hindi dahil common may sense na

One time, may isang news from yahoo na na-curious akong tingnan. Iyon ay tungkol sa limang klaseng tao na dapat iwasan. Isa na roon ay ang mga taong manipulative.  Gusto ko silang tukuyin kasama na ang mga taong masyadong casual sa lahat ng bagay.

Lagi natin pinaniniwalaan na mahalaga ang magkaroon ng kalayaan gaya ng freedom to express and freedom of the press. Ang kalayaan ay mahalagang yaman na hindi ko ipagpapalit gaya na lamang ng pagkakaroon ng privacy. Pero aminin natin na may tendency tayong abusuhin ito. Gusto natin na ipakilala ang ating sarili, iyong nga lang sa paraang hindi nababatay sa pamantayan ng iba.

Kahit may punto ito pero mayroon pa ring sablay. Paano kung ipinapakilala mo ang sarili mo na masama ka, wala kang pakisama o kaya’y okay lang ang manakit ng ibang tao? Well mahirap naman talagang maging mabuting indibidwal. Isa na ako sa puwedeng paulanan ng cornick kapag sinabi kong ang bait-bait kong girl. Ang mahirap ay ‘yong paniwalain mo ang sarili mo na tama ang masamang ginagawa mo at lalung –lalo na impluwensyahan mo ang ibang tao.

Ito ay gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Since halos lahat naman ay kawatan okay na itong gawin? kung lahat naman ng nasa lugar nyo ay addict, join the club ka na rin? Eh nasaan ang kalayaan doon kung ang sarili mo ay pinasok mo na sa kahon ng iba.  hindi ba’t mas maganda ng tawaging maprinsipyo at sarado ang utak, kung ito naman ay sarili mong paniniwala?

Ang masakit din sa iba, sinira na nila ang kanilang sarili dinadamay pa ang iba. Inggit? Puwede! Damayan? Malamang! Crab Mentality? Mismo! Bakit may taong kapag nakakilala ng mukhang mabait, tingin nila dito ay plastic? Bakit di nila hayaang maging mabait ang mabait o kahit pa sabihin nating nag-e-effort na bumait.

Mayroon pang ilan na dahil common na ang kasalanan ay casual na itong uulit-ulitin at ipamumukha ito sa kaniyang, guess what, love one na intindihin na lang siya. Kung hindi na nila iginalang bilang kabiyak o kasintahan, sana ay nirespeto man lang nila ang mga ito bilang tao. Example…

Namomobroblema yong tiyahin ng friend ko sa friend nya (analyze mo na lang) dahil hindi maiwan yung bf niya na may asawa na.  Nagplano naman na yung girl na makipaghiwalay kaso matulis si bf. Napaniwala ni boylet na kaya naman niya pagsabayin  silang dalawa first dyowa niya. Sa gitna ng panty at bra na ibebenta ng tiyahin ng friend ko (sales lady sa mall), nasabi ko na lang na…okay pa yan kasi hndi pa yon buntis. Eh paano kung nanganak pa yung kasalanan nila. Nasira na niya yong family noong isa, pati buhay niya at magiging anak nila. Eh dalagang-dalaga daw yung friend ng tiyahin ng friend ko e, pero sana ay madala na.

Natuwa naman ang yong tiyahin ng friend ko sa sinabi ko, inalok pa nga ako ng products niya e, sabi ko “iba po bibilhin ko, black socks!

Advertisements

10 thoughts on “hindi dahil common may sense na

    1. aray ko! hehehe

      pero hindi naman ito para sa iyo, may isa lang akong friend na nag-inspire sa akin para isulat ito.

      well hindi ko na lang ikunuwento yang story niya rito. kasi masakit pa para sa kanya.

  1. may mga lustful things kasi na masarap ulit ulitin. gaya ng pag utot. mali raw pag ginawa in public. pero hindi pa rin mapigilan. part na kasi ng system natin. tsaka sino ba kasi ang gumawa ng norms at laws natin. dapat inanticipate ni Abraham yung mga possibilities. bakit ang mga muslim, pwede mag asawa ng higit sa isa? kaya lang, mortal sin at taboo naman sa kanila ang homosexuality. bagay na very accepted sa christians. gulo no? hehe napadaan lang… 🙂

    1. hi neil and welcome sa hoshilandia Sr!

      hmm, yes maraming maarp na gawin n bawal at maraming paniniwala ang nakakatorete. but one thing for sure, respect other people and you’ll get the respect that you want.

      ang mali ay mali, kahit nagiging normal na yon. puwedeng uanwing nagkamali pero naiintindihan mo dapat na nagkamali ka nga. hehehe

      mabuhay!

  2. It all boils down to choices. Choice ng isang tao kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya kaya nga may freedom tayo. Pero kalakip ng freedom na iyon ang pag-alam kung ano ang tama sa mali.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s