digital blessings

Madalas ngayong pumapasok sa kokote ko yung dialogue ng mama ni Bella (Kristen Stewart) of Twilight na si Renee “I literally repel technology.”  Nagsimula kasi noong May 6 ay nagkasunod-sunod naman atang nasira ang aking blog/site, DVD Player, at broadband connection/ land line phone. Ngayong araw nga rin, nagloloko ang pagtsa-charge ng aking mobile phone.

Kung mapapansin mo ang mga bagay na nabanggit ko ay may kinalaman sa teknilohiya. Mga bagay na nagbibigay ng comfort pero hindi naman sukat na ikamamatay ko. Kaya ko naman bumili ng bago pero may something sa akin na ayoko. I want to challenge myself kung kaya kong tiisin na wala ang mga ‘to at baka naman way din ito para turuan ako ng lesson.

Pero yung mga answers ay dumating at sa iba’t ibang paraan. Nag-offer ako ng pabuya para may tumulong sa akin. Thank you hindi ko na kailangan magpa-load (hehehe) kasi yung taga-forum na mismo ang tumulong sa akin. Yung sa broadband ang sabi sa Monday pa baka magawa pero kinabukasan ay dumating din. At ang nakakatuwa ay may inayos lang akong part sa likod ng DVD player kahapon kasi napansin ko tanggal na yung spring doon sa speaker, pagsaksak ko gumana na. wahahahaha! Pero yung sa audio pa lang ang nata-try ko pero at least nagre-read na siya sana gumana rin sa video.

Naalala ko lang, noong bata ako mahilig akong magsulat sa notebook ko ng aking mga hiling at saka ko itatatago kung saan (madalas sa isang butas ng dingding namin). Halos lahat ng sinusulat ko natutupad at one time nakita iyon ng ate ko. Tanong niya, gaano ka-effective yung letter ko. sabi ko hindi mabilis pero nasasagot. Tas ginaya nya rin ako. eh minsan kinalkal ko yung dingding, aba iyong isa kong ate nanggaganun din at mukang nauna pa sa akin. hehehe

14 thoughts on “digital blessings

  1. ok itatago ko muna mga gadgets mo. gumawa ka muna ng mural dyan sa pader nyo para mapaglibangan. hohoho

    galing mo pamangkin, di ka nagpapalamon sa teknolohiya at sa mga luho luho 😀

    1. nakakatakot din tito magpalamon sa teknolohiya baka hindi na nila ako iluwa. hehehe

      seriously, oo intentionally gusto ko maging independent. ayoko dumating yung point na paggising ko hindi na ako makagalaw dahil lahat sa buhay ko nakadepende sa gamit. pero siemprei know na may mga bagay na mahirap iwaksi like computer at mobile phone. hehehe

      talagang mag-mural daw muna ako sa pader. hehhe pero naiisip ko na rin yan. kapag wala akong pinapanood sa DVD nabubulatlat ko ang mga inaamag kong libro. heheeh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s