Daig ng pagkaPinoy, ang taong tamad

In-anticipate ko na ang kaguluhan at aberya sa election kaya tinamad akong bomoto.  Doon pa nga lang sa manu-manong pagboto ay hanapan kami ng hanapan kung nasaan ang presinto ko.  Tapos ang nakakainis pa pag nahanap mo ang name mo ay mali pa ang pakaka-type. Pero hindi ako galit, iniisip ko na lang na ganun din ako. (pampakalma)

Pumunta ako sa school kasi

  1. Lahat ng nakaalam na tinatamad akong bomoto ay nagsabi sayang naman.
  2. Inaya ako ng 2 kong kuya na bomoto, yung isa naninirahan na sa Montalban nagpunta lang dito para bomoto.
  3. Minsan lang sa six years na masasabi mo ang choice mo.
  4. para malaman kung nasa listahan pa ako
  5. Dahil isa akong Pinoy na may paki

Sa  school

  1. parang piyesta sa dami ng bandaritas pero ngayon mas konti na yung papel. Tao na lang ang dumadami
  2. kawawa ang mahahaba ang pila, buti na lang wala doon sa presinto ko
  3. tuwing pupunta ako sa school (my alma mater) laging may bago.
  4. may ilan akong nakitang kakilala, wala tiningnan ko lang sila at lumayas na ako. Init kaya!
  5. parang astig iporma yung daliri mo na may ink. Buti na lang hindi nila nilagay yung ink sa hinlalaki ano! Wahahaha

pag-uwi galing sa school

  1. sarap makipamalita sa ibang friends kung ano naging kalagayan nila
  2. okay na makipagtalakayan kasi naranasan mo ang bomoto
  3. sarap lumaklak ng malamig na inumin
  4. mainam na itabi ang yung vote’s stub ( na ang tagal namang maging ID). May silbi pala ito.
  5. sarap i-blog ang iyong sentimiento.
Advertisements

16 thoughts on “Daig ng pagkaPinoy, ang taong tamad

    1. okay lang yun kug talaga hind pa puwede perio kung nasa legal age ka na i-exercise mo ang iyong karapatan. iba yung experience kahit maraming hassles.
      salamat at nagustuhan mo. medyo itim-itiman ako ngayon dahil sa pagluluksa sa sakit ng Hoshilandia Jr. ko. hehehe

  1. tama.. parang ang sarap ipagmayabang na nakaboto. parang ako, ikinalat ko kagad sa FB, at sa j2 ko na nakaboto ako yahooo heheheh

    perstaym ko, automated pa!! diba

    part na rin ako ng ph history dahil nakasama ako sa botohan mabuhay ka pamangkin ko yehey

    1. yehey din sa iyo tito. hehehe. napansin ko rin talaga mas ganado magbibigay ng opinyon ang mga tao tungkol sa eleksyon. at least kahit madalas na reklamo ay may paki sila.

      ang problema ko lang ngayon ay paano tuluyang matatanggal sa aking finger ang ink. hehehe

      1. huwat! may ink pa rin sa daliri mo!!! akin din meron pa matingkad pa nga! hahaha

        namimiss ko si PCOS lol

        hi pamangkin

      1. oo nga no. tatlong taon pa. sana lang mas marami na ang maginhawaan at umunti na ang reklamo sa pagbabalik niya.

        teka habang wala pa raw election. gagamitin mo na ang mga PCOS machine sa exams sa government and schools. chuz. hehehe

  2. Maraming Pilipino ang nagrereklamo dahil sa mahabang pila. Ako, umabot yata ng 1 hour or less bago matapos. Pero kung iisipin mo, ano lang naman iyong 2, 3, 4 na oras na pagpila kumpara sa pag-exercise mo ng karapatan mong bumoto para maihalal ang karapatdapat na mga lider ng bansa. :p

  3. Importante ang boto mo – yan ang sabi sa mga info ad. Maswerte ang punta ko sa voting presinct kung saan nakalista ang pangalan ako, ilang taon na rin akong bumoboto, ni minsan hindi ap nila ako binibigo.

    Parang VIP ang karanasan. Astig kase may oras pa kami makipaglokohan sa mga VEI.

    Ingat na ingat sa balotang pang-elektronik pero hindi maingat sa pagpili ng mga kandidato, eh sa dami ba naman ng mga pagpipilian sa party list at sa dami ng kailangang iboto sa konsehal at bokal na dapat iboto, talaga bang pinakikinabangan pa sila?

    Sabi nga.. Vote Wisely, eh sino ba si Wisely?

    Sana nga kung sino man ang maluklok, hindi na importante kung bet mo o hindi, sana’y suportahan nating lahat dahil dapat lahat tayo may partisipasyon.

    God bless the Philippines!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s