Forwarded Luck

Dear Ate Jevs,

Dahil uso naman ngayon ang unli (text) o immortal (text) at may time naman na magbabad sa (Inter)net para makapag-email ay pinapatulan ko na lang ang mga forwarded messages na ipinapadala sa akin.

Sabi kasi roon ay basta magpadala lang ako sa 15-20 tao ay susuwertehin ako at kung ‘di man ay makaka-receive ako ng good news na inaasam ko sa ganitong oras kinabukasan din.

Madalas pinagbibigyan ko na lang ang mga kaibigan ko. Kasi karaniwan na laman ng chain letter ay kailangan may copy sila. Minsan, out of takot na lang kasi sabi may mangyayari daw na hindi maganda. May mga examples pa nga silang ibinibigay na kilalang mga celebrities.

Dapat po bang maniwala sa ganito? Ano pong opinyon sa bagay na ito?

Andie2

***************

Dear Andie,

O sige para suwertehin ka kapag ipagsabi mo sa may 50 katao itong sagutan letter natin. Makaka-receive ka ng good news ng bandang alas–dose ng  hatinggabi. Naniniwala ka? Siguro sa panaginip, puwede.

Naku eh isa nga rin yan sa problema ko kasi halos kalahati ata ng unread messages ko sa email ay ‘yan ang laman. Kahit sa cell phone ‘yan ang nagpapa-memory law sa inbox ko. hehehe

One time, napag-usapan na namin ‘yan ng isa kong friend. Sabi niya nakatanggap siya ng mensahe na kapag hindi niya ipinapasa iyon ay mamamatay ang kanyang mama. Ang ginawa niya in-erase niya ang message. Bakit? Paanong mamamatay daw ang ina niya eh matagal naman daw talagang patay iyon.

For me, may maganda at masamang dala yan. Maganda kasi yong iba nagpu-push sa iyo na ipag-pray ang iyong kaibigan at masama naman dahil naniniwal ako na karamihan sa mga ‘yan ay gawa-gawa lang ng walang magawa. Pagbigyan mo kung trip mo pero huwag kang dumepende na narito ang iyong suwerte.  Pray ka na lang.

Ate Jevs

12 thoughts on “Forwarded Luck

  1. ALAM mo di totoo yan, ano yun kapag nakatanggap ka may taning na buhay mo o ang mga mahal sa buhay mo… ang adik nga ng mga yan…

    ito pinakamatindi na natanggap kong chain letter via text.

    Ang pandesal ay napakasarap. Ipasa ito sa 5 kakilala kundi magiging pandesal ka. kamusta naman diba?!

  2. soayal na nga ngayon, dati ang chain mails ay iniiwan lang sa upuan ng simbahan, ngayon sa email na, ultimo sa mga social media networks meron na din.

    Buti nga ngayon, basta mo na lang ipo-forward, sati kailangan mo pang sulatin, sobrang hassle na, magastos pa sa papel at tinta ng ballpen.

    Umabot hanggang sa text. Hanggang ngayon ay usong-uso. Pero maniwala ka’t sa hindi sadyang di ako naniniwala rito.

    Sa tingin ko isa din itong paraan ng networking. Agrabyado ka emotionally at mentally.

    1. oo nga e, uso yan dati. tawag pa ata nila novena or something. lagi akong nakakakita nito sa may chapel ng university namin or sa mga adoration chapels.

      well, ang nakakainis dyan ay yong may panakot pa e. hindi na lang ang ipadala ay pampasaya. diba?! hehehe

  3. Hindi ako naniniwala sa mga chain letters/messages. Ang nakakainis pa sa mga ganito iyong ginagamit si Lord tapos sa huli sasabihin na may masamang mangyayari kapag hindi ipinasa sa iba.

    Kaya ako pag nakakareceive sa email or cellphone, delete agad. :p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s