pa-tweetums sa tag-ulan

s’ya-sya, masyadong dark na ata ang mga sinusulat ko lately dito sa Hoshilandia Sr. Para maiba, pampa-tweetums naman sa tag-ulan.

sa totoo lang hindi ako kumbinsido na sa mga ideal man na ‘yan. nasagot ko na minsan na basta yun na yun. pero yung akala kong madali mahirap din pala sa iba hehehe. Siguro dahil yan sa pagiging praktikal at rational ko pero sige tingnan ko nga kung saan ako papadparin ng kaka-imagine ko…

-madali pala akong ma-attract sa lalaking may salamin, yung mestiso pero hindi naman yung parang nagbabad sa gatas o nagpa-bleach. pasado na sa panlasa ko sina ryan agoncillo, harry potter, at siempre pa si ulitmate crush kong si Bae Yong Joon.

-ayoko ng guapo, tama ng cute at presentable (kasi medyo naniniwala ako sa sabi naย  ‘pag pinagsama yung maganda at guapo medyo hindi maganda ang kalalabasan.. hehehe joke lang!). pero kung talagang okay si pogi, eh sino ba naman akong tumanggi di ba. wahahahaa!

-quite type pero may sense of humor. hate ko yung lalaking madakdak kasi baka ipatumba ko lang.

-goal oriented pero flexible. hindi madaling ma-frustrate pero alam kung kailan susuko.

-hindi nagko-command kundi nag-i-influence or nagmo-motivate. kasi pag ako tinopak ng mood ko at na-feel kong loko to ah, inuutus-utusan ako, ay…. nako!

-may alam sa gawaing bahay(pati mamelengke o magluto etc). hindi ko trip ang umaaktong prinsipe kahit gaano pa kayaman o kaguapo. kasi hindi ko rin tinitingnan ang sarili ko na prinsesa. cute lang talaga. hahaha!

-marunong humawak ng pera o hindi bulagsak. dahil hello kuripot kaya ako, alangan naman sa akin pa dumilehensya. at hindi ko ma-imagine na mag-nag ako dahil sa pera. baka hampasin ko lang yun ng mga pera ko sa alekansya.

-dahil dyan dapat down to earth at hindi mayabang. kasi yang yabang na yan lalo na kapag hanggang salita lang boooh na sa akin! boooh! isa pa… boooh!

-marunong sa communication skills and psychology – para maintindihan ako. aminado kasi akong mahina sa math, joke! minsan kasi para akong walang emosyon o wala sa kawalan.

-alam magpa-charming kasi ako pag galit at ginalit. may tendency na unahin ang pride kaysa love. at kapag nakapagbitaw na ako ng salita, pinaninindigan ko yun. key words – palabra de honor

– siempre bawal manakit – verbal at physical. hindi ako magse-second thought na turuan ng leksyon yun. ang lagay ba, patatalo ako sa cariรฑo brutal.

-hindi nagtatanong at papiliin ako sa kanya o sa pamilya ko, kape o iced tea, anime or cartoons. oprah o ellen? kasi ako, alam kong makisama at alam ko ang gusto ko.

-dapat marunong mag-support at hinahayaan ako sa gusto ko. gaya halimbawa kung trip kong manood ng sine mag-isa.

– siempre dapat hindi lang ako nila-love kundi tinatanggap ako na parang wholesale. kasi kaya kong magpaka-ugly at magpaka-bad.

-medyo boring sa akin yung dyowang-dyowa ang dating dapat mag-bf na bff. saya noon!

Advertisements

8 thoughts on “pa-tweetums sa tag-ulan

    1. aray ko… hahahaha!

      dumating na siya actually kaso dumungaw lang sa terrace nila. ang buwiset! sige sasabihin ko sa kanya ang suggestion mo. nang maabot ko man lang kamay niya.

      kahit pilay-pilay na. wahahaha! joke lang!

      mabuhay!

  1. hahah. ๐Ÿ˜€ nakakatuwa at nakakatawa. ๐Ÿ˜€ kahit walang idel man, mas mabuti pa rin yung may standards di’ba? heheh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s