One Love

Kagabi nagkakuwentuhan kami ng mga friends ko right after naming makipagburol (by the way, condolence again sa aking  Blog mentor na si Avi!). Yes sinunod lang namin ang pamahiin na huwag didiretso ng bahay pagkatapos makipaglamay.

Sa puyat naming tatlo at paghihintay sa isa pa sanang darating na kaibigan ay napunta kami sa usapang love.  Sabi noong isa, may nagsabi daw sa kanya na sa buong buhay mo isang beses ka lang daw talaga magmamahal ng totoo. Kahit pa sabihing bumilang ka pa ng serious relationships.

I don’t know pero hindi ako agree sa pananaw na ‘yon. May iba-iba sigurong level pero bawat taong ituturing mong sineryoso mo ay minahal mo. Puwedeng minsan ay masasabi mong masasaid ka dahil nagbigay ka ng sobra at masyado kang masasaktan. Pero kung bibigyan mo ang sarili mo ng kalayaan, maaari ka pa ring umibig ng higit o mas mababaw.

Naalala ko pa nga yung isang na-share  ng isa ko pang kabarkada na hindi raw siya handa noong nagpakasal siya sa asawa niya at parang napilitan na lang siya. Sa limang taon ng kanilang pagsasama na maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan, aminado siyang minahal na rin niya ang asawa niya kahit sabihin pang naalala niya ang first true love niya.

T5DKJY5HNSZN

Advertisements

42 thoughts on “One Love

  1. hmmm… ako naniniwala din ako na natutunan mahalin ang isang tao… at hindi lang isang beses sa buhay natin maaring magmahal ng totoo… pero masarap magmahal kung nasusuklian ito.

  2. Once lang? People have so much love to give. Being heartbroken once doesn’t mean you’re not capable of loving again. May be what she meant was that in one’s lifetime there’ll always be this one great love. :p

    Sayang wala ako sa kwentuhan na ito. hahaha

    1. siguro isa nga yung sa ipinupunto niya. hindi niya lang masyado naklaro. pero kasi sa usapan namin kasi. kahit may ibang umaaligid sa kanya at halimbawang totohanan nya. naniniwala siyang hindi na siya magmamahal ng iba. hindi ng gaya dun sa una nya ha, kundi talagang magmamahal pa ng iba.

      para bagang yung mga susunod na makakarelasyon mo ay for companionship na lang, comfort or dahil convenient. saklap naman nun di ba.

  3. agree ako sayo star… ibat ibang level lang siguro.. pero totoo yun sa lahat ng minahal mo may isang talagang sobrang mahal mo… pero hindi ibig sabihin na hindi mo sila lahat minahal( para ang dami ko namang minahal nyan hahaha) … ah ewan ko basta usapang puso nag cocollapse ako eh hahaha…

    1. aray ko collapse talaga ang term. hehehe
      tama kaya nga tayo may tinawag na first love, true love, greatest love di ba puwede ring love to love. basta kahit anong tawag na iisa ang basic nagmamahalan kayo.

      wahhh parang dami ko rin no. hehehe

  4. Speaking of pers lab, nakita ko yung perslab ko sa FB. May asawa na, may anak at naninirahan na (yata) sa ibang bansa. Nalungkot ako. Hay.

    Sa tingin ko hindi naman nawawala ang love, para yang nakaimbak sa kaibuturan ng iyong puso. Parang nasa baul, banga, ganun. Nakatabi lang.

  5. Hmmmm….,

    How do you (we) measure (that) love anyway? 🙂

    1- Yardstick? 2- Timbangan? 3- Paramihan: ng pagmamahal (or minamahal or minamahal)?

    Here’s how I measure Love: “If there’s love after passion, then there’s (true) love”. [First love, middle love or kahit last love.]

    O….., adbays ulit ng kuya VF mo yan, ha.

    ……hoy, siguro nakuha mo lang yan sa kapapanood mo ng mga tele-nobela, ha!

      1. Ano kaya kung magtayo ako ng “Love Supermarket”? 🙂

        First floor – para sa one love
        Second floor – para sa reserve(d)love
        Third floor – para sa multi-love

        O, saan floor ka magwi-window shopping? Puede rin ang try-before-you-buy, pero no return-no exchange hehehe!

      2. 🙂

        Mag-try before you buy ka ba sa third floor? Ala-e, baka mapagod ka iha?

        Hito. You make me smile! A big one.

        Thank you!

      3. wala ng try-try sugod ng sugod.

        pag -ayaw eddie bitiwan. sa bagay tipid na tipid ako, pati ba naman sa love. hahahaha

        kaya nga mahal e at di mura. wahahaha

        buti naman napapasaya kita. hehehe

      4. How about ukay-ukay department sa third floor? Di ba may butas yung mga ibang merchandize? Paano na pag may butas yung napili mo, na Love?

        Asus! Baka gawin mo lang na higaan ni Val hehehe!

      5. hmmm mukhang malabo yun dahil magaling ako dumiskarte. remember, malapit na akong maging batang Divisoria.

        pero if ever na may butas yung love na mapili ko…hmmm
        eddie tapalan, kung may tastas eddie tahiin. kung sadyang patapon na at wala ng magagawa, gagawin kong basahan. hehehe para kahit papaano may pakinabang.

        hindi ko gagawing higaan si Val. Prinsipe nga dating noon e.

      6. Ahhhh, di ko alam, handy(wo)man ka pala sa Love! 🙂

        …. e kung luma, bibilhin mo ba?

        Or, meron bang pinaglumahan na love? hehehe

        Halaka, mapapasubo ka kay VF (sa asaran) hehehe!

      7. ah nang-aasar ka na ba, di ko napansin? tsk tsk

        kung ganito lang naman na tanungan portion parang ok lang naman. hehehe pag di ko na masakyan hindi ko naman pinapatulan e… hahaha

        mayroong pinaglumaan na love for me. sabi ng nanay ko, kapag dinura mo na huwag mong himurin, meaning kapag pinakawalan mo na ang isang tao, wag mo ng balikan hanggat maaari, lalo’t wala namang pagbabago.

        handy (wo)man ako? hmmm hindi rin siguro. more lang sa pagiging resourceful and creative. medyo pasensyosa oo pero pag nakanti na ang pride ko. baka puwedeng mabura ang love. ganun katindi.

  6. yep yep yep…. di ko sang ayon sa kaibigan mong ONE love only…

    may levelling nga lang talaga. May mas, may pinaka, at iba-iba pa.

    Bakit hindi lang isang beses magmamahal ng totoo??
    —kasi.. masarap magmahal! at tuwing nagmamahal ka, itinotodo mo diba!

    (insert One Love by Blue music here)

  7. sabi nila, Love is thicker than the water.. teka teka.. Love ba yun o Blood?
    ah basta para sakin ang pagmamahal ay hindi nasusukat, hindi nabibilang sa ano pa mang pamamaraan… at higit sa lahat hindi pinaguusapan… Yan ang true Love

    1. well i respect your opinion kuya hehehe

      at agree ako, medyo gusto ko lang i-elaborate mo yung bandang dulo.

      “at higit sa lahat hindi pinag-uusapan”

      hindi ko alam kasi kung tama ang interpretasyon ko.

      mabuhay!

  8. hindi ko rin ‘to alam.ang alam ko lang,nagmamahal tayo sa paraang unique sa bawat pagkakataon.no point of comparing how much you love someone against someone dahil everytime na nagmamahal ka,it was like having a new set of blind eyes.

    o sige,para malinaw…in one time,you would love a girl because she was clumsy,sa ibang pagkakataon naman,you’ll fall in love to a girl beacause she was strong.and yes,you both love them.ganun lang.

    1. hirap ba mag-explain? sige sa husgado na tayo magkita. hehehe joke lang.

      gusto ko ang punto mo na “every time na nagmamahal ka,it was like having a new set of blind eyes.”

      tamang-tama ka roon friend!

  9. Ako hindi ko maisip na posible sa akin yung matutunan mahalin ang makakasama sa buhay, baka mambabae lang ako sa unang stages, pero kung posible sa iba baka posible sa iba. =p

  10. Sabi nga sa isang kanta.. ♫♪

    I wish you bluebirds in the spring
    To give your heart a song to sing
    And then a kiss, but more than this
    I wish you love..

    Kailan kaya na ikaw naman ang ma-inlove? 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s