Ikaw, Ikaw, Ikaw

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Puwede ba tantanan na ninyo ako. huwag nyo na ako guluhin. Okay fine happy kayo sa buhay ninyo at ganito ako. masaya na ako para sa inyo pero puwede pag nagkita tayo huwag nga kayong nang-aano. Pero mas maganda wag na tayong magkita-kita. Hindi rin kayo ang gusto kong makita.

Puwedeng mukhang wala lang at may halong kaplastikan, pero definitely nabubutihan ako sa sitwasyon ninyo. Wala as in. hindi rin ako naiingiit kasi ganyan nangyari sa inyo kasi honestly kampante naman ako sa buhay ko. nangangarap, may mga frustration at naiisip na rin pero ito ako.

Ikaw – sa tuwing nagkikita tayo ang flirt-flirt mo. actually naging crush naman kita dati kaso dati pa rin alam kong hindi tayo talo. Taas mo kasi ano?! Para akong bobo ‘pag pinagtabi tayo. Akala mo naman mabibilog mo ulo ko. “I want to spend my lifetime loving you” ka pa dyan! Mukha mo! kahit suotin mo pa ang maskara ni Antonio Banderas hindi ka pang-Zorro. Desperado, puwede pa. eh ano naman paki ko sa kalendaryo mo. wala pa ako doon, palibhasa nauna ka. gusto mo naman sundan kita. hayyyy! pero sige, dahil understanding ako. iintindihin kita. Uwi ka na sa inyo, shoooh!

At Ikaw naman – okay fine crush at scholar ka ng bayan. Nasa sayo ang respeto. Parang ‘pag pinag-fair tayo mapapa-ha? Ang lahat. Why ako? Wala rin ako sanang problema sa iyo kundi ka lang sa pagiging ungentle man mo. Uunahan mo pa talaga ako sa upuan at sasakyan. Tingnan mo pag nakabili ako ng sasakyan, papasakayin kita nang malaman mong hindi ako kagaya mo. I’ll melt you with my kindness. Oo guapo ka nga, siguro reluctant akong aminin yun pero sorry ka Dong. Hindi rin kasi tayo talo. Gusto sana kitang kaibiganin dati pa kaso ako- gusto ko  epol ikaw gusto mo, epal. Feeling mo sa akin immature na tao, alaga ng mga nakakatanda. Siya-siya, magtrabaho ka na lang ng mahusay at magpakabuti ka na.

Oo Ikaw din,  wala, wala naman akong reklamo sa iyo. Hindi mo lang ako pinapansin masyado. Parang ang gili-giliw ko naman sa iyo at tinutulungan kita pero wala lang. Mababang uri ako? Kuya! Huwag kang mag-alala hindi kita hahabulin at hindi na ako ang dati mong inabangan. Sorry to disappoint you pero kailanman hindi ako sumusunod sa dikta ng kung ano naayon para sa isang babae, kundi sa kung saan ang tama at saan ako komportable. Pero it doesn’t mean na pag turnoff ka eh may right ka na tratuhin ako ng ganito. Hindi ka kailangang maging sing guapo ni Bae Yong Joon (kasi nag-iisa lang yon) at kasing yaman ni Prince William (kasi ayokong maging buhay prinsesa tamang business Tycoon lang). dahil kahit nasa iyo lahat pero pag hindi kita trip, hindi rin talaga.

Note: hindi lang traffic at hirap sa pagsakay ang problema sa pagko-commute kundi sa makakasabay mo rin.

– pasaherong windang

Advertisements

10 comments

  1. haha.. napaisip ako tuloy sa article na to ah.. naisip ko kung naging isa ba ako sa mga naisulat mo.. hehe … siguro nga at ngayon alam ko na kung gaano kasagwa ng ugali ko hahaha.. pero at least may pagbabago kahit konti.. 🙂

    mabuhay hoshi!

    • natigalgal daw ako sa effect ng article/post ko. honestly, nahirapan ako kung paano ako magre-react. hehehe!

      don’t worry hindi ikaw ang personal kong pinatutungkulan. wala sa hinagap ko. siguro ano lang, parang share of experience lang para ma-realize din ng iba yung reaction nung mga nakakasabay nila, especially kapag kakilala. hehehe

      and i think hindi ka naman kagaya nila. si orville ka e. tsk tsk!

      mabuhay!

  2. 🙂

    aaaaaaaaa, ikaw ba yung pasahero ko minsan na mukhang windang? Here’s the story:

    Binabagtas ko ang kahabaan ng Kalayaan Ave. Sa isang stop light, sumakay ang isang marikit na ale.

    “Saan tayo, ale,” tanong ko, sabay start ng metro ng taxi.

    “Drive on. Kahit saan.” sagot niya. Hindi na lang ako umimik at dineretso ko ang Kalayaan ave. Mamaya, narinig ko siyang humihikbi. Tiningnan ko siya sa salamin. Maamo ang mukhang luhaan.

    (itutuloy. work muna ako.)

    [musta na, fren?]

  3. …palihim kong minasdan uli sa salamin ang kanyang luhaang mata habang patuloy na binabaybay namin ang kahabaan ng Kalayaan avenue. Napuna ko ang kakaibang ganda ng kanyang mga mata. Asul na bumabagay sa mga maiitim na pilik mata. Maayos ang pagkasuklay ng di kahabaang coal-black na buhok na tila may mga bituin na nakakabit sa mangilang-ilang hibla ng buhok. Sa ngayon, di ko makita ang kanyang mga bibig at ilong dahil natakpan ang mga ito ng kanyang hawak na panyo.

    Inamoy ko ang aking kili-kili. “Baka yun ang dahilan kung bakit tinatakpan ang ilong,” sambit ko sa sarili ko. Napangiti ako, amoy safeguard pa rin. Bumalik ang aking self-confidence.

    🙂

    Malapit na kami sa crossing ng Kalayaan at Makati Avenue pero di pa sinasabi kung saan gusto pumumta ang umiiyak na magandang ale. Nagpasiya ako. Kakanan pagdating sa Makati avenue tapos kakaliwa sa may Buendia. Pag malapit na sa EDSA, doon ako magdedesision kung pauntang north or south? Alin kaya ang mas maganda?

    (itutuloy)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s