Hey June don’t make it bad

Kung hate ko ang Monday sa lahat ng araw sa isang linggo, ang ayoko naman sa buwan sa isang taon ay ang buwan ng June. Bakit? Kasi pasukan na ng mga estudyante (siempre mas hate ko ito noong nag-aaral ako pwera noong high-school medyo may love life e). of course hindi ko po tinutuligsa ang pasukan, si Hitokirihoshi ay very vocal sa pagsasabing siya ay pro-education para sa mga kabataang Filipino.

Ang nakakaano lang sa buwan ng Hunyo ay ang pagpasok ng tag-ulan at traffic. Yung ipinapasok ko ng ganitong oras ay kailangan kong agahan kasi may bulto ng mga panibagong commuters akong makakasabay. In fairness, noong student pa ako asar naman ako sa mga nag-oopisina wahahaha.

Sana kung hindi man ito ay isang himala ay magawan ng paraan ng DPWH at MMDA na ayusin na sana ang dapat ayusin habang wala pang ulan. Yung mga binabaha at madalas na tinta-traffic na daan, sana kalikutin na nila.

Sa ngayon ang hinahanda ko na ang aking reliable yellow vintage transistor, golden violet umbrella, elevator brown tsinelas at alarmed clock (teka cell phone na lang pala alarmed clock ko ngayon).

Advertisements

16 thoughts on “Hey June don’t make it bad

  1. take a sad song…and make it better!

    hahaha!

    kasi nga dapat talagang iusog ang pasukan sa panahon na hindi maulan.

    eto trivia.kaya pala june ang pasukan,alinsunod ito sa panahon ng anihan sa pilipinas.ibig sabihin,pinipilit kasi na makapag aral ang lahat kaya sinisiguradong umani na ang mga magsasaka kung kayat may pang matrikula na para sa pasukan.

    yun lang po.ayon yan dun sa taga dep ed na napanood ko sa TV.bow!

    1. ayos sa trivia ah. dagdag knowledge yan. kaso wawa naman ang mga estudyante. hindi bat okay na pumasok na nakaipon sila sa dahil sa anihan at nalagpasan nila ang mga bagyo.

      sabay kaya sa gastusan sa school ang mga problema sa pagpapagawa ng mga daan dahil sa baha at bubong dahil sa mga tulo ng ulan. hehe lalaban pa e no.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s