun ang magpaparandam sa iyo ng humility. at yung buong proseso yun ang experience na worth na maging part ng yung memory and personality.

    1. ang lalim ba? hehehe

      oo parang in away ang ambisyon kasi ay puwedeng synonu, ng passion or dream. medyo edgy lang siguro para sa iabng tao kasi you want to that to the max.

      mabuhay and welcome sa hoshilandia Sr.!

  2. ░█░░░█░█░▄▀░█▀▀░░░░▀█▀░█░█░█░▄▀▀░ ░█░░░█░█▀░░░█▀░░▄▄░░█░░█▀█░█░░▀▄░ ░█▄▄░█░█░▀▄░█▄▄░░░░░█░░█░█░█░▄▄▀░
    ◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈
    Hi! just dropping by… you’ve got a nice blog really 🙂

    1. salamat that you ░█░░░█░█░▄▀░█▀▀░░░░▀█▀░█░█░█░▄▀▀░ ░█░░░█░█▀░░░█▀░░▄▄░░█░░█▀█░█░░▀▄░ ░█▄▄░█░█░▀▄░█▄▄░░░░░█░░█░█░█░▄▄▀░
      ◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈☻◈
      post.

      Mabuhay and welcome sa Hoshilandia Sr!

  3. wow.gumanap ka pala sa theater play.sayang ‘di ko mapapanood.walang video na pwedeng mai-share?hehehe!

    Kung ibabalik ang sandali na huling nagkita kami at humaba pa ang chance na mag-usap kami gusto ko sabihin sa kanya na siguro nga ambisyosa pa rin ako. Ang ambisyosang ito ay gumagawa ng paraan para maabot ang kanyang pangarap. At kahit sabihin natin na ang layu-layo ko pa doon at least nagta-try ako. Alin ba ang mas masakit ang malungkot dahil hindi sumubok o malungkot dahil natalo? Eh saan ka ba mas tumatatag? Bow!

    well said.

  4. ah part yun ng mga extracurricular activities ko noon, eh wala naman akong video cam at hindi ako nag-i-invite ng kamag-anak kaya wala akong taga-kuha. kahit nga nanay ko ni isang play ko wala siyang napanood.

    salamat at nagustuhan mo ang battlecry ko. kailangan ko ngayon ng motivation medyo may down syndrome ako sa mga panahong ito.

  5. … wow.. ang galing naman hoshi pangarap ko din ang ganyan mahilig din kasi ako umarte kaso walang opportunity haha yun lang itutulog ko nalang ito..

    ako din ayaw ng nasasabihan ng ambisyosa.. wala lang nag papalting ang tenga ko lalo na sarkastic ang pagkakasabi..

    pero pero.. kelangan sa tao ang mag ambisyon at samahan ng action.. kasi kung hanggang ambisyon ka nalang masasabihan ka ngang ambisyosa hehe

  6. teka bakit nga ba walang like ang comment dito. kasi super like ko itong sinabi mo
    “pero pero.. kelangan sa tao ang mag ambisyon at samahan ng action.. kasi kung hanggang ambisyon ka nalang masasabihan ka ngang ambisyosa hehe”

    kasi sobrang 100% tumpak. pong! may natamaan. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s