Enterprising- selling, saving and sideline

Hindi pa ako nag-aaral sumasama ako sa lolo ko sa pagbebenta ng tanim naming mais, kamote at iba pang gulay sa palengke. Apart pa dyan ang panngangalap namin ng foods for the pigs.

Grade 2 – Nagbabaon ako ng isang malaking basong tubig. Lalaklakan ko pag nagugutom ako. ginagawa ko yun para makaipon ng pera. Yung isang daan ibinigay ko sa nanay ko at yung iba di ko na alam kung saan napunta.

Grade 3 – sinubukan kong magbenta ng mga foods for the teeth like pastillas, candies, sweet tamarind, and junk foods.  Ginaya ko lang yong isa kong kaklase pero noong maasar ako sa isa ko pang maarteng kaklase tumigil ako. asar e.

Grade 4 – tinutulungan ko yung friend kong kaklase na itinda yung paninda niya. Mahirap lang ang pamilya nila  kaya pag busy siya at kailangan ng tulong. Ako inaasahan niya.

1st year high school – tinutulungan kong magbenta ang teacher namin ng masarap na kalamay. Hindi dahil sa magandang grade kundi masarap kasi ang paninda niya at nalilibre ako. nagbenta rin ako ng ice cream on stick. ayun laging deformed.

2nd year high school – nagkaroon kami ng piggery and poultry business

3rd year and 4th year – nagbebenta ako ng mga chocolates na korteng jewelry box and roses tuwing Valentine’s day.  Kahit yong may crush sa akin o crush ko pinapatos ko na rin. pati na yung  di ko trip na kaklase at nagma-match pa nga ako. Pusa business is business. Ang hindi magbabayad, mapapahiya. Boooo

4th year– Dark age, nagkaroon kami ng tindahan. Walang social life at maraming manggagantso, one time gusto ko nang maglayas. Mayroon ding nakipag-away ako sa matandang lasing.  Kinabukasan siya ang humingi ng despensa sa nanay ko. mukha nya!

1st yr college – pinatos ko yung ibinebenta ng kaibigan ng ate ko na yung mga pangkikay. Hindi gaanong mabenta. Hindi ko rin kasi masyado trip hehehe. palibhasa hindi rin ako masyado Kikay kaya hindi believable.

1st yr – 2nd yr – P20 lang ang in-allot kong food sa baon kong 100. P50 doon ay sa pamasahe. Yung 30 iniipon ko pambili ng mga anime tienes ko o tinatago ko. Kaya pag nanood ako ng sine, mag-arcade o bibili ng pantalon, pera ko ‘yon. 3rd year nag-elevate na baon ko kaya lumaki na ang food allowance ko. hehehe. saka binawasan ko ang pag-iipon,  i-enjoy lang ang trip basta hindi sosobra. nagtapos ako ng pag-aaral na may ipon at kayang sustentuhan kahit papaano ang pag-a-apply.

Since 2007 tuma-try na ako ng pagsa-sideline

last year – naitayo ko na ang aking first investment (na lahat ay isang sideline ko lang nanggaling plus loan)

(may karugtong pa)

Advertisements

9 thoughts on “Enterprising- selling, saving and sideline

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s