bAGO si TAtay, si MAMANG muna

pagdating sa kaligayahan sa buhay, wala talagang pamantayan. nasa tao kung ano ang tingin niyang makapagpapasaya sa kanya gaano man ito kalaki o kasimple. ito ang natutuhan ko kay MAMANG na tiyahin ng aking ina. hindi siya naghahangad ng marangya basta’t nagsisipag lang at laging nagsisimba.

noong bata ako ay nakakapagbakasyon ako sa kanila. dati’y walang TV doon at wala ring kuryente. gasera lang na gawa sa garapon na may mitsa’t gaas ang meron. ang kanilang tanging mapaglilibangan ay radyo.  ang aming mesa na gawa ni Itang ay hindi kailangan ng upuan dahil  nakasalampak lang kami sa sahig kapag kumakain. doon ay lechon para sa akin ang bagoong isda na kanilang ginagawa at para naman akong nakapag-mall ‘pag binigyan niya ako ng pera pambili ng merienda. hind ko naranasan ang sinasabi nilang istrikang MAMANG basta ang alam ko, ayaw niyang bumaba ako sa bahay nila kapag nakaligo na ako.

kung pasinupan at pagiging malikhain, maangas yang si MAMANG. hindi niya pinapaligtas ang mga dies sentimo noon at ang kanyang pitaka ay nakaperdible sa kanyan bulsa. at ito pa, ginagawa niyang salawal at kurtina ang mga katya. nilalakad niya araw-araw ang bahay namin na kung tutuusin ay mararating sa pamamagitang pagsakay ng tricyle at jeep. mayroon silang taniman ng mais at kamote ni itang sa amin noon. bukod pa sa mga itinanim nilang mga puno ng prutas at alagang mga baboy. sumasama-sama rin ako noon sa paghahakot nila ng pagkain ng kanilang mga alaga at sa kanila ko naranasan ang magtulak ng kariton.

kahit nga nasa Manila ang kanilang tahanan ay naging buhay probinsya pa rin ang kanilang lifestyle. at kahit hindi nakakatikim ng sinasabi nilang mga kapritso sa ay palangiti pa rin si Mamang. magsasabi siya ng problema pero ngingiti rin sa huli. Umiiyak pero parang nagpapatawa lang din.

isang araw naratnan niya akong nag-iisa at nakaupo sa labas ng gate namin. tinanong niya ako kung anong ginagawa ko, sabi ko nagbibilang ako ng mga taong nagdadaan. pero ang totoo malungkot ako noon, malungkot na malungkot. sabi niya sama ako sa kanya at mula nga noon ay sumasama ako sa kanila tuwing malungkot ako sa bahay namin. tumatagal ako ng ilang araw hanggang sa sunduin na ako, alin man sa aking ga nakakatandang kapatid. basta sa akin noon, kapag gusto kong maglayas o kung may iba akong mapapuntahang bahay kina MAMANG ako pupunta.

Nung lumaki ako, dumadalaw-dalaw ako sa kanila. pero habang tumatagal ay padalang ng padalang yon.  siguro dahil sa kawalan ng oras, sadyain ang lugar nila at  naiilang na rin ako. may iba kasing set up yung koneksyon namin ( na may nagpa-realize sa akin). hayun bigla hindi na ako ang taong dadalaw basta-basta kasi nami-miss ko. pero kahit ganoon, hindi nawala ang respeto  at pagmamahal ko sa kanila ni Itang. Sila lang ang masasabi kong pinakamalapit na Lolo at Lola sa akin, maliban kay Lola Igray (na college na ako nung nakilala ko).

nitong mga huling taon ay nagiging bingi na si MAMANG at ‘di naglaon ay hindi na rin niya ako nakikilala. Kailangan kong magpakilala ulit na anak ako ng Nanay ko. Pagkatapos noon saka niya ulit ako maalala o kinikilala. wala namang problema sa akin yun, basta’t okay siya, doon ako. ayoko lang na may nang-aapi sa kanila ni Itang dahil hindi sila makakaporma sa akin.

pero ito si mamang kahit sa kahuli-hulihan kaswal pa rin. Nagsara pa raw ng mga bintana ng kinagabihan nung June 16 at kinabukasan ng June 17 (one month before My late Daddy’s b-day) ‘di na trip bumangon. Tuluyan na s’yang Nagpahinga.

Luluha ako dahil sa kanyang mga iniwang alaala, pero hindi ako malulungkot kasi sa bago niyang tambayan hindi na lang radyo at bagoong ang mayroon, kundi super pa sa high-end entertainment at happiness showcase ang mayroon. Fiesta!

10 thoughts on “bAGO si TAtay, si MAMANG muna

  1. nakakamiss lang talaga ang mga taong naging parte na ng buhay mo.=) minsan nga, naiisip kong sa kasalukuyan, habang nandyan pa ang mga taong importante sa’kin, iparamdam na kung gaano sila kaimportante at kung papaanong naging bahagi sila ng buhay kong simple pero masaya. =) magandang araw hoshi! =)

    1. magandang araw katrina!

      yes tama ang iyong sinabi.isa ako sa mga apo ni mamang na hindi naluha pero mangiyak-ngiyak. hindi ako malungkot masyado i think it is because yung realization na naging okay naman kami at kung baga magpapahinga na siya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s