Why I avoid watching local channels?

Kung pamukhaang TV lang naman ang pag-uusapan, hindi patatalo ang batang si Hoshi dati. Puwede niyang sabihin sa iyo ang programs ng Dos at Siyete from 5am to 12 Midnight. Pero paunti-unti haggang totally wala na siyang paki que mapanood niya o hindi ang mga dati niyang pinapanood.  Bakit nga ba?

  • Commercialism –  para sa isang 30-minute program dapat ay may at least 10-15 minutes na allotted time  para sa mga commercial gap. Pero ngayon gaano kahaba ang hinihintay na gap para sa kakapiranggot na airtime ng isang programa. bumaliktad na halos.   Number one na biktima d’yan ay mga drama series, especially ‘yong mga foreign.

Oh sige ibukod na natin ang advertising dahil ‘yan ang lifeblood ng bawat programa at TV channels. Ang nakakadismaya talaga ay ang content ng  shows. Kahit hindi ko masyado trip ang mga bida, basta maganda ang istorya at presentation panonorin ko. Eh ngayon basta may magawang show na pumpatok gayahan na lang ng gayahan. May mga istorya/program na hindi na alam ang patutunguhan. at sorry to tell pero hindi ako fan ng adaptation ng mga foreign shows. Mag-i-stick na lang ako doon sa original.

  • Management and Loyalty – aminin na natin na may kasiraan ang kompanya at talent kapag naglilipatan. Ako kapag nasanay akong makita ang artista sa ganitong network at nagsasabi siya ng pawang magagandang bagay dito then sinisiraan ang kabila. Matatandaan ko s’yang ganoon. Pero ano, karamihan ay lumilipat din.

I don’t blame ‘yong mga lumilipat after all ang artista ay hindi lamang nabubuhay sa kasikatan kundi sa talent fee.  Pero may iba dyan after lang talaga sa MAS malaking talent fee at pagre-reynahan o paghari-harian. Hindi rin masisisi na ang ibang sikat dati ay malaos o mahanapan ng butas dahil sa kanilang attitude problem sa personal.

Para naman sa mga network, ang nakakairita lang ay discover ng discover ng bagong pasisikatin na halos wala namang mga talent. Okay fine kailangan bigyan ng chance ang mga bago. Talaga namang maraming Pinoy na talentado, ang nakakalungkot lang ay madali nilang binibitiwan ang mga taong nag-aakyat sa kanila ng pera at nagseserbsyo naman ng tama.

  • Ratings – I think dito talaga ako unti-unting nawalan ng gana. Sige kayo na ang tunay na number one  pero puwede ba huwag naman ipagduldulan kada commercial break yan. Hindi nanood ang tao para malaman kung sino ang mas magaling kundi sino ang maghahatid sa kanila ng maganda, mapagkakatiwalaang at magpapasayang programa.
  • Erratic schedule – Para sa manonood na gaya ko, wish ko na mapanood ang programa ko sa araw na libre ako. Nakakabanas ‘pag nilipat pero dapat ko pa itong ipagpasalamat  na naabisuhan ako kasi may isang channel na kung makapaglipat-lipat ng programa ay ganun-ganon lang. Walang abi-abiso at biglang titigbakin sa ere. Clue anime tuwing Sabado ang pinapanood ko. at yung anime na iyon ay una kong napanood noong nag-aaral pa ako. Nakapagtrabaho na ako lahat-lahat ay hindi ko pa natapos. Ay naku wala na akong balak abangan pa sa TV yan. Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko, marami ng way ngayon.

And take note wala ng oras-oras ngayon, ang usapan na ay “pagkatapos ng tienes –tienes na programa. Eh madalas yang mga tienes na yan ay nag-e-extend pa ng oras.

  • Nonsense issue – Patulan ba ang hindi dapat patulan? Magpalaki ba ng issue wala namang value sa mga manonood? Utang na loob pati, yang personal hindi ba dapat nasa loob lang ng bahay ninyo. At ang nakalipas ay nakalipas na. Huwag n’yong kulayan ang terminong  public figure.

Nanonood pa rin ako once na while (lalo na sa Net25 At TV5), apparently may time pala ako na walang magawa. Mas gusto ko ang buhay na hindi laging nakatutok sa TV. Ang dami-daming puwede, makabuluhan at nakaka-inspire na gawain.

Naniniwala rin ako na hindi maganda ang mag-stick o  ang magpa-label ka as Kapamilya, Kapuso, Kabarkada o Kapatid. Ang mga ‘yan ay para sa kanilang management at talents dapat at hindi sa ating mga viewers. Doon tayo sa show na pahahalagahan ang oras na inuukol natin sa kanila at magbibigay sa atin ng dekalidad na program content.

Bow!

Advertisements

26 thoughts on “Why I avoid watching local channels?

  1. base ako pamangkin! pareho tayo! lalo na ngayon nagwowork na ko. wala na ko time manood ng tv.

    dati…

    asar din ako sa long commercials. sayang ang oras sa pag-iintay, kaya nauuwi ako sa palipat-lipat.

    1. wahhh congratz tito!
      teka nabasa mo na ba ang testimonial ko sa friendster mo?

      oo doon na lang tayo sa makakatulong sa ating sarili at sa ating pamilya. hehehe
      peace!

      gusto ko nyayon ay marathon ng cartoons sa Tv5 hehehe

      1. gusto ko balikan ang akazukin chacha at agn julio at julia. haha!

        yung frenster parang gumaya sa facebook..

        haha!

      2. wahh tito! my ulitmate favorite anime is akazukin chacha!

        yang julio at julia ang isa sa mga classic anime na napanood ko.
        kasama ng cedie, princess sarah, the trap family singers, etc.

        huli ko atan nagustuhan o napnood yung magic girls at little women.

        opo parang gumaya nga sila. kailangan na talaga nilang sumabay. nakakalimutan na sila ng tao. hehehe

      3. may shashare akong kanta sayo…

        A-B…

        CeDie

        Sarah – Remi

        Nelo, Patrash, pabili ng gatas. awts… nakanta mo ba? hahahah!!!!

      4. aray ko napakanta mo nga ako tito. wahahaha

        sa remi mas gusto ko yung lalake pa. talagang napaluha ako doon. pero never ko ng pinanood yung a dog of flanders (nelo & patrash) sobra sa kalungkutan. hahaha

      5. wahh oo tama.,. mas okey yung batang lalaki na remi.. mas ok talaga.. nakakaiyak nga yon.

        jolicour asan si jolicour! haha

      6. pero pabirito ko rin istorya nila yung payong ni matias. buwahahaha

        yung batang yun, ang imahe ng totoong bata. wahahaha
        pero siempre okay din si remi at ang floating palace ng kanyang ina.

  2. wahaha. adik aq sa mga programa q dati! nirerecord q pa pag my work aq den panunuorin q nlang pag uwi.. pero nung paadik aq sa net specifically sa blog ayun! napabayan na c program ahahahha

    1. dumating ako sa point na yan. and i think pag nakalwag-luwag s ganyan na lang ako mag-i-invest para mai-forward na lang ang mga personal na interes nila. hehehe

      diretso na kagad sa panonood.

      mabuhay!

    1. yeah may problema doon. kagagahan ko ata ang puno’t dulo pero ipinaabot ko na sa kinauukulan ang problema. hihintayin ko na lang ang magiging tugon nila. if hindi, then bye-bye hoshilandia Jr.

      buti na lang hindi ko pa iniiwan itong sr. ko. medyo nag-panic ako noong ma-discover ko yun. kinailangan ko pang mag-razon’s halo-halo para makalma ako.

      anyway, back to main topic. hmmmm marian is lucky may follower siyang kagaya mo.

  3. ayos.
    kaya nga hindi na ako nanonood talaga ng tibi eh.

    bale ang nipapanood ko na lang siguro eh yung commercials.
    uu nag-eenjoy ako sa commercial lalo na kung cuteness! wahhaha!

    dibidi na nga lang nipapanood ko eh.
    tuloy tuloy hindi nakakabitin.
    enjoy pa! yehey!

    1. ako rin dvd na lang then basa ng books or magazines. nito ko pa lang napansin na gaano kalaki ang na-missed ko sa pagbabasa. pero mas more ako sa panood ng pelikula ngayon.

      ang problema ko pa kasi maikli na ang attention span ko. hindi ko kaya ang matagal na nakatutok sa monitor at TV. sakit sa mata at puwit. hehehe

    1. hi yoshke and welcome to Hoshilandia!

      thanks for your appreciation too. nakakatuwa.

      hmmm yeah ang tao dapat hindi lamang maging matalino sa pagpili ng kandidato o ng produkto sa merkado, kundi maging sa panonoorin nila.

      mabuhay!

      1. dito kasi sa tfc namin wala commercials kaya namimiss ko..pero pag nandjan naman ako sa pilipinas naasar ako manuod ng tv sobrang dami commercials at paulit ulit. lol

      2. hmmm isguro nga mami-miss ko rin pag walang commercial. pero mas maigi na siguro wala. hahaha

        puwededng isiksik na lang nila sa unahan at pagkatapos ng programa. hindi yung maya’t maya. parang sihehan lang. hehehe

  4. Agree ako na kulang na kulang talaga ngayon ng variety ang ating local tv. Kapag noontime show sa network na ito, iyong kabila ganoon din. Marami rin ang adaptations at talagang nagiging ratings conscious ang mga network.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s