Kapit-Kuwarto

‘Di ko na matandaankung nabanggit ko na rito kung gaano ko pinapahalagahan ang aking privacy. Kung kinakailangan kong magpalit-anyo o mag-invisible para ma-retain ‘yan ay gagawin ko. Kaya nga hindi nagso-showbiz or sumasali sa Pinoy Big Brother eh.

Pero siempre may times na kailangan mong medyo baliin ang iyong trip for the sake of your mother studio. Actually, hindi na bago sa akin ang maraming tao sa aming bahay. Since birth labas-masok na ang mga nilalang dyan na ala El Pueblo. Dagdag pa ang reality na marami kaming magkakapatid. Gusto mo malaman kung ilan kami? Well that’s too personal, next question please.

Kaya nang napasakamay ko ang aking Purple Nassau (formerly Blue Nassau) ay sobrang thankful ako. Feeling may certain spot ako sa Hollywood. By the way, ang castle ko ay nasa pagitan pa ng dalawang castle na ilang mga tao na rin ang nagpapalit-palit na pumwesto. Ako lang stable kahit pang Middle East ang weather sa Purple Nassau.

Eto na, dahil isa-isa nang naglalayasan ang mga kapatid ko (rule ni Manang Juling na once na nag-asawa ay automatic ang eviction) tila lumalaki na ang bahay namin para sa aming natitira. Sayang ang space kung hindi pakikinabangan hindi ba? So kapag may kumagat, ipinapaupa namin ang kuwarto sa tabi ko. Ilang pamilya na rin ang na-cater noon.

Siguro apat ang naging boarder namin doon, at isa roon ay Indiano. Magaling pumili ng border si Nanay kasi so far wala kaming nakuhang balasubas (hindi nagbabayad ng tama). At yung first naman na umuupa sa amin (sa may nakahiwalay na puwesto sa bahay namin) ay umabot ng seven years at gusto pa ngang bilhin. Siguro kung hindi sila nakabili ng bahay sa subdivision sa Bulacan doon pa rin sila sa amin. Ito namang pumalit sa kanila ay may five years na ata.

Ang huling umupa naman dito sa katabing kuwarto ko ay kamag-anak namin. So parang okay lang, medyo walang adjustment sa pakisama. Pero ngayon kasi ibang tao. Eh paranoid ako sa pakikisama sa ibang tao. Ayoko na ako ang magiging dahilan ng reklamo. Kahit kating-kati ako sa pagpapatugtog ng labu-labong music collection ko hinihinaan ko muna. At siempre tuloy ang paggamit ko ng headphones sa panood ng TV/DVD. Iyon nga lang wala na akong magagawa sa pintuan ko, talagang nagsasalita ng naiibang lengguhe iyon.

Hay maipa-up & down ko na nga kuwarto ko (good luck parang may chimney lang ang dating) or pagawan ng basement (naku puwede palang makatabi noon ang dating posong negro namin) para lumaki at makapag-rock n roll ako sa aking terirtoryo. Hehehe!

Oh ayan isang business advice ‘yan, dahil marami talagang naghahanap ng mauupahan lalo na iyong mga nagtatrabaho sa call center.

Advertisements

16 thoughts on “Kapit-Kuwarto

      1. … sabagay, halos kapangalan ko na si Val. At least, may dahilan ako na lalapit (papasok) sa kuarto mo pag tinatawag mo ang aso mo hehehe!

      2. ah ganoon ba. nga pala nang-iipit ako ng kamay at paa. at sinasako at nililigaw kong parang pusa ang di ko kinikilalang alaga ko. wahahaha

      3. 🙂

        …pero yung pusa, bumabalik pag nahuhumaling sa amo hehehe.

        Nanggagapang pa….

        …ng pagkain. hehehehe!

        Hoy, kalupit mo naman. ‘Kita mo, isusumbong kita sa DSW! 🙂

    1. magandang araw din Duking!

      minsan mukhang sadness pero i think right rule yun.
      may mga kapit-bahay kami na sama-sama ang magkakapatid sa iisang compound naku ang gulo-gulo.

      nag-aaway-away at nagkakainggitan kahit simpleng bagay lang.

  1. Try mo naman ang Pink Nassau. hehe
    Okay na maayos iyong mga border na nakukuha ni Manang Jules. May Purple Nassau ka na, may extra income pa si Manang Jules. hehe

  2. kaya pala hanggang ngayon, di ka pa namin nakikita ng buong-buo pamangkin. kahit sa tito mo ayaw mo magpakita. hahahahaha

    nakakalungkot nga yung isa isang aalis mga kamag-anak mo sa bahay. tapos ang kapalit, mga borders..

    frends na kayo nung indian? hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s