me and my cassette recorder

Ewan ko kung mayroon pang iba pero, ang naalala kong first time kong mag-record ng audio ay noong grade 5 ako. Natuwa kasi ako sa lumang cassette ng kuya ko at kapag wala siya nagta-try akong kumanta gamit noon. Minsan gumagawa ako ng sarili kong kanta pero minsan inaawit ko rin yung ibang mainstream songs (mainstream? so undeground ako?) talaga. Basta ‘yong composition ko noon ay may something about love na sasaluhin ka pag bumagsak ka. Ayoko i-reveal ang title sobrang golden sweet corn.

cassette recorder

Pero noong high school mas naging talamak ako sa gawain na ‘yan. Eh di ba may time na sobrang umariba ang karaoke. Kahit anong mapagtripan kong kanta nire-record ko at kahit ano pang tapes ang mapatungan. Tapos namimili pa ako sa classmate ko ng pinaglumaan niyang recording tapes na once niya lang napaglagyan ng music. Lahat ng jingle ng favorite anime ko or lines sa TV programs or movie na gusto ko ay sinubukan kong i-record. Pero siempre ang pangit ng sound na lumalabas, pinagtatyagaan ko lang.

Naging pangarap ko ang magkaroon ng cassette recorder. Hindi na ako makikipag-agawan sa karaoke na dyahe rin namang gamitin (with matching unreliable microphone).  Iyong unang portable cassette recorder  na ginamit ko hinihiram ko lang sa ate ko. Bukod sa hindi talaga akin, hindi ko rin puwedeng arborin sa kanya yun kasi  gamit nila yun sa Sangguniang Kabataan (SK). By the way, dating SK Councilor siya at ang isa ko pang ate.

Hindi ko na maalala kung ano ang eksaktong rason kung bakit niregaluhan ako ng isa ko pang ate na OFW ng portable cassette recorder noon. Puwede siguro sa buwiset niya tuwing maalala na nagkukumahog ako na mag-set up ng karaoke. Hehehe! Basta ten years ago, napasaakin na ang aking precious cassette recorder.

hitokiriHoshi's recorder

Marami kaming pinagdaanan ng aking recorder dahil kasa-kasama ko ito especially sa mga projects ko sa school. Kahit hindi naman dapat ni-record , ni-record ko na. Ginamit na pang-practice, pang-record ng mga di mapapanood na episode sa anime at higit sa lahat pang-interview para sa aking thesis. Gamit na gamit ko rin siya kahit sa work ko. Basta record lang ako ng record kasi may pagka-slow ako hehehe.

Hindi ko man na ito magamit madalas ngayon sa pagre-record, gagamitn ko cassette recorderko sa pagpi-play sa mga cassette tapes ko na naluluma na rin. ah basta importante pa rin ito sa akin. ayeeee!

Advertisements

23 comments

  1. waaaa pati sa cp ngyun my recorder na db ehee. pro saglit lang though!
    mdalas nga kumakanta ako dun eh kso nga ayun dahil saglit lng xa hnd mo ma enjoy! ahahahha..

    elow hoshi. musta nman? 🙂

    • oo yang co din ang dahilan bat medyo naiisantabi ko na yung recorder ko. hindi na kailangan ng tapes and extra battery. napaka-gaan pang dalhin. doon na rin ako nagre-record ng mga kabagayan ko ngayon.

      okay naman ako windang. hehehe

  2. alam mo kung anong una kong napansin. yung tshort mo! bwisit! bwisit! gusto ko niyan. pwede bang pati yan eh ibenta mo an rin ksabay ng magasin. hakhak!

    may recorder din kami dati kaso hindi ako masyadong nahumaling dahil sa pagsulpot ng selepono na siyang ginagamit kong recorder. dumating din ako sa punto na nagpapakadj ako. natatawa na lang ako kapg naalala ko. parang tanga lang eh.

    • haaha ginagawa ko rin yan pagdi-dj ko no. nakakaloka pero tayo-tayo lang naman nakaka-alam e. secret lang ha! oo malaki na nagagawa ng cp ngayon – puwede ng radyo, video, camera at voice recorder. kulang na lang electric fan. hehehe

      natawa daw ako sa reaction mo dun sa T-shirt kahit medyo expected ko yan ang magiging comment mo. 2 ganyan kong shirt, isa si hotohori at white naman ang kulay nong damit. one time paskil ko rin yon dito. para mabiwisit ka ulit. wahahaha

      naku dumadami na tuloy ang maikakalakal ko saka-sakali sa aging anniversary wahahaha

  3. kahit uso na ang pendrive type na mga gadget sa music at recording,nariyan ka pa rin sa iyong cassette recorder.nangangahulugan lang na mahal mo ang mga bagay na may hatid na kasaysayan sa buhay mo.

    natutuwa akong malaman na gumagana pa rin yan.si MD,may ganyan ding pagpapahalaga.stereo player naman yung sa kanya na portable.

    • sino si MD? Misis Duking? sana tama ako. hehehe
      oo medyo maalaga ako sa gamit especially kapag ibinigay at gamit na gamit ko. huwag nga lang yung may pinto o zipper ang ibigay sa akin. mapanira ang kamay ko sa ganyang mga bagay. wahahaha

      alam mo pag alam mong gamitin ang sinaunang gamit, mas makikita mo yung advantages at disadvantages ng bago mong ginagamit. and hindi ka gaanong magwo-worry na masira yung bago mo, kasi alam mong balikan ang luma. oha-oha lalim na. hehehe

  4. AYANNN! Ganda na blog mo, fren! Di gaya nung isa, naduduling ako, tapos meron pang multo na nakalutang hehehe!

    …yan ba yung recorder na ginamit sa Hello-Garci? 🙂

    maganda yang recorder na pangrecord ng hilik, lalo na yung mga tumutula sa pagtulog…

    (teka, meron ka bang mga minus-one tapes?)

    • -yes mayroon akong minus-one tapes (at kahit mga CDs) wahahaha.
      pero ang natitira na lang sa akin ay yung sa Carpenters.

      -buti naman nagustuhan mo itong new look ng aking blog. bago yan from wordpress. hehe

      -marami ng nairekord ito pero halos lahat naman ay inspiring music or sound. hindi gaya ng sinabi mo. wahaha

      mabuhay! musta ang Belgium?

  5. At take note, pinahiram mo sa akin iyan. Iyon nga lang, nagrebelde sa akin noong may ininterview akong celebrity. Twice nagrebelde, iyong isa sa crush kong celebrity at iyong isa sa ex-GM natin. hmp! :)))

    • wow buti pa ang recorder ko nakaharp na ang celebrity mo… pero okay lang din hindi ako inggit wahaha kasi di ko yun like. wahahaha (ipagdiinan talaga).

      alam mo kasi itong recorder ko nangangamuhan at alam niya kung kailan okay mambuwiset. wahahaha

  6. hala, gusto ang istorya nito – iyong underground music ang kinahiligan, may pagka-rebelde? iyong talamak sa pagre-record ng kanta maski anong lumang tape ay pinapatungan, hahaha…

    sensitive na mga tao ang sina ate mo, nakita nilang merong isang hindi lang isang music enthusiast kundi on the way na sa pagiging adik [kahit di pa noon uso ang term], haha…

    anyway, see, the efforts paid off, davah? videos na ngayon, take note?

    keri lang, hoshi girl. 😀

  7. ewan ko nga rin ba’t talagang hilig ko ang ganyan dati kasi talagang giagawa ko lang siya for entertainment at pagkuha ng information. ngayon kasi ay para sa mas may kabuluhan na.
    and yes in fairness sa mga ate ko damang-dama na nila ang teribleng paghahangad ko sa bagay na ‘yan. pero dagdag din kasing kadahilanan dyan ay di ba sa mga OFWs uso ang pagpapadala rin ng mga tapes ng kanilang mensahe sa kanilang pamilya. parang isang bagsakan. di pa kasi uso noon ang net at facebook. miski text.

    mabuhay doon po sa amin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s