tangled

Hindi ako magpapakalalim at hindi ko liliguyin  pa ang post na ito…

Madalas kahit sabihin pa ng logic ko na para akong eng-eng kapag naiirita ako at napapa ?&%#@ ako na kapag kung kailan ka nagmamadali ay saka pa nagkakandabuhol-buhol ang tali or kurdon o wires na gagamitin ko.

isa sa mga naihahagis ko hehehe

Napapaisip talaga ako madalas kung paano nagkapulu-pulupot ang mga ‘yon na hindi ko naman pinagtatabi o kahit papaano naman ay inayos ko naman ang pagkakalagay.  Let’s say na minsan ay kinaliligtaan ko na hindi maayos ang pagkakabuhol, pero nagtataka talaga ako kung paanong kusa na magkadikit-dikit ang mga ‘yon.

Kaya effort talaga sa paglalagay ng goma o yung pampapilipit na parang wire din. Test of patience talaga ang mode ko kapag ganito ang eksena sa mga chargers at mga anik-anik na gamit ko. hmmmmp! Samantalang, kaya ko pa ngang maghintay ng taong late kahit lagpas isang oras

Sa bagay noong bata ako, kapag natulog ako sa banig at may katabi akong natutulog sa folding bed pagkagising ko nakapulupot na ang katawan ko sa ilailim ng folding bed. Tsk tsk!

Advertisements

8 thoughts on “tangled

  1. Patience is a virtue, my dear.

    Try these pag nagkakabuhol-buhol yang utak mo: Take a deep breath, then release it slowly. Tatlong beses. Pag ayaw pa rin, guntingin mo na tsaka mo i-scotch tape! 🙂

    E…., yung yakap kaya,nagkaka-buKol din? Ops, nagkakabuhol din?

    … Of Patience, iba tayong mga Pinoy. I think, masyadong mainitin ang ulo natin. Dito, pag may nagkabanggahan ng kotse, pirmahan lang ng insurance papers, tapos na ang problema. Sa atin, palakihan ng kamao ( alam ko, ugali ko yan noon e. 🙂 ).

    Pero I grew up. Mas peaceful ang buhay if you could manage your emotions. O, payo ng kuya VF mo na yan ha. Try practicing that with your little dog, Val. He’ll understand pag kinausap mo siya. Hindi nia sasabihin na medio lukaret ang mistress nia hehehe.

    1. ei pasensyosa kaya ako, as in matagal mag-process bago ko ma-realize na galit na pala ako hehehe. nagtataka lang talaga ako kung bakit itong mga bagay na ito eh napakadali magbuhol-buhol.

      pero thank you na rin sa advice and trivia mo. naniniwala ako dyan na madali talagang mag-init ng ulo ng mga Pinoy. at least ako bagay ang pinagdidiskitahan ko hehehe kasi kung tao yon malamang ….. yun na yun.

      si val kinausap ko wala namang sinabi dumila lang hehehe

  2. ganyan talaga yan.nangyayayri na parang nananadya.like sinasabi nyang intindihin mo ako at tapunan ng konting oras.marami pang buhol ang mangyayari at marami pang buhol ang kakailanganing makalas.huwag ka magsasawa dahil they will be keep coming and coming and cumming…

    what the…hahaha!!!

  3. ang lalim a, pero i get your point.

    kailangan lang talagang sigurong gumawa ng paraan para makaiwas sa complications o kung di man ay matutong ma-solve ito.

    oh di ba binigyan ng ibang interpretation.

    mabuhay!

    1. di ba nakaka-wonder talaga ang mga ganyang bagay. hehehe

      (nandamay pa daw ako, hehehe) ang ginagawa ko na lang talaga eh mag-ipon ng panali para behave na yang mga kurdon na yan.

      thank sa pagbisita and welcome sa Hoshilandia!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s