Kung lalaki ako…

Kung lalaki ako

Ititigil ko ang pambabae ko, lalo na  kapag pinakasalan ko na ang babaeng inibig ko.

Irerespeto ko ang kagustuhan ng aking kasintahan kapag ayaw niya.

Makabasag na ako ng salamin, makaputol ng sanga, o pagpira-pirasuhin ang  unan ‘wag lang saktan siya.

Hindi ako mangingiming magsabi ng “sorry,” “take care,”  “great,” at “I love you”

Makikipagdebate ako pero pipili ako ng tamang lugar at katanggap-tanggap na pananalita.

Kung ako’y isang lalaki

Ikakahiya ko ang aking sarili kapag hindi ako magbigay-daan sa babae, lalo na sa upuan o daanan

Kikilanin ko ang kanilang kakayahan at iintindihin ang kanilang kahinaan

Kung mabuti ang layunin, magpapa-impluwensya ako sa kanila

Subalit, sasabihan ko ang mga bagay na napapansin ko, maganda man o pangit basta’s para sa  ikabubuti nila

Kung ako ang lalaki

Magbabanat ako ng buto para mapaunlad ang aking sarili. Para pagdating ng araw ay buong-buo kong ibabahagi ang aking pagkatao sa babaeng bibihag sa akig puso.

Pormal kong wawakasan ang relasyon namin kung talagang hindi ko na siya mahal. Hindi ko siya bibitinin o paasahin nang sa gayon ay kapwa kami makahanap ng kaligayahang nababagay sa amin.

Yayakapin, hahagkan, susulatan, kakantahan, sasabayan, bibigyan ng rosas o tsokolate siya. Maigi na ang matawag na corny at quezo, huwag lang bato.

Higit sa lahat aalagaan ko siya at mamahalin kapag siya ay may sakit o feeling pangit o nanaba, dahil ang mahalaga sa akin ay hindi ang isang katangian niya kundi ang buong siya, ang babaeng ang aking kapareha.

Note: March 2010 is International Women’s Month

“When I was a child, I talked like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I put childish ways behind me.

“Now we see but a poor reflection as in a mirror; then we shall see face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.

“And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.” 1 Cor. 13: 11-13

Advertisements

19 comments

  1. kung ikw ay lalake… ligawan mo aq ha! ssgutin kta!! hehhe…

    tama,magbigay ng daan at upuan s mga kabbaihan.. 🙂
    ewn q ung ibang lalake hnd nahiya n cla nakaupo tpos ung babae nka tayo!

    at xempre tama,, itigil ang pambababae ! thumbs-up 🙂

  2. ayun eh. hahaha

    oo nakakahiya yung mga lalaki na ang lalaki ng katawan nakikipag-unahan pa sa upuan. okay na sa akin yung matagal ng nakaupo, may kasamang bata, marami ang bag. ayoko lang yung garapalan talagang deadma.

    oo itigil na ang pagiging babaero. buhay ang sinisira nyan. hehehe. at iyang mga babae, pag taken ay na taken. wag ng umaligid. respetuhin ang kapwa babae

    • mukha bang galit? hehehhe pero may bahid naman ng katotohanan hindi ba?!

      kung pinaglalaban natin ang ating pagkababae, dapat marunong din nating irespeto ang ating kapwa babae sa abot ng ating makakaya. well hindi naman natin masasaklaw lahat. hehehe

      • hahaha bat ganun, parang nasa aming lahat ang sisi? kung ayaw naman samin ng babae di din naman namin papansinin eh. sa ating kultura at lipunan iba ang tingin sa isang babaeng papatol sa isang may asawang lalaki

        nagtataka ako sa mga babae, dati sabi nyo dapat pantay ang karapatan ng mga babae at lalaki, pantay ang pagtingin, kaya yun ang binigay namin. Siguro kung hindi kayo pinauupo sa bus, MRT, atbp. 2 bagay lang naman yan. Una dahil sa pantay ang ating mga karapatan, (dati nagagalit kayo kasi gusto nyo makapagaral din at hindi puro gawaing bahay yun ang binigay namin, kaya ngayon kung kaya nyo maupo sa bus kaya din namin hihihi) pangalawa dahil mukha ka lalaki (akala lalaki ka diba pre?) hihihi patawa lang po.

  3. yeah alam mo ba yan ang iniisip ko kapag nakatayo ako sa bus at walang nagpapaupo. that’s gender equality. pero ang pagpapaupo ay good trait sa kahit anong gender. at masarap ang pinapaupo. hehehe. actually pabor ako doon sa mRT na paghihiwalay. kahit magkalasog-lasog ako sa loob, basta alam ko babae ang sumasangi sa akin, k lang.

    don’t worry mumbaki ang post na ito ay hindi paninisi sa mga lalaki kundi ang pagmamahal sa mga kababaihan. kung ano ang tingin ko ay hinahanap nila. hehhee

    mabuhay!

  4. Happy Women’s Month! :p

    Ganda ng post mo na ito, better sa message ng isang kanta ni Beyonce. hehehe

    Nagngingitngit ako talaga kapag may mga lalaki na hindi kayang magpaupo sa mga babaeng matanda o buntis at mga lalaking pumaptol at nananakit ng babae.

  5. ay parang kanta lang to na IF I WERE A BOY!

    mabuhay ang mga kababaihan! hakhak!

    pero ang habol ko minsan is equality between men and women. feeling nila napakafragile natin kaya minsan andoon na sasabihing mahina ang mga babae. nakakainis! aya wko ng ganun!

    • oo nga naisip ko iyon ang i-title kaso wag na lang. Tagalog naman tayo e.hehehe

      actually yan din ang pino-point out ni mumbaki, ang gender equality. that’s why i think…

      Kikilanin ko ang kanilang kakayahan at iintindihin ang kanilang kahinaan. ganun din naman sa mga lalake na may kalakasan at may kahinaan. hehehe

      mabuhay talaga sa ating mga girls!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s